Chapter 63

6 2 0
                                        

Third Person's POV

Pagkabalik na pagkabalik ni Alfemie sa school room nila ay agad n'yang napansin na wala doon ang kan'yang mga kaibigan at tanging nakikita lang n'ya ay ang masayang party games ng kan'yang ibang classmates.

Dahil sa hindi n'ya makita sila Altira sa room ay agad n'yang hinanap ang mga ito.

Hanggang sa nagkita sila nila Altira  Maryjoy, at Christian sa kanilang school gymnasium.

"Altira!"-Tawag ni Alfemie kina Altira sabay nilapitan n'ya ang mga ito.

"Alfemie, saan ka ba nanggaling? Nag-aalala kami sa'yo baka napano ka na."-Agad na sabi ni Maryjoy atsaka niyakap ng mahigpit ang kaibigang si Alfemie.

"Eh kasi tinext ako ng dad ni CJ at pinapunta ako sa isang construction building eh syempre sinunod ko 'yong text n'ya para hindi s'ya maghinala na magkaibigan na tayo ulit."-Sabi ni Alfemie sa kanila.

"Gano'n pala, so, ano ba'ng sinabi sa'yo ni William?"-Tanong ni Altira.

"Ang sabi n'ya eh papuntahin ko raw kayo sa building na 'yon. Siguro gusto n'yang doon na kayo magharap-harap lahat."-Sabi ni Alfemie.

"Kung gano'n, tara na't hanapin natin si CJ at magharap-harap na kami ni William!"-Galit na sambit ni Altira at aakto sanang aalis na ngunit pinigilan s'ya ni Alfemie.

"Teka lang, please, magkunwari kayong hindi ko sinabi sa inyo ang sinabi ko at magkunwari kayong parang walang alam na nando'n si William sa building na 'yon kapag nando'n na tayo sa building."-Sabi ni Alfemie at tumango naman sila.

Pagkatapos ng pag-uusap nilang 'yon ay hinanap nila si CJ na kasalukuyang kinakausap sa labas ng school ang bagong dating na si Marites.

"Tita Marites, handa ka na ba sa bakbakan?"-Tanong ni CJ kay Marites.

Kinalas naman ni Marites ang dala nitong baril at sinabing..... "Handang-handa na."

"Good."-Sabi lang ni CJ.

At maya-maya ay nakita nila sila Altira na papalapit sa kanila. At sinabi nila Altira ang lahat ng sinabi ni Alfemie sa kanila.

"Ahh, so, nando'n pala si dad sa isang construction building. Ngayon, Christian maiwan ka dito at tatawagan kita kapag nakarating na kami sa construction building at ikaw naman Maryjoy, after kong tawagan si Christian ay magtawag ka ng mga police at papuntahin mo sa construction building maliwanag ba?"-Utos sa kanila ni CJ.

"Maliwanag."-Sabay na sabi ni Maryjoy at Christian at pagkatapos no'n ay sina Alfemie, CJ, Altira, at Marites ay pumunta na ng construction building.

Pagpasok nila doon ay nagkunwari si Alfemie na humihingi s'ya ng tawad sa kanila doon.

"G-guyz, kaya ko pala kayo pinapunta dito dahil gusto ko sanang mag-usap tayo na tayo-tayo lang. Actually para narin makahingi ako ng tawad sa inyo."-Kunwaring sabi sa kanila ni Alfemie, dahil alam nitong sa 'di kalayuan eh nakikinig lang si William sa kanila.

"A-ano ka ba Alfemie, hindi mo naman na kami kailangan dalhin dito para humingi ka sa amin ng masinsinang tawad. Noon pa man ay pinatawad ka na namin."-Kunwaring sabi ni Altira sabay kunwaring hinag nila si Alfemie.

Pagka-hug na pagka-hug nila kay Alfemie eh lumabas si William mula sa likuran ni Alfemie sabay palakpak pa ng mga kamay nito.

"Bravo! Bravo! Magaling Alfemie at dinala mo nga sila rito. Ngayon ay umalis ka na at ako ng bahala sa kanila."-Sabi ni William.

"Huh, talaga? Kunwarian lang 'yon dahil sinabi na sa amin ni Alfemie na nandito ka!"-Sabi ni Marites kay William.

"Ganoon ba Alfemie?"-Walang emosyong tanong ni William kay Alfemie.

"G-ganoon na nga!"-Utal na sabi nito.

"Kung gano'n...."-Sabi ni William sabay kinuha n'ya si Alfemie at tinutokan n'ya ng baril sa noo.

"Ano ba?!"-Sigaw ni Alfemie kay William. "Pakawalan mo ko!"

"Sige, lumapit kayo at sabog ang ulo nito."-Sabi ni William sa kanila sabay kaladkad n'ya kay Alfemie.

"Sh*t."-Bigkas ni CJ atsaka daling kinuha ang phone n'ya at tinawagan si CJ.

Habang si Marites naman ay palihim na sinundan si William.

"Christian, papuntahin mo rito ang lahat ng private guards!"-Utos ni CJ kay Christian sa telepono sabay binaba n'ya ang phone.

"Siguraduhin mo lang William na walang masamang mangyari kay Alfemie, kun'di humanda ka!"-Sigaw ni Altira.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon