KARYLLE
"I'm sorry anak" I traced her name on her tomb. Miss na miss ko na yung anak ko.
"I'm sorry Summer, ngayon ka lang binisita ni mommy."
"Sa tuwing nagpapakita ka sa panaginip ko, ang lungkot mo palagi. I'm really sorry baby. Sana this time, when I see you on my dream you are happy now. Play na kayo ng kapatid mo dyan sa heaven." napatingin ako sa isa pang pangalan na nasa puntod.
I named my baby— Asher Tatlonghari.
Humiga ako sa tabi ng puntod nilang dalawa at pumikit ako. Nakaramdam ako ng payapa. Kahit pala ilang beses ko pigilan tumulo ang luha ko, hindi ko magagawa.
Ayaw na rin sakin ni Serenity. Kasalanan ko naman. I know I am suffering right now dahil sa pagkawala ni Asher, pero pati ang anak ko nadamay ko na.
"Karylle.." nakaramdam ako ng pag gising sakin kaya nag mulat ako. Nakita ko si vice na ang lapit ng mukha sakin at tinititigan ako.
"Vice.."
"You should go home. Dito ka pa natulog sa sementeryo." sabi niya at nilapag nya yung bulaklak sa tapat ni Summer. Bumangon ako at pinagpagan ko ang damit ko.
"Nasaan si Serenity? Can I see her?" lumingon sya sakin na parang nag aalanganin syang sumagot.
"K, I'm sorry kahit gusto ko , si serenity ang may ayaw. Paalis na rin kami, nauna na sila sa airport. Susunod na lang ako dahil pinuntahan ko lang si summer." tumayo na sya kaya naman tumayo na rin ako at tinitigan ko ang mga puntod ng mga anak ko.
"Please bring back the old karylle." Vice. Nakatitig sya sa akin habang sinasabi nya yon.
"I want to see you happy again. Wag ka lang tanga at marupok kapag bumalik na naman si yael sayo." umirap pa sya kaya napangiti ako. Sa mag hapong ito, ngayon lang ako ngumiti.
"Hindi na. I am done with him."
Tumango sya at hinalikan nya ako sa noo bago sya nagpaalam ng umalis.
Kimabukasan, pumasok ako sa showtime pero na late na ako. Hindi ko alam kung bakit para silang pinagsakluban rin ng langit at lupa noong madatnan ko sila.
"Huy, what happened ba?" tanong ko sa kanila.
"Wala bruh, tara na mag work na tayo." Vhong. Hinawakan na nya ako sa braso at pinatayo pero nanatili akong nakaupo.
"What happened nga? Sa inyo na lang ako kumukuha ng lakas ng loob kaya wag kayong ganyan. Tell me, what's the problem?" isa isa ko silang tinignan pero parang mga nag hihintayan kung sino mag sasabi sakin.
"Vice resigned as a host."Anne.
" Ano? Bakit? Sabi nya magbabakasyon lang sila ni Serenity sa states." tanong ko at napatayo ako.
"It was his decision, Karylle. Hindi na namin sya napigilan kahapon. Basta pumunta sya dito bago siya umalis papuntang airport." Anne.
"He never told me. Nagkita kami kahapon unexpectedly sa puntod ni Summer."
Aaminin ko, nalungkot ako. Nakakamiss rin pala na alam ko ang nangyayari lahat sa kanya. Na inuupdate nya ako palagi before kung saan sya pupunta, ano na ginagawa nya.
"Babalik pa naman yun, gusto nya lang mag heal muna ng sarili niya." Vhong.
VICE
We landed here in California kanina pa. Si Serenity ang himbing ng tulog, tulo pa ang laway sa balikat ko.
Pag kauwi namin ng bahay, dinala ko na si Serenity sa kwarto namin at inayos ko ang comforter.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.