BROWN ENVELOPE

125 11 5
                                    

GENERAL

"Mama!" pag awat ni Zia sa kanilang ina na si Zsazsa matapos sampalin sa pisngi ang kaniyang ate na si Karylle.

Pumunta si Karylle sa ina at sinabi nya na hihiwalayan na nya si vice. Nagtaka naman si Zsazsa dahil mukhang okay naman ang dalawa. Walang binabanggit ang mga ito sa kanya na may problema.

Dahil doon, hindi na nakapag pigil pa si Zsazsa at tinanong ang anak kung ano ang dahilan kung bakit gusto niyang hiwalayan ang asawa.

Inamin nya sa ina na niloko nya si vice at may nangyari sa kanila ni Yael sa mismong kwarto sa bahay nilang mag asawa.

"Hindi kita pinalaki ng ganyan, Karylle! Anong naisip mo at ginawa mo yan sa asawa mo?!" Singhal niya sa kaniyang anak.

"Mahal ko si Yael, ma!"

"At kailanman, hindi ko matatanggap si Yael bilang magiging asawa mo. You didn't appreciate your husband's effort. Araw araw kang sinusuyo. Araw araw niyang pinapaalala sayo kung gaano sya kaswerte na nakilala ka niya. Malaking kawalan sayo si Vice, karylle. "

Iniwan sya ng kaniyang ina sa salas. Dinaluhan naman siya ni Zia at niyakap sya ng mahigpit.

Sa kabilang dako naman, magkakausap sina Vhong, Jhong, Vice, Teddy at Jugs. Nasa bar silang lima at nag iinuman.

"Brad, marami ka na naiinom a. Mukhang may problema kayo ni bruh, ano ba yon? Hindi ka naman matutulungan ng alak na maresolbahan yan." pag aawat ni vhong habang kinukuha ang baso mula sa kaibigan.

"She's filing an annulment." saad niya bago ibaba ang baso at nag salin ulit ng alak.

"ano??" Jhong.

"Bakit? Anong nangyari?" Jugs.

"Teka, ano naman nangyari? Bakit biglaan naman yata?" Vhong.

"Anong naging problema ba vice?" Teddy.

Sabay sabay na pag tatanong mga kaibigang lalaki sa kanya. Hindi rin naman nila masyadong mailakas ang kanilang pag uusap dahil may mangilan ngilan ring mga tao ang nasa kanilang paligid.

Siniksik tuloy sya ng mga ito at handang makinig sa kanya.

"I saw her having sex with yael." nakatitig sya sa kawalan habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Natahimik at hindi maka paniwala ang kanilang mga kaibigan.

"She's having an affair with him simula noong namatay si Summer. Ilang beses ko sya pinag sabihan pero di pala nakinig. Kailan lang, sinabi na niya sakin na niloloko nya nga ako at sila na." He said. Iniikot ikot naman niya ang yelo sa baso. Mukhang hindi na rin papatak ang kaniyang mga luha dahil naubos na.

"Putangina." Napamura na si vhong at napa inom na rin. Hindi niya akalain na magagawa yon ni Karylle.

"Mahirap ba intindihin yon, Vhong? Sabi ko pang intindihin nya muna ako kung dumidistansya ako sa kanya dahil sa ginawa nya saking panloloko. Pagod na daw sya e. Sumuko naman sya agad. Sapat ba yon na dahilan para gantihan nya ako? Ilang beses na ako humingi ng pasensya sa kanya kung kasalanan ko man na nawala si Summer sa amin. "

" alam na ba nina nanay rosario? " tanong ni jugs sa kanya. Umiling sya at bumuntong hininga.

"Hindi pa. Hindi ko sinasabi sa kanila. Ayokong mawala ang tiwala sa kanya nila nanay."

"Hahayaan mo ba mag file ng annulment si Karylle?" Teddy.

"Sa totoo lang, ayoko. Pero parang sinasabi na ng isip ko na hayaan ko na lang para matigil na itong pag hihirap na nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya, Teddy. Mahal na mahal. Kung sakaling nasa harapan ko na yung annulment papers, pipirmahan ko lang yon dahil sa gusto nya. Hindi dahil sa gusto ko na rin syang mawala sa buhay ko. Papalayain ko sya para sa ikakasaya nya. "

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon