KARYLLE
Tatlong araw na simula noong mangyari yung gabi na nagpunta sya sa bahay, yung hindi kami nagkaintindihan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap ng maayos kahit na magkasama kami sa work. Lumalapit sya sa akin, hinahawakan nya yung kamay ko pero may kulang. Iniiwas nya rin yung about kay yael sa tuwing ioopen ko sa kaniya.
Baka nga hindi pa sya ready na marinig yung paliwanag ko dahil nasaktan ko sya.
Bakit nga ba hindi agad ako nakasagot sa tanong ni yael na yon?
Mula dito sa hurado seat, tinitignan ko sya habang nag hohost. Sana yung saya nya ngayon sa harap camera, ganyan din hanggang sa pag uwi niya sa bahay.
Flashback
Pinauna na akong umuwi ni vice dahil may rehearsal pa sya sa studio. Gusto ko man syang hintayin, sabi niya huwag na at mag rest na lang ako sa bahay.
"Love, update me kapag nakauwi ka na" saad niya pagkatapos nyang uminom ng water sa kaniyang tumbler.
"yes love, I will." I gave him a peck kiss on his lips kaya naman inasar na naman kami ng mga kaibigan namin and other staffs. Hindi pa kasi umuuwi si jugs tska si ryan!
Nagpaalam na ako kay vice bago ko lumabas ng studio at sumakay sa sasakyan ko pauwi. Pagkarating ko, nakita ko yung isang familiar na sasakyan sa tapat ng bahay ko.
"Yael?" tanong ko pagkalabas ko ng sasakyan. Lumingon sya sa akin since naka sandal sya dito.
"K," he gave me a bit smile kaya lumapit ako. Nag aalanganin pa syang ibeso ako and I did.
"what are you doing here? wala ka bang gig ngayon with your band?"
Sunod sunod ang iling niya bago tumingin sa akin.
"Can we talk? Just a date, K."
Ano naman ang pag uusapan namin? Tinitigan ko sya at umiwas sya ng tingin.
"Sure yael. Let's just make that quick. Baka pumunta si vicey dito sa bahay. He's making sure na mag rest ako after work."
Tumango lang sya at pinag buksan ako ng sasakyan nya. Sinabi kong sa sasakyan ko na lang ako sasakay pero nag insist pa.
Sasabihin ko na lang kay vice mamaya na nakipag kita sakin si yael. Ayaw ko naman na maging destruction sa kanya ngayong rehearsal nya. Baka ma misinterpret rin.
"thank you, K" rinig kong sabi ni yael habang nag ddrive. Lumingon ako sa kaniya at nag nod lang ako with a smile.
"How are you and your relationship?" diretso kong tanong bago ko ayusin ang bag ko na nasa aking lap.
Hindi sya agad naka sagot sa akin at ngumiti sya ng bahagya.
"It's just a fling. Hindi naging seryoso ang relationship na yon. Na tempt lang ako na lumingon sa iba, magka gusto but wala akong pagmamahal na naramdaman."
"But you keep on seeing each other noong tayo pa lang."
Hindi na ako nakarinig ng sagot niya. Nasa tapat na pala kami ng restaurant at pinag buksan nya ulit ako ng sasakyan. Pagka baba ko, hinawakan nya ako sa kamay para alalayan ako. Binawi ko kaagad yung kamay ko sa kaniya.
Pagka pasok namin sa restaurant, pumili na agad ako ng order para naman matapos na to.
"K, hindi mo pa ba ako napapatawad?"
Tumingin ako sa kaniya. His eyes. Halata sa mata niya na nagsisisi na sya sa mga ginawa niya.
"I did, Yael. I did. I am happy now with him."
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.