KARYLLE
"Kurba!" tawag ni vicey sakin pagka pasok nya ng dressing room ko.
"Yes vicey?"
Nag aayos kasi ako ngayon ng mga gamit, pauwi na rin ako. May pupuntahan pa akong gigs nina Yael.
"Sama ka sakin. Mag babar lang tayo saglit tapos uuwi na rin." Vice. Tinignan ko sya bago ako ngumiti ng maliit.
"Hindi ka ba sasama sakin? May pupuntahan ka ba?" tanong nya.
Tumango ako agad.
"Oo vicey, may gig sina Yael mamaya. Manunuod ako."
Hinalikan na lang niya ako sa pisngi bago sya lumabas ng dressing room ko. Wala syang sinabi na kahit ano.
Sinundan ko sya ng tingin habang napapa buntong hininga na lang ako dahil dun.
Tinignan ko yung mga gamit ko bago ko sundan si vice sa dressing room nya.
"Vicey?" tawag ko bago ko buksan ang pinto ng dr nya. Nilingon nya ako ng may maliit na ngiti sya.
"Ang lungkot naman nyan. Ang saya saya mo kanina nung pumunta ka sa dressing room ko ih." lumapit ako bago ko sya yakapin.
"Hindi naman. Nawala lang ako sa mood."
"bakit? Nag away ba kayo ni Ion?" tanong ko sa kaniya.
Umiling sya. Niyakap niya ako pabalik.
"Alam mo naman na ikaw ang nagpapasaya sa akin, kurba."Vice.
Tinitigan ko sya, but ako yata ang unang susuko dahil naka titig din sya sa akin. Hindi ko matatagalan ang bawat titig niya.
" sama ka na sakin, kurba. Tapos uuwi tayo sa bahay kasi for sure hinahanap na ni nanay yung manugang nya. "Vice.
Heto na naman sya, nasanay na yata siya sa character nya sa movie naming dalawa.
"Vicey, in character ka pa rin? Hindi naman ako hahanapin ni nanay rosario."sabi ko sa kaniya.
Bumitaw siya sa pagyakap sakin bago tumango.
" Sorry Karylle ha. Hindi ko kasi mapigilan. Hehehe. Sige, una na ako. Iba na lang ayain ko na pumunta ng bar. " sagot niya. Kinuha na nya yung mga gamit niya.
Di man lang ako tinapunan ng tingin ng lumabas sya ng dressing room nya. Napatingin ako sa vanity mirror. May maliit na papel ang nakapatong dun.
A smile formed on my lips.
Yung naka sulat kasi puro pangalan ko with hearts. Tinignan ko rin yung likuran ng papel pero iba naman ang naka sulat.
Ana Karylle Tatlonghari-Viceral
Iniwan ko na lang ulit doon yung papel at lumabas ng dressing room nya at ako naman, umuwi na ng aking bahay.
Nagpalit lang ako ng damit bago ko itext si yael na pupunta na ako sa gigs nila. Then pag open ko ng group chat namin, nalaman ko na pupunta pala silang lahat sa bar.
Vice: Kayo na lang, wala na akong gana.
Vhong: Brad, walang magbabayad ng drinks namin! Halika na!
Billy: Parang may hint na ako bestie kung bakit
Jugs: starts with the letter K.
Vice: alam mo juggy kung malapit ka lang, nako tigilan mo ko ah.
Jugs: Eh kase ate vice, mayroon kang K. As in Katok. Kinakatok ka na naman.
Anne: Sis! Wag ka muna mag inarte dyan, I'm sure pupunta yon.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.