GENERAL
Tatlong buwan na ang nakakalipas mag mula nang mag hiwalay sina Karylle at Vice. Maraming nabigla at nalungkot sa kinahantungan nilang dalawa. Ilang buwan man silang hiwalay, walang alam ang mga tao tungkol sa relasyon nina karylle at yael. Maging ang pag bubuntis niya na si yael ang ama nito.
Ganun pa man, pareho pa rin silang magkasama sa trabaho.
May mga oras pa rin na nahuhuling nakatitig si vice kay karylle ngunit agad nyang babawiin ang tingin dito kapag naka lingon na ito sa kanya.
"Hi Serenity, daddy is going home na. Wait mo ko baby!" sabi ni vice sa camera at nag wave pa ng kamay.
"Hindi ba natulog si Serenity?" di maiwasan mag tanong ni Karylle lalo na at narinig niya ang pangalan ng anak nila.
Lumingon naman si vice sa kanya at ngumiti, "natutulog sya ng 11 am to 2 pm. Tapos merienda at laro. Sometimes she's watching here. Ganoon pa rin yung routine nya, love. I mean Karylle. Sorry sorry." napa face palm sya at bahagyang natawa. Tinabig naman sya ni Vhong kaya sabay silang nahagikgik.
"Paraan ka sis ha!" Anne
"Hindi a! Nasanay lang. Kayo talaga, mahirap masanay sa isang bagay tapos biglang mawawala— oh magbabasa na ko ng spiels. Dami nyong chika dyan ha!" saad nya at muling natawa. Nakatitig lang naman sa kanya si Karylle at bahagyang ngumiti.
"I'll be gone for a month, madlang people" sabi ni vice bago ang closing ng kanilang show. Natahimik naman ang kanilang audience, at napatitig si Karylle sa kanya.
"I will just go in California with my daughter Serenity."nakangiting sabi ni Vice sa madlang people.
Napa gasps naman si Karylle dahil mukhang isang buwan niyang hindi makikita ang kanilang anak.
" Karylle" napa tingin naman sya muli at bumalik sa ulirat nang banggitin ng dating asawa ang pangalan niya.
"Hindi ko naipagpaalam sayo na aalis kami muna ni Serenity. But I assure you na makakausap mo sya palagi kahit na wala kami dito sa Pinas." Vice.
Tumango naman si Karylle at bahagyang lumuha, ganoon nga kapag buntis hindi mapigilan ang emosyon.
Pagkatapos ng pagpapaalam ni vice sa showtime ay nag end na ang show. Kanya kanya naman na silang punta sa dressing room para mag ayos ng kanilang mga gamit.
"Vicey," napatingin naman si vice sa reflection sa vanity table. Nakita nya si Karylle na nakasilip sa pinto.
"Hey. Pasok ka." sabi niya at nilingon ang dating asawa.
Lumapit naman si karylle at niyakap sya.
Ganoon pa rin, napapahinto pa rin sya sa mga actions nito.
"Ang higpit naman ng yakap mo. Ikaw ha, paraan ka." biro niya rito.
"Ibigay mo yung iba kay Serenity." saad ni Karylle sa kanya at ngumiti.
"Bakit di mo muna puntahan sa bahay? Hindi na ako papasok bukas e, mag aayos pa ako ng gamit naming dalawa. Tara na sa bahay, doon ka na lang magpasundo kay Yael." sabi niya dito habang nakatitig sya.
Hindi rin naman naging madali para kay vice na makatrabaho si Karylle. Hindi sya totally maka move on. Araw araw mo ba naman makita ang taong mahal mo na may mahal na iba, sinong hindi masasaktan?
Maaaring okay sya sa harap ng camera ngunit pag uwi sa kanila, kapag tulog na ang anak niya madalas umiiyak sya. Nag iinom hanggang sa tuluyan na syang makatulog.
"Hindi na, vice. May check up pa ako ngayong hapon sa obgyne ko. Mag memeet pa kami ni Christian B."
"Saglit lang naman, ako na kakausap kay Christian na next time na kayo mag meet. Si serenity naman pupuntahan mo, anak mo naman yon." pamimilit niya dito.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.