VICE
"Love, para rin naman satin yon." buong mag hapon na akong nanunuyo sa kanya. Pinaliwanag ko yung almost a month kong concert sa Amerika, ngayon ayaw niya akong payagan na umalis ng Pinas. Naka pirma na ako ng contract. Di ko na pwede bawiin yon.
Ito na ba sinasabi ko eh kaya nag aalanganin ako na tanggapin yung project na binigay sakin.
"Hindi ka nga aalis, iiwan mo ba ako dito?" binato niya ako ng unan na hawak niya. Pangatlong hagis na nya sakin to ngayong araw. Unan pa lang yon ha?
"Hindi ka rin naman pwede sumama sa Amerika, love. Sabi ng doctor mag stay ka dito sa bahay. Hindi ka pwede mag travel ng mag travel kasi kawawa si baby." nag spotting sya last time dahil na stress sya sakin.
Marami akong trabaho nung nakaraang araw. Hindi ko sya halos nakakausap kaya nabwisit sakin at umalis ng bahay. Nang hingi naman ako ng sorry pero dahil nga buntis kaya iniintindi ko, I mean mas mahabang pasensya ang kailangan ko. Hindi ko naman akalain na after nun mag sspotting sya.
"Hindi mo man lang ako tinanong kung papayagan ba kita mag concert ng halos isang buwan. Mas kailangan kaya kita ngayon, tapos aalis ka pa?"
"Kasama mo naman sina nanay dito sa susunod na araw love, nandito sina ate, sila camille at masmas." paliwanag ko sa kanya.
"Viceyyy, baka di nila ma handle yung attitude ko ngayon. Ikaw lang kailangan ko e." Napansin ko na yung pag tulo ng luha nya kaya agad ko niyakap at inalo ko.
"Shh, love wag ka umiyak. Baka mapano kayo ni baby, di ko alam gagawin ko."hinalikan ko sya sa pisngi at pinatahan ko.
Tinawagan ko yung doctor nya kung pwede ba sya isama sa Amerika para sa concert ko ulit. Basta daw may malapit na hospital in case na mag spotting sya ulit.
Nagpaalam kami kay direk na isasama ko sya sa amerika para sa concert ko.
Oo, minsan naiinis ako na bakit ba kung nasaan ako dapat nandoon din sya. Naiinis ako kasi minsan pakiramdam ko di ko na magawa yung mga bagay na ginagawa ko dati na malaya ako.
Pero naisip ko rin na ginusto ko sya makasama, pinakasalan ko sya kasi mahal ko sya. Gusto ko bumuo ng pamilya kasama sya. Nainis ako sa sarili ko. Hindi lang pala ako ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon, pareho kami. Kasi sya hirap rin sa pag bubuntis ng first baby namin. Gusto niya lang naman ng atensyon ko.
Niyakap ko si karylle, yung babaeng mahal na mahal ko.
"Love, I love you." hinalikan ko sya sa labi bago ko sya muling yakapin.
"Jacque, si Karylle?" tanong ko sa angel ko dito sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa taping ng showtime. Hindi na nga sya pumasok ngayon kasi nga kailangan nya ng rest.
"Umalis po si ate karylle kanina."
"Saan daw sya pupunta?"
"Hindi naman po sinabi kung saan sya pupunta."
Tumango na lang ako at tinawagan ko sya. Kaya lang hindi sumasagot. Naka ilang missed calls rin ako pero wala pa rin.
Hanggang sa nakarinig ako ng pag garahe ng sasakyan. Pumunta ko sa balcony at nakita ko sya na kakababa lang.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"Hi love. Nag meet lang kami ni Christian B. Nag usap lang kami saglit." May hawak pa syang bulaklak at lumapit sakin para ibeso ako.
"Ano pinag usapan nyo?" sumunod ako sa kanya, nag aalis na sya ng heels at umupo sya sa couch.
"About kitchen musical. Di ko kasi sinasagot mga emails and chats nya sakin about doon. Kahit yung direktor. Pinakiusapan si Christian na sya ang kumausap sakin, baka sakaling mag oo ako." tumabi ako sa kanya at inabot yung paa niya para mahilot ko.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.