KARYLLE
Kakagising ko lang and I checked my phone. Walang message from him. Baka tulog pa yata to. Matagal rin kami magkausap kagabi, napuyat na yata.
Hi love. Happy anniversary, vicey.
Nag leave na lang ako ng message bago ko nag asikaso. Kagabi lang sya ulit nagkaroon ng oras sa akin, masyado syang busy na naman. May concert pa ulit sya next week. Pupunta na naman sya ng ibang bansa.
Ala una na ng hapon pero wala pa rin? Late ko na nga na greet eh. Pagkatapos ko mag asikaso, pumunta ako sa balcony at doon sumandal.
Naalala ko yung day na sinagot ko sya.
FLASHBACK
Nandito kami ngayon sa Cavallo Point sa Califonia. Tanaw namin yung Golden Gate Bridge. Dinala nya ko dito dahil gustong gusto ko daw ang grass, which is true naman. Nakikita rin namin yung mga mountains.
Dapit hapon na, at ang sarap pagmasdan ng paligid lalo na kung kasama mo yung taong mahal mo.
"Vicey, sa paanong paraan mo gusto masimulan yung relationship natin?"
Tumingin sya sa akin habang naka kunot noo, "Mm, healthy relationship. Hindi lang sa panimula, kundi hanggang sa kung saan tayo makakarating. Kase ikaw na yung nilolook forward ko na makakasama ko pang habang buhay"
Tinago ko ang ngiti na sumilay sa akin.
"ang ganda ng sunset no?" tanong ko sa kaniya. Hinawi ko pa ang buhok ko dahil tumatabing saking mukha. Pero yung ginawa nya, kinuha nya yung scarf na nasa kaniyang bulsa at pinantali sa aking buhok.
"Yes, maganda ang sunset pero hindi ka pwede mag sabi ng goodbye sa akin." nakatawa niyang sabi habang tinititigan ako.
"why? Minsan kaya yung sunset ang nagpapatunay na maganda rin ang ending." I wiggled my eyebrows kaya inirapan nya ako. I chuckled, nainis ko na naman si vicey.
"Maganda naman talaga ang ending. Ayaw mo ba yon, hindi ka na manliligaw sa akin." nakatitig lang ako sa kalangitan hahang nakangiti.
"Bakit mo naman ako pinapatigil sa pag liligaw?"
"Tumigil ka na nga vicey" nilingon ko sya bago ko pagmasdan.
"Itong kulot na to, siraulo. Hindi ka pa ba nakaka move on sa inyo ni yael? Okay lang naman sakin, mag hihintay pa rin naman ako love. Just please huwag mo naman ako patigilin sa panliligaw oh."
Pinunasan ko yung luha nya na pumatak mula sa kaliwang mata nya.
" Tigil ka na sa panliligaw. Ayokong makitang umiiyak yung boyfriend ko. "saad ko. Napatitig sya sa akin na halatang nagulat sa sinabi ko.
" love... " banggit nya sa akin
" yes, pogi? "
Imbis na sagutin nya ako, isang yakap ang binigay nya sa akin kasabay ng pag hawak nya sa magkabilang pisngi ko at humalik sa aking labi.
"I love you, kurba! Thank you! I love you"
"thank you so much vicey, sana ikaw na ang huli."
"ako na ang huli"
END OF FLASHBACK
Tumingin ako sa singsing na nasa daliri ko, binigay nya sa akin two months ago.
Sana ikaw na ang talaga ang huli, vicey.
Katulad ng singsing na to, pangako nya sa akin ang pang habang buhay. At wala akong pag dadalawang isip na sumang ayon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.