Chapter 9

11 5 0
                                        

Altira's POV

After kong tumakbo palayo sa hospital, palayo kay tita, now I don't know where I am.. Mukhang naliligaw na ata ako..

Then suddenly may kumalabit sa likod ko..

Paglingon ko.. Sina Alfemie lang pala.. hinabol nga talaga nila ako.

"Bwesit ka Altira pinagod mo kami kakahabol sayo."-Ani Maryjoy na hingal na hingal pa.

"Hindi ko naman sinabing habulin n'yo ko ah? 'Yan tuloy hiningal kayo."-Sabi ko sa kanila.

"Oh sige na, tama na. Well, nasan na ba tayo??"-Tanong ni Ivan.

"I don't know."-Sabi ko.

"Well, nandito tayo malapit sa bahay namin :)"-CJ.

"Huh? Malapit lang 'yong inyo dito??"-Tanong ni Alfemie kay CJ.

"Oo. Halika kayo, punta tayo sa bahay namin ^_^"-CJ, at umuna na s'yang maglakad, kaya naman kami ay sumunod na lang sa kan'ya.

Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng bahay nina CJ.

Sobrang laki nito at mamamangha ka talaga sa ganda ng pagdesinyo ng bahay na ito.. Million siguro na gastos dito sa bahay na 'to.

Pinapasok na kami ni CJ at pinaupo kami sa sofa.

"Guys, dito muna tayo ha? Andyan kasi si daddy.. Baka magalit kasi meron na naman akong sinamang barkada eh."-Ani CJ.

"Bakit? Ayaw ba ng daddy mo na may friends ka??"-Tanong ko kay CJ.

"Hmm, sabihin na lang nating parang gano'n na nga kasi ayaw na ayaw n'yang may bisita sa bahay.. Kaya hintayin na lang natin s'yang lumabas sa kwarto n'ya para masermonan ako at pagkatapos ay pwede na tayong mag-meryenda."-CJ.

Tumango na lang ako.

Maya-maya ay may lumabas na lalaki sa isang kwarto naka suot ng suit at may dalang brief-case.

"Ahh.. hi dad."-Ani CJ do'n sa lalaki.

Nakakunot lang 'yong kilay ng dad ni CJ habang tinitingnan kami.

"Diba sabi ko na ayaw kong------"-daddy ni CJ, pero biglang sumingit si CJ.

"Ok, I know dad but they are my visitors not yours, so please hayaan n'yo silang nandito, and BTW dad gusto ko po silang ipakilala sa inyo."-CJ.

"I don't want to know them."-Daddy ni cj at aakma na sanang aalis ng pigilan s'ya ni CJ.

"Please."-CJ.

At pinakilala na nga kami ni CJ isa isa.

"This is Alfemie, Maryjoy, Ivan, & Altira, my friends dad."-Pagpapakilala n'ya sa amin sabay tinuro n'ya kami isa isa.

Pero ng tingnan ko 'yong daddy ni CJ ay nakatingin din ito sa akin na parang galit.

"Bakit po?"-Tanong ko do'n sa daddy ni CJ.

"Who are your mother & father?"-Biglang tanong sa akin ng daddy ni CJ.

"Ho?!"-Ako na nagulat sa biglang pag-tanong n'ya.

"Are you deaf?! I said who are your mother & father?!"-Pasigaw n'yang tanong sa akin.

"A-eh a-"-naputol 'yong sasabihin ko nang magsalita si CJ.

"Ahh dad wag naman kayong ganyan sa bisita ko."-CJ.

"Ahm well, I'm sorry."-Daddy ni CJ at nginitian ako ng hilaw at umalis na s'ya.

Ang weird n'ya.

"Ok.. Umalis na s'ya, buti at 'di ka senermonan CJ."-Alfemie.

"Oo nga eh, pero bakit kaya gano'n ang asta n'ya kay Altira?"-CJ.

"Hayaan mo na 'yon, may mga tao talagang gano'n pero para sa kanila wala Lang 'yon."-Ako.

"Hayss ok, d'yan muna kayo, kukuha muna ako ng makakain natin ^_^"-CJ.

Pumunta naman s'ya ng kusina.

Ang cute talaga ni CJ.. At first akala ko eh s'ya 'yong tipong lalaking pagtitripan ka always pero hindi pala. S'ya pala 'yong tipong lalaking laging andyan para sa'yo, 'yong ayaw magkaro'n ng utang na loob at higit sa lahat ay isang mabait na tao ^_^ kailan kaya ako magkaka-boyfriend ng ganyang klaseng lalaki? Pwede bang s'ya na lang?? Charoooot!!

Marites' POV

Nandito ako sa bahay ngayon at naguguluhan.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sigurado akong may pinaplano na sa amin si William, kaya nga gusto kong umalis na kami ni Altira dito sa Pinas pero ayaw naman ni Altira.

Kailangan kong makumbinsi si Altira na umalis na kami ng bansa bago pa may gawin sa amin na masama si William.

Pero paano?? Ayaw sumama sa akin ni Altira?

At parang nanunumbalik na rin ang alaala n'ya.. At hindi 'yon pwedeng mangyari dahil pag naaalala na n'ya lahat, sigurado akong maghihiganti si Altira sa mga nangyari sa kan'ya at pagnangyari 'ypn.. Magpapatayan silang dalawa ni William at ayaw ko na mamatay si Altira dahil s'ya lang ang kaisa-isahang tagapagmana ng lahat ng yaman ng kan'yang ina at ama.

Kaya kailangan ngayon palang dapat lumayo na kami..

Sa ayaw at sa gusto ni Altira.. Pupunta kami ng ibang bansa at doon na manirahan hanggang sa itigil na ni William ang paghihiganti sa amin.

Para ng sa gano'n payapa kaming lahat na mamuhay.....

Kaya Altira pupunta tayong ibang bansa sa ayaw o sa gusto mo.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon