TORNS

104 7 2
                                    

GENERAL

"Hi vice, magandang gabi" bati sa kanya ni tito Boy pagkaupo pa lang nya sa seat.

"Magandang gabi tito boy." naka ngiti niyang saad dito at tumayo pa sya ulit para makipag beso sa host.

"It's nice to see you here again, Vice. Mukhang marami na naman tayong pag uusapan." Tito Boy. He smiled then chuckled a bit.

"Oo po eh. Pero mas mukha akong kinakabahan. Matagal rin akong hindi nakapag guest dito. Ang last yung nasa California pa ako via zoom yata yon or gmeet diba?" pag babalik tanaw nya.

"Yes yes. Nagkausap tayo noon, hindi ka pa noon kasal. And now you are here again because of the issue." Saad ni tito boy. Tumango tango naman si vice habang nakangiti. Medyo nag pawis rin ang kaniyang mga kamay.

"So kumusta ka na vice?" pag tatanong sa kanya ng host. He smiled habang nakatitig sa mga mata ng kaniyang kausap.

"Ang hirap ng question, pinaka mahirap na tanong sa lahat yan dahil hindi ko alam yung exact words para madefine ko kung kumusta na ba ako. Maybe I am not really okay. I feel empty these past few days." sagot nya at bahagyang yumuko. Ayaw nyang makita sa camera ang mga nag gigilid niyang luha.

"Is it true that you and Karylle are going to separate? What is the main reason?"

"Yes tito Boy. I'm just waiting for the annulment papers. Main reason is—" napatigil sya sa pag sasalita. Hindi niya alam kung dapat ba nyabg sabihin. Ayaw nya rin naman masira pa sa mga tao ang asawa niya.

"I've caused too much stress eh. Ako rin yung reason bakit nawala yung second child namin na si Summer. So it's better na mag hiwalay na rin siguro kami kaysa nag sisisihan kaming dalawa araw araw. And also para hindi ko na sya masaktan pa diba." Vice.

Pero alam nyang kasinungalingan na naman ang sinabi niya, sya na nga ang nasasaktan ng lubusan. Hanggang dito pinag tatakpan pa rin niya ang asawa nya.

Hindi na sana lalabas ang issue na to, subalit dahil sa mga paparazzi na nagkalat at sinusubaybayan ang kanilang bawat galaw ay hindi sila nakatakas. Nahahalata na rin naman ng mga tao na hindi niya madalas kausapin si Karylle.

"Have you say sorry to your wife?"

"I always do, tito Boy. Every morning o kaya bago kaming dalawa matulog sa gabi. Pero siguro masakit pa rin sa kanya, ako rin naman nawalan e. Aksidente rin naman yon."

Napansin naman ni vice ang pagka awa ni tito boy sa kaniya. Ngumiti lang sya dito.

"I will be okay, mag heheal rin to. Pero syempre mahirap tska matagal. Ayan na ha, sinagot ko na mga chismis nyo. Kaloka kayo. Kaloka sila no tito boy? Tagong tago sa management itong problema namin ni Karylle tapos biglang nagkalat sa social media bigla." Natatawa niyang sabi at umayos ng upo.

" Yes. We cannot please people, ganyan talaga ang mga tao. "simpleng sagot ni tito boy sa kanya.

"Thank you so much for guesting vice. Sa ngayon mukhang nalinawan na ang mga tao especially your vicerylle babies kung bakit hindi na kayo ganoon ka sweet ng kanilang mommy kurba." Tito Boy.

"Oo nga no. I'm so sorry to our babies. I did my best, mga anak but hindi pa yon enough. And I am not stopping you also if you choose not to support us anymore. I don't have time to explain my side, kasi ako mismo nasasaktan, okay lang kung sisihin nyo ko ngayon. If you were in my position magegets nyo ako. But there are certain things that I need to keep in myself. Pasensya na talaga kung nabigo kayo. Mahal na mahal ko yung mommy Kurba nyo, babies. But I guess we are not meant on each other. " saad niya habang nakatingin sa camera.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon