Chapter 51

2 2 0
                                        

Alfemie's POV

Kakauwi ko lang ng bahay at nadatnan kong magkayakap si mom at dad at nakita ko ring may hawak-hawak na bond paper si mom.

I don't know kung anong laman nang bond paper pero i have this feeling na parang ayaw kong malaman 'yon, but I still have to.

Kailangan ko ring malaman 'yang papel na 'yan. What if naglalaman pala yan ng about sa totoong anak ni mom? What about me? Paano na lang ako?

May nagsabi kasi sa akin na isang tao no'ng araw na umabsent ako sa school. Ang sabi n'ya sa akin eh baka mawalan daw ako ng nanay knowing daw na ampon lang ako at pagnahanap na daw ng mom ko ang tunay n'yang anak baka daw iwan niya ako kaya dapat daw ay maghanda ako if ever na mangyari 'yon. At 'yong taong nagsabi sa akin no'n ay walang iba kung 'di ang tatay ni CJ. I don't know kung paano n'ya nalaman na ampon ako pero naisip kong may point s'ya sa sinabi n'yang 'yon..

~Flashback~

Nasa harapan ako ng school gate ngayon. Nagdadalawang-isip kasi ako kung papasok ako o hindi. Wala kasi ako sa mood na makita sina Maryjoy gayong nalaman kong isa sa kanila ni Altira ang totoong anak ni mommy.

Okay lang naman sa akin na isa sa kanila is magiging kapatid ko pero.. Hindi ko alam, nagdadalawang-isip talaga ako..

Umalis na lang ako do'n at naglakad-lakad. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang sa ngayon ay ang mapag-isa. Masakit pa rin kasi sa akin na hindi ako totoong anak ni mom. Pero sa ngayon hindi pa ako handa na makita ang kapatid ko kung sino man sa kanilang dalawa ni Altira at Maryjoy ang kapatid ko na totoong anak ni mommy.

Habang naglalakad lang ako eh may humintong sasakyan sa gilid ko kaya napahinto na rin ako sa paglalakad.

In-open ng driver 'yong car window n'ya at nakita ko na 'yong driver pala ay ang dad ni CJ. Pinapasok n'ya ako sa loob ng kotse n'ya. Umayaw akong pumasok sa kotse n'ya pero nag-insist talaga s'ya. Pumasok na lang ako sa backseat ng kotse n'ya.

"Iha, what's the problem?"-Tanong n'ya sa akin.

"Wala naman po."-Sagot ko nalang.

"I know there is, kitang kita ko sa mukha mo na may problema ka. Hmm..... Is it about your mom?"-Sabi n'ya sa akin. Napalingon ako sa kan'ya at tumango.

"I knew it."-Mahinang pagkakasabi n'ya pero narinig ko pa rin.

"Naku! Kung ako sa'yo? Be prepared, baka mawalan ka ng nanay at mapunta s'ya sa totoong anak n'ya. Syempre mananatili ang isang ina sa napakatagal na nawawala n'yang anak."-Sabi n'ya sa akin na ikina-kunot ng noo ko.

"Isipin mo. Kung ikaw ang nawalan ng anak tapos nakita mo ulit s'ya.. 'Di ba syempre gagawin mo na manatili sa anak mong napakatagal ng nawala? Kaya kung ako sa'yo be prepared, baka mawalan ka ng nanay."-Dugtong n'ya

Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. May point s'ya. What if magsama na sila ni mommy? Paano naman ako? Paano kami ni dad? Aalis na ba s'ya sa piling namin at sasama sa anak n'ya?

Napaiyak na lang ako sa naisip ko. Ayokong mangyari 'yon. At hindi ko hahayaang mangyari 'yon!

"A-anong gagawin ko po? Ayaw ko pong mawala sa akin ang mommy ko."-Sabi ko sa kan'ya ng umiiyak.

"Then investigate. Alamin mo muna kung sino ang totoong anak ng mommy mo then you will do the next step."-Sabi n'ya.

"Ano po 'yong next step?"-Tanong ko.

"I will tell you but not here. Baka may makakita sa atin eh isipin nila na.. You know what I mean."-Sabi n'ya.

Tumango nalang ako sabay pahid ng mga luha ko sa pisnge gamit ang likod ng palad ko.

Nag-start na s'yang magdrive..

Inihinto n'ya ang sasakyan sa tapat ng bahay n'ya. Pinapasok n'ya muna ako sa loob at pina-upo sa sofa nila dahil may aasikasuhin daw muna s'ya sa kwarto daw n'ya.

Nakita kong naka-upo katapat ko 'yomg kapatid ata ni CJ.. I don't know what is her name. Ibinaba n'ya 'yong hawak n'yang phone at she started to stare at me kaya napa-cross arms at legs na lang ako at tinignan s'ya.

Tinaasan n'ya ako ng isang kilay.

At do'n nagstart na 'yong bangayan namin kesyo sino daw ako at ano daw ginagawa ko sa bahay nila. Pake ba ng malditang 'to?! Besides she's just a daughter though.

Bumaba na 'yong daddy n'ya at inaya na akong lumabas, sa labas na lang daw n'ya sasabihin sa akin kung ano 'yong next step daw. Pero bagi kami lumabas ay ini-smirk-an ko 'yong malditang 'yon!!

~End Of Flashback~

Iyon ang nangyari sa akin no'ng araw na um-absent ako.. At sa paglabas na paglabas namin no'n eh sinabi nga talaga sa akin ng dad ni CJ ang next step.

At 'yon ang gagawin ko para lang hindi mawala sa akin ang mommy ko.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon