(A/N: Continuation po ito do'n sa last P.O.V ni Altira kung saan hinahabol po sila ng mga lalaking armado po.)
Altira's POV
Nasa isang magubat na lugar kami huminto at napansin din namin na mukhang hindi na nakasunod 'yong mga lalaking humahabol sa amin.
Kaya napagdisisyonan muna naming magpahinga.
Katahimikan lang ang bumabalot sa pagitan naming dalawa ni tita.
"A-ano... Ano ho bang pangalan n'yo?"-utal na tanong ng batang ako kay tita na sa panahong ito ay hindi ko pa s'ya kilala.
"Ako si Marites Zamora, ikaw?"-Balik tanong n'ya sa akin.
"I'm Altira Dela Cruz po."-Pagpapakilala ng batang ako sa kan'ya ng nakangiti.
So Altira dela Cruz pala ang tunay kong pangalan, apelido lang pala ang ipinalit na pangalan ni tita sa akin.
Nakita kong parang nagulat si tita, bakit kaya?
"Altira Dela Cruz ba kamo?"-Takang tanong ni tita.
"O-opo, bakit po?"-Batang ako.
"Ibigsabihin..... Kayo ang may-ari ng Dela Cruz company?!"-Medyo gulat na tanong ni tita.
"Iyong daddy ko po ang may-ari no'n."-Malungkot na sabi ng batang ako, maski ako malungkot nanaman.
"Mukhang alam ko na kung bakit ka kinidnap ni William."-Ani tita.
Sinasabi ko na nga ba na 'yong William ang may pakana ng lahat ng ito!
Napakunot naman ang nuo ng batang ako sa sinabi ni tita.
"Bakit po?"-Batang ako.
"Dahil ikaw, base sa nalaman ko kay William, ang magiging tagapagmana ng lahat lahat ng ari-arian ng magulang mo at ikaw din ang magmamana ng isang kompanyang binili ng dad mo kay William, kaya pala nagawa ni William lahat ng 'to."-Tita.
Now I understand kung bakit ginagawa ni William 'to sa akin. Bw*s*t na William! Para lang sa kompanya?! Dinamay n'ya ang inosenteng batang ako? Na wala pang kamuwang-muwang sa mga bagay na gano'n?!
"Dahil gusto n'yang makuha ang kung ano ang iyo gaya ng pagkuha ng ama mo sa kung ano ang kan'ya."-Dugtong ni tita.
"But my dad didn't stole anything from him! 'Yong dad ko, he purchased the company of that William para hindi daw malugi that's what I heard sa usapan nilang dalawa no'n! How could that damn William do this to me?!"-Mangiyak-ngiyak na sigaw ng batang ako.
Yeah how could he do this to me?! To my family! Para lang sa walang kwentang kompanyang palugi na na-isinalba ni dad!
Magsasalita pa sana si tita ng may narinig kaming yabag ng paa ng isang tao.
"Baby... Just stay here ha? I just have something to do ok?"-Tita.
Nag-aalinlangan man ako ay tumango na lang ako. Mukhang nahanap na nila yata kami.
Teka... Ito 'yong pangyayaring may nagbabarilan at may isang taong dalawa ang baril, ibigsabihin si tita pala 'yon?
Tumalikod na si tita at do'n sa likod n'ya nakita ko 'yong dalawang baril na meron s'ya.
Oh gosh, tita mag-ingat ka po <-sabi ko sa loob-loob ko.
Kung pwede lang sana baguhin ang nakaraan ginawa ko na para ng sa gano'n eh hindi masaktan ang mga taong mahal ko kaso hindi eh ito talaga 'yong nakatakdang mangyari na hindi ko mapipigilan.
Sana fantasy na lang 'to noh? Para kung masaktan o maging malungkot ka man masasabi mo pang 'this is just a fantasy not the reality' para hindi masyadong masakit para sa'yo.
Pero paano? Realidad 'to kung saan masasaktan at malulungkot ka kahit anong iwas mo sa mga ito at lagi na lang nasa huli ang kasiyahan pero mabuti na rin 'yon kaysa naman mauna ang kasiyahan bago ang sakit at kalungkotan.....
Dahan-dahan s'yang naglakad palabas dito sa pinagtaguan namin.
Sinilip ko s'ya kung saan s'ya papunta habang nakatago ako sa isang puno. Nakita kong hinablot n'ya 'yong dalawang baril sa likod n'ya at kasabay no'n ay ang paglabas ng mga armadong lalaking humahabol sa amin.
And then umalingaw-ngaw na nga ang sunod sunod na pagpuputakan nila ng baril. Napatakip na lang ako ng tenga ko habang umiiyak at tinitingnan si titang ngayon ay puno na ng pasa sa katawan at duguan pa ito at isang kamay na may hawak na baril na lang ang ginagamit n'ya panlaban sa mga armadong lalaking hinahabol kami.....
Kailan ba matitigil ang lahat ng gulong ito?!
Damn you! William!
Sisiguradohin kong hinding-hindi mo makukuha William ang ari-arian ng magulang ko! At sisiguraduhin kong magbabayad ka William sa oras na magising ako!!
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Fiksi Remaja"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!
