Marites' POV
"Oh ano? Ready na ba kayong umuwi??"-Sabi ko sa kanila.
"Opo naman!"-Sabay sabay nilang sagot sa akin.
Naghihintay na lang kasi kami ng barkong masasakyan.
Nang may dumating na barko, ay agad na kaming sumakay do'n.
Sa taas kami ng barko pumwesto para mas feel namin ang masarap na simoy ng hangin.
Kung buhay lang sana ang asawa ko, siguro matutuwa 'yon ng sobra.....
Alfemie's POV
Naka-uwi na ako sa bahay at sila din naka-uwi na rin.
"Mom! Dad! I'm here na po!"-Tawag ko sa magulang ko.
Agad naman silang bumaba sa hagdan at agad din akong niyakap.
Oh my dear daughter, kamusta??"-Mom.
"Ok naman po, actually napakasaya ko po."-Sabi ko.
"Ikaw ha, you didn't tell me that you go to boracay with Altira."-Mom.
"Eh sorry na po, nag paalam naman po ako kay dad eh."-Ako.
"Ok fine, atsaka sina Altira naka-uwi na rin ba??"-Mom.
"Opo."-Ako.
Tapos nagkatinginan silang dalawa ni dad.
"Bakit po? Meron po ba kayong sasabihin sa kanila?"-Ako.
"A-ah wala hehe."-Utal na sabi ni mom.
Hmm.. Parang may tinatago silang dalawa sa akin...??
"Ah anak, akin na 'yang bagahe mo at ihahatid ko sa kwarto mo."-Dad.
Binigay ko kay dad ang dala kong gamit at ini-akyat n'ya na 'yon.
"Ahh mom? Ok lang po ba kayo?"-Tanong ko, mukha kasing 'di mapakali si mom eh.
"Kasi anak, may matagal na akong gustong sabihin sa'yo..."-Sabi ni mom sa akin na pinagtakahan ko.
"Ano naman po 'yon?"-Ako.
"Ahm..... Si Al----"-Naputol ang sasabihin ni mom ng tawagin s'ya ni dad.
"Hon."-Dad
"Bakit?"-Mom talking to dad.
"Pwedeng mag-usap tayo?"-Dad.
Tumango lang si mom at umakyat na silang dalawa.
Nang maka-akyat na sila, eh sumunod ako sa kanila at nakita kong pumasok sila sa kanilang kwarto.
Lumapit ako sa kwarto nila at do'n narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
"Hon, baka hindi pa ito 'yong right time na sabihin mo 'yong dapat mong sabihin kay Alfemie."-Rinig kong sabi ni dad.
"Pero hon, kailangan na malaman n'ya na hindi ko s'ya totoong anak."-sabi ni mom na nagpagulat sa akin.
I-ibigsabihin ba nito..... A-ampon lang ako??
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..
Tumakbo na lang ako palabas at hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi nila.
Ampon nga lang ba talaga ako?? Kung gano'n man.. Sino ang totoo kong magulang??
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nabangga akong tao.
Pag tingin ko sa kan'ya, nabangga ko pala ang dad ni CJ.
"Sorry po."-Sabi ko.
"Teka.. Ikaw 'yong kaibigan ng anak ko diba??"-Tanong n'ya.
"O-opo."-Ako.
"Alfemie ba 'yon?"-Sabi n'ya.
"Opo."-Ako.
"Alam mo tumahan ka na, hindi bagay sa isang babae ang umiiyak."-Sabi n'ya.
Pinahid ko naman ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko.
"May problema ba iha? Baka matulongan kita."-Sabi n'ya.
"Ano po kasi, narinig ko po kasing nag-uusap ang magulang ko tungkol sa akin."-Ako.
Ewan ko kung bakit ko 'to sinasabi sa kan'ya.
"At ano naman ang narinig mo sa kanila?"-Siya.
"Basta po.. Akin-akin na lang muna po."-Sabi ko at umalis na sa harapan n'ya.
Siguro pupunta na lang muna ako kina Altira.....
William's POV
Shit! 'Di man lang sinagot ang tanong ko, kung ano man ang nalaman ng Alfemie na 'yon sa magulang n'ya, tiyak 'yon 'yong malaking sekretong matagal na tinatago ng magulang n'ya.
Na hindi s'ya ang anak ni Maygan.
Well, sa susunod ko na sila pagkaka-abalahan dahil may pupuntahan muna akong tao na papatayin ko.
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Novela Juvenil"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!