Chapter 3

35 6 0
                                        

Someone's POV

"Huwag mo nang hanapin ang bata anak, alam ko na kung nakanino s'ya."-Sabi ko sa anak ko.

"How did you know kung nakanino 'yong batang pinapahanap n'yo?"

"Basta alam ko. Now go out!!"-Sigaw ko.

At umalis naman s'ya sa kwarto ko.....

Hmm, may Plano na akong naiisip ha ha ha!

Altira's POV

Kakagising ko lang and thankfully and himala na rin hindi ako nanaginip so mahimbing 'yong tulog ko and sana ito na yong simula na hindi ko na mapanaginipan 'yon.

Lumabas na ako ng kwarto at naligo na, pagkatapos ay nag toothbrush ako, hanggang sa natapos ko na 'yong mga daily routine ko and sabado pala ngayon so walang pasok ^_^

Pumunta akong kusina para sana maghanda sana ng agahan ng marinig ko si tita na may kausap sa kwarto n'ya.

"Subukan mo lang!_____ hinding-hindi!!"-Rinig kong sigaw ni tita.

Sino kayang kausap ni tita?? Bakit galit na galit s'ya? Ahh bahala na nga.

Pagkatapos niyon ay lumabas si tita at nakita ako.

"Kanina ka pa d'yan?"-Tanong n'ya

"Hindi po. Kalalabas ko lang ng kwarto ko para maghanda ng agahan natin."-Palusot ko.

Nacu-curious na ako ah.

"Ahh, ganun ba? Umupo ka na lang at ako na ang maghahanda ng agahan natin."-Tita, sabay nginitian ako. Weird -_-?

Maya-maya ay nagsimula na kaming kumain.

"Ahh tita, pwede bang pumunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko?"-Ako.

"O-oo naman, bakit hindi?"-Utal n'yang sagot.

"Ok lang po ba kayo? Parang balisa ho kayo ngayon."-Tanong ko.

"Ok lang ako iha :)"-Tita, sabay nginitian ako.

"Tita, kadalasan ang salitang 'ok' ay napakalaking kasinungalingan lalo na't pinipilit na lang ngumingiti para hindi halata na may pinagdadaanan. So tita, may problema po ba?"-sabi ko kay tita.

"Wala iha. Wala talaga."-Tita.

"Sure kayo ah?"-Ako na may pag-aalinlangan pa.

Tumango lang s'ya bilang sagot n'ya -_- Ang weird talaga ni tita ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay tita na pupunta na ako sa bahay ng kaibigan ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.

Chinat ko sila sa fb sa gc namin. Mayroon kasi kaming sariling G.C.

Ako: Guyzz, kita tayo ngayon?
Alfemie: Sige, saan??
Maryjoy: Dito na lang sa bahay namin, movie mara tayo, mayroon akong mga movies.
Ako: Sige.
Alfemie: Saan ba 'yang Inyo?
Maryjoy: Dalawang kanto lang simula sa bahay ni Altira, so bale sayo Alfemie mga tatlong kanto pa bago ka makarating dito sa bahay.
Alfemie: Ok, sige.

Chat ended.

At naglog-out na ako.

Sinimulan ko ng maglakad patungong bahay nina Maryjoy.

Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki, hindi ko maaninag ang mukha n'ya kasi medyo malayo s'ya.

Nang medyo malapit na ako sa kan'ya ay naaninag ko na kung sino sya. Si CJ lang pala na parang mayroong kausap sa cellphone.

In-off na n'ya 'yong phone ng makita n'ya ako.

"Hi Altira ^_^"-pagbati n'ya.

"Hellow."-Wala sa mood kong sagot.

"Ang aga-aga nakasimangot ka."-CJ.

"Hindi naman kasi araw-araw naka-smile ako noh. Ang weird kaya pag laging naka-smile."-Ako.

"Pero mas weird kung laging nakasimangot."-CJ.

"Heh! Ayy nga pala, may utang ka pa sakin!"-Ako.

"Alam ko 'yon, paano ba ako makakabawi?"-CJ.

Sana all bumabawi hehe ^_^<

"Ikaw bahala, dapat 'yong nakaka-apreciate na effort dapat ha?"-Ako.

"Naku! Sayang, hiindi ako marunong umeffort. tttt."-CJ na may pa iling-iling pa.

"Tss sa maniwala ako, ikaw? Hindi marunong umeffort? Haahahaha paano nagkagusto GF mo sa'yo kung hindi ka marunong umeffort?"-Ako.

"At Sino namang nagsabi sayo na may GF ako?"-CJ.

So Wala pala s'yang GF?!

"So Wala kang GF?! Akala ko meron?"-Ako.

"At paano mo naman nasabing meron?"-CJ.

"Nakita ko kasi sa FB na meron kang girl na kasama tapos cover photo mo pa."-Ako.

"Teka, Hindi naman tayo friend sa FB ha. Siguro stalker kita noh? Iniistalk moko?"-Panunukso n'ya.

Hiyan tuloy Altira! Tinutukso ka tuloy ngayon! Bakit mo pa kasi sinabi 'yon?!

"H-hoy! A-anong stalker?! H-hindi ah!! Asa!!"-Sigaw ko sa kan'ya.

Tapos dahan-dahan s'yang lumapit sa akin ng may lokong mukha, tapos si ako naman dahan-dahan ding umaatras.

"Eh bakt nauutal ka?"-CJ. This time nadikit na talaga ako sa pader at ang lapit ng mukha n'ya sa akin, namumula na ata ako!! Napapikit nalang ako.

Tapos narinig ko na lang na tumatawa na s'ya ng malakas.

Dinilat ko 'yong mga mata ko. Ang walang hiya!! Tuwang-tuwa!! Mabatukan nga!!

"Hahahaha hahaha aray! Ang sakit!"-CJ na binatukan ko!

"Sige, tumawa ka d'yang bw*s*t ka!"-Ako sabay nagwalk-out ako sa harap n'ya! Bahala s'ya!!

Bahala sya doon! Nakakasira ng araw!! Dumiretso na ako sa paglalakad.

"Hoy! Sandali lang! Sama ako sayo!"-CJ.

"Bahala ka d'yan!"-Sigaw ko at kumaripas ako ng takbo, nilingon ko s'ya at hinahabol n'ya ako.

"Sandali nga lang! Hoy!"-sigaw ni CJ pero hindi ko na pinakinggan, pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa bahay nina Maryjoy at nandoon na din pala si Alfemie sa bahay nina Maryjoy, pagkatapos ay dumating naman si CJ na hingal na hingal pa.

"Oh, anong nangyari d'yan?"-tanong ni Alfemie.

"Eh kasi 'yang kaibigan mong si Altira iniwan lang ako doon."-CJ sabay turo sa pinanggalingan namin na malayo-layo na.

"Eh kasi kasalanan mo rin, kasi bw*nis*t mo'ko!"-Sigaw ko.

"Paanong hindi kita bw*-bw*sit*n eh iniistalk mo pala ako sa fb. Siguro meron kang gusto ka sa akin noh?"-CJ.

"Noon 'yon."-Bulong ko sa sarili ko.

Paksheyt! >_< Kapal ng mukha!!

"Oii, narinig kita Altira."-Alfemie.

"Tumahimik ka nga d'yan Alfemie!"-Sigaw ko kay Alfemie. Kainis na CJ kasi eh! >_<

Tapos ay lumabas na rin si Maryjoy at pinapasok kaming tatlo sa loob ng bahay nila at pina-upo sa sofa.

At grabeh ang ganda ng bahay nila Maryjoy

"D'yan muna kayo.. kukuha muna ako ng juice ^_^"-Maryjoy. Pagkatapos ay pumunta s'ya ng kusina.

Maya-maya ay bumalik na si Maryjoy na may dalang juice at cookies na nasa tray.

Tapos ay in-on na n'ya yung TV at DVD tapos ay in-open n'ya 'yong DVD at may nilagay s'yang CD, then after, ay nagstart na 'yong palabas.

Ito 'yong sitting arrangement namin sa sofa:

Mesa sa harap namin.

Then, kami na nasa sofa: Maryjoy (Nasa gilid), Alfemie, ako, at Cyberjohn/CJ.

Bw*s*t, katabi ko 'yong mokong lalaking si CJ -_-

And nagstart na kaming manuod ng movie habang kumakain ng cookies at umiinom ng juice at ang genre ng movie ay romance, tss, -_- baka baduy, pero mas baduy 'yong katabi kong lalaki hehe.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon