Altira's POV
Kinabukasan nagising ako, tiningnan ko na naman ulit ang sarili ko sa salamin which is nasa gilid lang ng kama ko at gano'n pa rin ako, nasa loob pa rin ako ng batang ako.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Paglabas ko, nadatnan ko si papa na may kausap sa phone.
"Please William, hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Binili ko ang kompanya ng magulang mo nang sa gano'n hindi malugi.... William sandali!"-Sigaw ng papa ko na parang namro-mroblema.
Teka William? Parang pamilyar sa'kin ang pangalan na 'yon..
Nakita ko si mama na lumapit kay papa at niyakap n'ya ito, siguro to comfort him.
Teka, ano ba talaga ang nangyayari?
Sino si William?
Hindi kaya.... No.. 'Di naman siguro s'ya 'yong pumatay kay papa right?
Kusang lumapit 'tong batang ako kay papa.
"Pa? Ma? Is there any problem?"-Tanong ko.
Ngumiti ng mapait sina mama at papa sa akin. Feeling ko alam din ni mama ang nangyayari. Gustong-gusto ko silang tanungin ng mga bumabagabag sa utak ko, but damn! Hindi ko magawa because I'm just a kid in here who doesn't know anything! Damn it!
"Ah baby, we're just having a little problem, but we know we can handle it and we can pass it, right hon?"-Mama said at tumango lang si papa at ngumiti sa akin.
"Baby? Do you want to go to the park? Mamasyal tayo total it's Saturday naman."-Ani papa sa akin.
Gusto kong humindi kasi alam ko na sa park na s'ya mawawala sa buhay namin ni mama, do'n na din magsisimula ang pagkawatak-watak namin ng pamilya namin pero 'yong batang ako gustong-gustong pumunta sa park.
Gusto kong umiyak, damn it! Ayaw ko ng masaksihan pa ulit 'yon.
"Really papa? Yeay!"-Masayang-masayang sambit ko.
Sumakay na kami sa kotse at pumunta na kaming park.
Nang makarating na kami at nakapasok na sa park ay naglakad-lakad muna kami at luminga-linga sa paligid. Tinitingnan ang magagandang tanawin na puno ng mga taong namamasyal din.
May nakita rin akong mga nagtitinda ng kung ano-ano. Hanggang sa nakita ko 'yong bilihan ng ice cream. Oh no! This is it!
Kinakabahan ako.
Ayaw ko ng masaksihan pa 'yong masakit na pangyayaring 'yon. Ayaw ko na, paulit-ulit nalang kasi, paulit-ulit na lang akong nasasaktan..
"Baby, do you want ice-cream?"-Tanong ni mama sa akin.
Kahit 'wag na po, 'wag lang kayong mawala sa akin.
"Yes mama."-Nakangiting sambit ko, pero 'yong totoo? Gusto ko ng umiyak.
Umalis na si mama at bumili na ng ice-cream.
"Baby, d'yan ka lang ha? Wait here. 'Wag kang aalis, sasamahan ko lang ang mama mo ok?"-Si papa, tumango lang ako at naghintay kina mama at Papa.
'Mama, papa....' umiiyak na sambit ko sa loob-loob ko.
Habang naghihintay ako.. Biglang may narinig akong pagputok ng baril. Lahat ng tao nagsitakbuhan at ako naman ay nagpanic at umiiyak. Tumakbo ako at hinanap sina mama at papa.
"Ma! Pa!"-Sigaw ko. Lumilinga-linga ako baka sakaling makita ko sina mama at papa.
Hanggang sa nakita ko si papa, lumapit s'ya sa akin.
Paglapit n'ya, nakita ko 'yong lalaking may hawak na baril na nakatutok sa likod ni papa. Takot na takot akong tumingin sa kan'ya.
"Pasensyahan na lang."-Sabi no'ng lalaki at kasabay no'n ang pagsabi din ni papa sa akin na..... "Anak, run as fast as you can now!"-Sigaw ni papa sa akin. Wala na akong nagawa kun'di ang tumakbo nalang.
Damn it! Nasaksihan ko na naman 'tong pangyayaring 'to na sobrang sakit!
Hindi pa ako nakakalayo, narinig ko na naman ang pagputok ng baril, napahinto ako at lumingon sa kinaroroonan ni papa at do'n nakita ko s'yang nakahilata na sa sahig. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo. Habang tumatakbo akong umiiyak narinig ko pa ang sigaw ni mama. "Hon!"
At 'yon na ang huling beses na narinig ko ang boses ni mama.
Takot na takot ako, takot na takot.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Huminto ako sa maraming puno, sumandal ako sa isang puno at do'n nilabas ko na lahat ng sakit ng nadarama ko.
Iyak lang ako ng iyak.
Sobrang sakit. Ang sakit talaga.
Ang sakit 'yong makita mo 'yong taong mahal mo na mawala nalang sa'yo ng gano'n-gano'n na lang. 'Yong isang kisap lang ng mata ay wala, 'di mo na makakapiling damn it! Ang sakit.
Umiiyak lang ako dito. Hanggang sa may dumating na van at lumabas do'n ang mga armadong lalaki na may takip ang mukha.
"Nandito ka lang palang bata ka."-Sabi no'ng isang lalaking armado.
Tatakbo na sana ulit ako ng mahawakan ako ng isa pang lalaking kasama nila at do'n tinakpan nila ang mukha ko ng mabahong panyo na nagdulot ng pagkawala ko ng malay.
Basta, naramdaman ko na lang na sinakay nila ako sa sasakyan.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!