THE TRUTH

197 7 0
                                    

VICE

Mag mula noong mangyari yung sa bar, umiwas na muna ako kay karylle. Hindi na mula ako laging lumalapit sa kaniya.

Pakiramdam ko nababastos ko siya, may mga nagagawa akong hindi ko alam kung nasa isip ko lang o totoo na.

"Premier na ng The Marriage, mamaya. Excited na akong mapanuod yun with the babies and ponies." sabi ko habang napa palakpak ako.

"Ay with the babies lang? Paano naman ako vicey?" Karylle. Alam ko naman na nag tatampo tampuhan lang siya.

"Nandoon ka naman mamaya, karylle. Parang ewan to, magkasama naman tayo mamaya." tanging sagot ko bago ko iniwas ang aking tingin.

Pansin ko na lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko.

"Maraming manunuod niyan for sure."Anne.

"Vicerylle babies, nood na." Jugs.

"Abangan nyo po kami mamaya dyan sa Trinoma, manunuod tayong premier ng The Marriage." Karylle.

Nilingon ko siya, hindi sadyang nag tagpo ang aming mga mata.

"Susunduin mo ko sa bahay ha?" Karylle.

Tumingin ako sa camera, na kunwari si Yael yon.

"Yael oh, si Karylle oh sa akin daw sasabay. Kagalitan mo nga ito." playful niya akong hinampas kaya medyo natawa na rin ako.

Tinignan ko yung daliri niya, wala yung singsing. Hindi niya suot.

"nasaan yung singsing mo?" tanong ko sa kaniya.

"Tinago ko. Sayang naman, baka mawala." nag tawanan yung mga tao sa paligid namin.

"brad, binigyan mong singsing?" Vhong.

Tumango ako habang naka tingin kay karylle.

"Hindi ko alam kung bakit binigyan nya ako ng singsing. Crush mo talaga ako noh?" Karylle.

A smile formed on my lips.

Pag dating namin sa back stage, tumabi sakin si Ion habang kukwentuhan kami. Dinalhan din ako nito ng watermelon, alam nyang favorite ko.

Lumapit sa akin si karylle na may dalang street food, binigay nya sa akin yung tupperware na yon.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kaniya.

"naisip ko kase na favorite mo yan diba?" Karylle.

Inabot ko sa kaniya pabalik yung tupperware.

"Ah thanks K, pero ano kasi eh hindi na talaga pwede, nag gagamot pa ako. Kina anne mo na lang ibigay yan." sagot ko sa kaniya.

Nilingon ko si Ion. Sa, kaniya ko tinuon ang atesyon ko bago ko subuan ng pakwan. Matapos nun, pinag masdan ko si K, nakikipag kwentuhan kina Anne at Vhong.

Alam kong nasaktan ko siya, kasi dati kahit bawal basta galing sa kaniya yung street food kinakain ko.

Nakaka fall yon.

Nahuhulog ako, masyado siyang maalaga though pareho kaming may boyfriend.



Premier night. Usually kapag premier night naka gown ako, pero ngayong gabi I chose to wear a suit and tie.

"Babe" tawag ni ion sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinalikan nya yon.

"sweet naman ng babe ko." sabi ko at ako naman ang humalik sa kaniya sa pisngi.

Sabay kaming umalis ng bahay, manunuod din kasi sya sa premier namin. Napaka supportive ng jowa ko. May guilt sa akin, dahil nag lilihim ako sa kaniya.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon