Chapter 32

2 4 0
                                        

Hanler's POV

"Good job son, sinunod mo talaga ang utos ko sa'yo. Ngayon, may ipapagawa pa ako sa'yo."-Ani dad.

Nasa office n'ya kasi kami at nag-uusap about do'n sa babaeng nasa picture at napag-alaman kong Maygan pala ang pangalan n'ya.

"Ano po 'yon dad?"-Tanong ko.

"Gusto kong bantayan mo ang kilos ng kapatid mong si Cyber, mukha kasing nagdududa na s'ya sa atin."-Utos n'ya sa akin na nakapagpakunot ng kilay ko.

"Huh? Bakit dad? Bakit s'ya nagdududa? Eh naging malinis naman lahat ng giganawa natin ah?"-Sabi ko.

"Recently kasi tinanong nya ako about Marites 'yong tita ng isang batang pinahanap ko sa'yo dati."-Dad.

Napatango nalang ako.

"Ahh ok dad. I'll keep an eye on him."-Ako.

So, Cyber starting to doubt about dad?

Hindi pwedeng malaman n'ya ang pinag-gagawa namin kun'di madadamay or mapapahamak s'ya.

Knowing dad walang sinasanto 'yon.


CJ's POV

Nandito na kami nila Maryjoy sa hospital na sinabi ni Alfemie sa amin at patungo na kaming emergency room dahil dinala raw do'n ngayon si Altira.

"What happen to Altira?"-Tanong ko agad pagkarating namin.

"Ewan. Sabi kasi ng doctor mukhang nanunumbalik na daw ang memories ni Altira and kanina bigla na lang s'yang parang inatake kaya ngayon dineretso s'ya dito sa emergency room."-Ani Alfemie.

Nanunumbalik na ang alaala ni Altira? Thank goodness.

Ito na 'yong pinakahihintay ko, ang manumbalik ang memory n'ya.

At sana maalala n'ya na rin 'yong dating kami.....


Alfemie's POV

Naghihintay lang kami dito sa labas ng emergency room.

Sa kalagitnaan ng paghihintay namin.. Nag-ring 'yong phone ko.

Tiningnan ko 'yong tumawag.

Si mommy lang pala.

Lumayo muna ako ng kaunti at sinagot ang tawag ni mommy.

"Ahh.. Hellow mom?"-Ako.

"Oh my dear daughter, how are you?"

"Ok lang naman po ako dito sa Pinas mom. Kayo po ni dad, kamusta naman po kayo diyan sa states?"-Pangungumusta ko rin.

Matagal ko na rin kasing 'di narinig ang boses ni mommy. Mga isang buwan na kasi silang hindi tumatawag sa akin, siguro dahil busy ata sila sa work do'n.

"Ok lang naman kami. Anong oras ka ba uuwi?"-Tanong ni mom sa akin.

Natigil ako sandali.

"Po?"-Taka kong tanong.

"I mean, kasi parang 'yong boses mo kasi parang nasa labas ka or in somewhere else."-Ani mom.

Natawa nalang ako.

"Ahh ahaha, yeah mom I'm not in the house. Mamaya-maya uuwi na po ako."-Sabi ko.

"Ok. Mag-ingat ka palagi, love you."-Ani mom.

Binaba ko na ang telepono at bumalik sa kung saan ako nakapwesto kanina.

"Ahh guyss uuwi na muna ako, mag-gagabi na kasi."-Pagpapaalam ko kina tita Marites.

"Oh sige iha. Babalitaan ka nalang namin pag ok na si Altira."-Tita Marites.

"Ok po thanks."-Ako at umalis na rin ako.


CJ's POV

Pag-alis ni Alfemie ay s'ya namang pag-labas ng doctor.

"Kamusta po?"-Tanong agad ni tita Marites sa doctor.

"Stable na ang lagay n'ya ngayon. Buti at nai-revive namin s'ya kun'di baka wala na s'ya. Nag-aagaw buhay kasi s'ya kanina. Buti at nadala agad s'ya dito at nai-revive namin s'ya."-Doctor.

Nakita kong masayang napaiyak sila sa balita ng doctor. Ako rin naman masaya na ok na si Altira.

Masayang-masaya ako na makakapiling ko na s'ya ulit.

Makakapiling ko na rin ulit ang aking childhood girlfriend.

Paano ko nalaman na s'ya 'yon?

Dahil pangalan pa lang alam ko na.

No'ng grade 4 kami naging magkaklase kami so alam ko kung anong pangalan ng childhood girlfriend ko na matagal kong hinanap.

Noon, akala ko kapangalan lang n'ya 'yong childhood girlfriend ko pero no'ng malaman kong nawalan pala sya ng memorya nagkaroon ako ng pag-asa na baka s'ya nga 'yon..

Dati no'ng biniro ko s'ya sa canteen sa school namin. Sinadya ko talagang biruin s'ya no'n para mapansin n'ya ako at para makita ko s'ya ng malapitan.

Do'n palang familiar na s'ya sa akin hanggang sa binigay na n'ya 'yong pangalan n'ya sa akin at do'n nakompirma kong s'ya nga..

Siya nga talaga ang childhood girlfriend ko. Akala ko talaga kamukha lang n'ya pero hindi, s'ya talaga 'yong childhood girlfriend kong pinangakuan kong papakasalan ko.

At tutuparin ko 'yon. Sana mamukhaan n'ya na ako, na ako to oh si Cy! 'Yong batang Cy na kalaro n'ya sa tree house.

Hindi ko namalayan, tumulo na pala ang mga luha ko sa mata.....

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon