Altira's POV
1 week later~
I'm in the cemetery right now with tita and my friends at syempre may pari din kaming kasama. We are all wearing black. At nga pala, nasabi ko na kay tita kung bakit namatay si tito.
Umiiyak kami ni tita while watching tito Mario buried.
Lumapit sa amin sina Maryjoy, Alfemie, CJ, at Ivan. Niyakap Nila kami ni tita to comfort us.
"Hindi ko akalain na pumunta s'ya ng pilipinas no'ng time na dinukot ako, sana pala hindi ko na lang s'ya tinawagan edi 'di ko sana s'ya makikita ng ganito."-Umiiyak na sabi ni tita.
"Sigurado ako.. Na si William ang naka baril sa kan'ya.. Pagbabayaran lahat 'to ni William at sisiguraduhin ko 'yon."-Diin at may galit na sabi ni tita.
"S-sinong William tita?"-Tanong ko kay tita.
"W-william ho ba 'yong sinabi n'yo??"-Pagtatakang tanong ni CJ.
"Oo, bakit?"-Taka ding tanong ni tita. Maski ako ay nagtaka sa tanong n'yang 'yon.
"Pwede ho bang paki-describe kung sinong William ang tinutukoy n'yo?"-CJ.
"Iyong William na tinutukoy ko ay nanggaling sa mayamang pamilya, may hitsura s'ya pero ugaling demonyo naman at napakasama! At siya lang naman ang nagmana ng food company na sikat ngayon."-Tita.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni CJ.
"Hindi, hindi!!"-Sigaw ni CJ at tumakbo palayo.
"Anong nangyari do'n?"-Alfemie. Nagkibit lang ako.
"Tumakbo na lang bigla."-Maryjoy.
Tiningnan ko si Ivan. Ang seryoso ng mukha parang nag-iisip ng malalim.
Binaling ko na lang ang atensyon ko kay tito.
"Tita.. Sino po ba talaga 'yong William na 'yon?"-Tanong ko ulit habang tinitingnan kong binibindisyonan at dinadasalan ng pari si tito.
"Si William lang naman ang tumulong sa akin matapos masunog 'yong bahay na tinitirhan ko at ng magulang ko kaso 'yong magulang ko nasunog kasama ng bahay. Gabi kasi ng mangyari 'yong sunog na 'yon at kakagraduate ko lang ng highschool no'n.. Dumating si William at sinagip ako.. Pinatira n'ya ako sa kanila, hindi lang 'yon, pina-aral din ako ng magulang n'ya hanggang sa makapagtapos ako ng college pero.. Lahat ng 'yon may kabayaran. Ginawa nila akong alipin, syempre wala akong magawa no'n kasi tinulongan nila ako eh hanggang sa.. Nalaman ko na sindikato pala sila.. Lahat ng umaagrabyado sa kanila pinapatay nila!! Nang malaman nila na nalaman ko ang pinagagagawa nila, pinagbantaan nila ako na 'wag akong mag-susumbong kahit kanino kun'di papatayin nila ako. Magmula no'n sinali nila ako sa mga kasamaan nila.. Wala akong nagawa kun'di sumali kasi baka patayin nila ako.. Hanggang sa may batang kinidnap si William.."-Kwento ni tita.
"Batang kinidnap?"-Tanong ko.
"Oo, may batang kinidnap si William. Hindi ko alam kung bakit n'ya kinidnap ang bata. Walang malay ang batang 'yon.. Hindi man lang n'ya pinakain no'ng nagising ang bata.. Matagal nakakulong ang Bata, weeks na ata s'yang nakakulong no'n. Habang nakakulong s'ya, dinadalhan ko s'ya ng pagkain ng hindi nalalaman ni William.. Habang gano'n lagi ang ginagawa ko.. Nagkasakit naman ang magulang ni William hanggang namatay na 'yong magulang n'ya at do'n ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumakas kasama ng bata.."-Dugtong ni tita.
Habang kinikwento 'yon ni tita.. biglang sumakit 'yong ulo ko at parang may pilit na fuma-flashback sa utak ko.
"Aaaaaahhh!!"-Sigaw ko sa sakit habang hawak ang ulo ko.
Nakita kong nataranta sila.
"Altira ok ka lang ba??"-May pag-aalalang tanong sa akin ni Ivan.
Pero dinedma ko lang s'ya.. Kasi may nakikita akong imahe ng pangyayari sa utak ko.. It's all blured and at the same time naririnig ko sina tita.
"Ayos ka lang ba Altira?"-Alfemie.
"Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?"-Maryjoy.
Iyan 'yong mga naririnig ko sa kanila, pero dedma parin ako.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Habang padami ng padami ang fuma-flashback sa utak ko ay pasakit ng pasakit naman ang ulo ko.. Hindi ko na kaya... Bibigay na ata ako...
"Aaaaaahhh!!!!!"-Sigaw ko na naman habang namimilipit sa sakit at napapaiyak na rin ako.
"Tulongan n'yo 'ko... Hindi..*Sob ko na kaya...."-Umiiyak na sabi ko.
Hanggang sa...
Nahimatay nalang ako.
Pero bago ako tuloyang nawalan ng malay, nakita kong karga ako ni Ivan at do'n everything wents black.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Fiksi Remaja"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!