Chapter 5

18 6 0
                                    

Altira's POV

"Hey.. wake up, are you alright?"

Ano to?? Nananaginip na naman ba ako??

Nakita ko na naman 'yong bata pero wala s'yang malay at nakagapos pa.. Ginigising s'ya ng isang babae or lalaki ata, hindi ko kasi mamukhaan, tanging ang bata lang 'yong malinaw sa nakikita ko..

Gumising 'yong bata at parang gustong sumigaw but she can't, because may nakatakip sa bibig n'ya.

"Bata.. Wag kang mag alala, itatakas kita dito, basta ipangako mo sa akin na jindi ka mag-iingay ok?"

Tumango lang 'yong bata.

And then the next thing I knew.. Tumatakbo na sila palabas habang may naghahabol sa kanilang mga lalaking armado.

And here I am just watching.. While the little girl and her friend I guess just hiding somewhere.

Wala na akong ibang ginawa kung hindi ang sumigaw na lang...

----****-------******-----------

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! Tama naaaaa!!!!"-Sigaw ko at nagising na lang ako bigla ng umiiyak.

Ayoko na talaga.. Kailangan ko na talagang komunsulta sa isang doktor o espesyalista.

Agad akong bumangon at naghilamos at nagtooth-brush after that, I went to the bathroom and naligo. After my all daily routine ay lumabas ako.

Pero bago ako makalabas, napansin ko na wala si tita.. And I wonder why eh wala naman s'yang trabaho. Only Tito Mario lang 'yong tumtustos sa amin and he is an ofw. Sa Saudi s'ya nagtatrabaho ngayon.

Well, I don't mind it nalang baka may inaasikaso lang si tita na importante.

Ni-lock ko na lang 'yong pinto at pumunta na akong hospital.

Nang nasa hospital na ako.. I look for a doctor na available for now.. Nag-ask ako sa mga nurse then they say na ang mga doctor daw sa hospital nato eh every 3 times a week lang pumapasok unless pag may emergency lang doon sila agad papasok so meaning monday, wed., and friday lang sila pumapasok tapos ngayon is tuesday pa kaya babalik na lang ako tomorrow.

Umalis na Lang ako doon sa hospital and went to the school kahit super late na ako..

Pasakay na sana ako ng jeep ng may batang tumapik sa akin.

"Ate ate."-Sabay tapik sa akin ng isang batang lalaki.

"Ano 'yon?"-Ako.

"Ito oh."-Sabay may binigay s'ya sa akin na papel.

Binuksan ko ito at may nakasulat.

Binasa ko 'yong sulat. After kong basahin 'yon.. Bigla akong kinabahan.

"Sinong nagpadala sayo nito?!"-Sigaw ko sa bata.

Kaso umiyak lang 'yong bata at tumakbo palayo.

At kasabay nu'n bigla akong nahilo.. and the last thing I knew.. Bitbit ako ng isang lalaki.. Tiningnan ko s'ya kaso unti-unting lumalabo 'yong paningin ko and then everything went black..

--------*****-----*****-------

Bakit nandito na naman ako??

Nananaginip na naman ba ako??

Ano ba naman to?! Bakit ako nagkakaganito??

And then I saw them again the little girl and that someone who helped her.

"Baby.. Just stay here ha? I just have something to do ok??"

Tumango lang 'yong bata.

Lumabas 'yong kasama n'ya, kaya sinundan ko.

Nakita kong naglabas s'ya ng baril sa likod nya at dalawang baril 'yon.

Hinarap n'ya 'yong mga armadong lalaking naghahanap ata sa kanila.

Basta nagbarilan na lang sila.

Base sa nakikita ko sa kan'ya, puro pasa at duguan na rin s'ya at isang kamay na lang ang gamit n'ya..

*Bang! *Bang!

****--------******--------

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.

At ang nakikita ko lang ay nakakasilaw na ilaw.. Nilibot ko ang paningin ko.. May nakita akong dextrose sa right ko. Ibigsabihin nasa hospital ako.

Tumingin ako sa left side ko.

Nakita ko si CJ at si Ivan. Teka, bakit nandito si CJ at Ivan!?

"Oh gising ka na pala ^_^"-CJ tapos ay lumapit naman silang dalawa sa akin.

"Oo.. Bakit nandito kayo? At bakit ako nandito?"-Ako.

"Nandito ka dahil nakita ka ni CJ na walang malay sa daan at tinawagan n'ya ako para magdala ng ambulansya. Pagkarating ko kasama ang mga ambulansya eh binuhat ka ni CJ at sinakay sa ambulansya."-Pag-e-explain ni Ivan.

Kung ganu'n.. My gosh!! Kinikilig ako!! ^///^ Si CJ pa talaga ang nagbuhat sa akin! nakakahiya eh kasi crush ko pa rin s'ya eh kahit minsan bwesit! -_-

"Kung ganu'n, thank you sa inyong dalawa, kung hindi n'yo ako tinulungan baka napano na ako kaya thank you ^_^"-ako.

"Siguro naman bayad na'ko sa utang ko n'yan?"-CJ.

"Oo naman. All paid ^_^ "-ako.

"At siguro naman nakabawi na ako, kaya huwag mo na akong tarayan ha."-Ivan.

"Ok fine."-Ako tapos ay inirapan ko sya.

"Hayss taray pa rin eh."-Ivan.

Tapos tumawa naman si CJ kaya hayun, natawa na din ako haha.

And then pumasok na lang bigla 'yong papel sa utak ko.

"Teka, may nakita kayong papel na hawak ko? Before n'yo ko dalhin dito?"-Tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa na para bang iniisip nila kung meron ba akong dala.

"Sa pagkakaalam namin.. Eh wala kang bit-bit na iba bukod sa bag mo."-CJ.

"Talaga? Sigurado kayo??"-Ako.

"Oo."-Ivan.

Hindi pwede 'yon.. Hindi pwedeng mawala 'yon..

Isa 'yong death threat sa akin kaya kailangan kong ipakita 'yon sa mga pulis.

Paano kung pagbantaan na naman ulit ako?? Hindi pwede.

Kung kanino man galing 'yong sulat na 'yon, humanda s'ya! Hahanapin ko s'ya at ipapakulong!!

Ito pala 'yong laman ng papel:

Maghanda ka na binibini malapit na ang oras mo hahaha!!

                                      -W

Iyan ang laman ng sulat.. Kaya kung Sino ka mang "W" ka hahanapin kita at ipapakulong!!

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon