Chapter 20

9 4 4
                                    

William's POV

Pilit kong tinitingnan ang nakabarilan ko habang kami ay nakahandusay sa sahig at nakita ko natamaan ko s'ya sa balikat at samantalang ako ay natamaan n'ya sa gilid.

Oh Sh*t!

Pilit kong pinapatayo ang sarili ko pero wala, hindi ako makatayo.

Hanggang sa may pumasok na isang lalaki..

"Tulong..... Tulongan mo'ko."-Sabi ko sa lalaking pumasok.

"O-opo, tutulongan ko po kayo, sandali lang ho at tatawag lang ho ako ng ambulansya."-Sabi n'ya at dali-daling lumabas para raw tumawag ng ambulansya.

"Sana napatay ko s'ya..."-Sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang nakabarilan ko.

Kasi kapag patay na s'ya ibigsabihin, hindi n'ya masasabi sa mga autoridad ang death threat ko..

Maya-maya lang ay may narinig akong parang tunog ng ambulansya.

At pumasok na ulit 'yong lalaking tumulong sa amin na ngayo'y may kasama ng nurse.

Sinakay nila ako kasama ng nakabarilan ko sa ambulansya at dinala kami sa hospital..


Altira's POV

Ilang oras na kaming naghahanap pero hindi pa rin namin nahahanap kung saan tinago si tita ng mga dumukot sa kan'ya.

"Ahh guyz, baka naman nagkamali lang 'yong investigator at baka wala talaga dito 'yong kuta ng dumukot sa tita ni Altira."-Mukhang iritableng Sabi ni Alfemie na sinang-ayonan ko naman.

"Hindi, talagang sigurado 'yong investigator ko na nandito daw sa gubat na ito dinala ang isang walang malay na babae."-Ani CJ.

"Baka naman hindi tita ni Altira ang dinala dito."-Maryjoy.

"Oo nga."-Alfemie.

"Ahh guyzz, kaya nga tayo nandito para makasigurado."-Ivan.

"Haysss, fine."-Alfemie.

Maglalakad na sana ulit kami ng may nakita kaming isang pigura ng tao, hindi namin 'yon maaninag kasi sa sobrang dilim na rin dito sa gubat.

"Oii guyzz, may tao."-Christian na sabay turo sa isang taong nakita namin.

Iyong taong nakita namin ay huminto atsaka parang humarap sa amin..

"Guys? Sa tingin ko kailangan na nating umalis?"-Sabi ni Alfemie na mukhang natatakot na.

Kaya naman tumalikod na kami at aakma na sanang tumakbo nang sumigaw 'yong tao.

"Hoy! Tulongan n'yo naman ako!"

Napahinto kami bigla.

Teka... Parang Boses 'yon ni tita.

Lumingon ako at dahan-dahang lumapit do'n sa tao.

"Teka lang Altira, baka 'yan 'yong taong dumukot sa tita mo."-Pigil sa akin ni Ivan.

"Pero ka-boses s'ya ni tita, baka s'ya si tita. Atsaka lalapit lang ako sa kan'ya ng kaunti para mamukhaan ko s'ya, at 'pag napagtanto kong hindi si tita 'yon, tatakbo na lang ako."-Ako at sumang-ayon na lang sila kahit pakiramdam kong ayaw nilang lapitan ko 'yong taong 'yon.

"Mag-iingat ka Altira."-Ani Maryjoy na tinanguan ko lang.

At dahan-dahan na akong lumapit do'n sa tao.

Nang makalapit na ako... Laking gulat ko nang makita ko s'ya na ngayo'y nakahandusay na.....

Marites' POV

Kailangan ko na talagang makalabas rito pero papaano??

Maya-maya lang ay bumukas 'yong pinto at iniluwa doon si Junrey na may dalang patalim na kaniya naman itinutok sa akin.

"Alam mo?May pinapahanap sa amin si boss hanler pero hindi namin s'ya mahanap at sa tingin ko naman alam mo kung nasaan 'tong taong 'to."-Sabi n'ya sabay may pinakita s'ya sa akin na isang picture ng babae.

Nagulat ako sa pinakita n'yang picture. Ang nasa picture kasi ay matalik kong kaibigan na si Maygan. Mula kasi ng grumaduate kami ng high school ay hindi na kami nagkita at ngayon pinapahanap nila?! Ano naman ang kailangan nila kay Maygan?! Bakit pati s'ya idadamay nila?!

"Hoy ano?! Magsalita ka! Kun'di itutusok ko tong kutsilyo sa tagiliran mo!"-Sigaw n'ya.

Imbes na magsalita ako ay tinadyakan ko 'yong ibabang parte n'ya kaya hayon, namimilipit na s'ya ngayon sa sakit at kasabay no'n ay nahulog ang kutsilyong dala n'ya.

Kinuha ko 'yong kutsilyo malapit sa kaliwang paa ko kaya naman kinuha ko iyon gamit ang kaliwang paa ko at dahan-dahan ko itong inilalagay sa bibig ko.

Nang makagat ko na ang hawakan ng kutsilyo, tsaka ko naman pinutol ang tali sa mga kamay ko na kasing level lang ng sa bibig ko.

Nang maramdaman kong susugod sa akin si Junrey ay agad kong tinadyakan ulit ang ibabang parte n'ya kaya namimilipit ulit s'ya sa sakit at ako naman ay pinagpatuloy ang pagputol ng tali sa mga kamay ko.

Nang tuluyan ko ng maputol ang tali sa magkabilaang kamay ko ay agad akong kumaripas ng takbo papalabas at ramdam ko na hinahabol ako ni Junrey kaya lang hindi n'ya na ako naabotan.

Ngayon hingal na hingal na ako at nanghihina na rin siguro dulot na rin nang walang kain sa loob ng ilang araw'ng nakakulong.

Nagpalakad-lakad na lang ako ngayon dito sa gubat na hindi ko alam.

At nagbabakasakali na rin ako na baka may mahingan ako ng tulong.

Sa kakalakad ko may nakita akong grupo ng tao, 'di ko maaninag ang mukha nila kaya sumigaw na lang ako.

"Hoy! Tulongan n'yo naman ako!"-Sigaw ko sa kanila.

Kaso parang ayaw nilang makinig. Wala na, parang mahihimatay na yata talaga ako.

Unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko hanggang sa napaluhod na ako.

At do'n, naramdaman ko na lang na napahiga na ako and then everything went black.....

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon