Ivan's POV
Dahan-dahan naming inakyat ni CJ ang gate nila Alfemie.
Buti nalang at walang guard na nagbabantay kung 'di mahuhuli kami agad-agad.
"Oii Ivan, maghiwalay tayo ng direksyon. Dito ka sa harap at doon ako sa likod. Magkita nalang tayo sa room ni Alfemie. I'm sure kasi na nasa taas lang si Alfemie."-Pabulong na sabi ni CJ sa akin, tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahan-dahan na s'yang pumunta sa likod ng bahay at habang ako naman sumisilip sa bintana at tinitingnan ko kung may tao ba.
May nakita akong dalawang tao na nanunood ng T.V, isang lalaki at isang babae na kapwa nasa 40's na ang edad, siguro 'yon 'yong mga magulang ni Alfemie.
Anong gagawin ko? Mukhang hindi ako makakapasok nito! Bahala na.
Luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling may makita akong pwede kong madaanan patungo sa room ni Alfemie.
Kaso wala talaga eh. Naglakad nalang ako ng dahan-dahan at naghahanap ng pwede kong daanan papuntang kwarto ni Alfemie.
Ano ba naman 'to! Ang hirap ng ganito ah! "Ikaw kasi Ivan eh, ikaw ang nag-isip nitong strategy na 'to kaya magtiis ka!"-Sabi ko sa sarili ko.
Ngayon saan ako pupunta?!
Tumingin ako sa taas at baka sakaling may madadaanan do'n. At boom! Meron nga!
Hindi man s'ya isang hagdan pero ok na maakyatan.
Buti nalang at gawa sa semento 'tong bahay nila Alfemie, kasi kung hindi baka marinig nila akong umaakyat
Nagsimula na akong umakyat ngayon sa semento sa taas, 'yon bang parang sa mga building kung saan maari kang makapatong 'yong ganon? Ahh basta 'yon, 'yong gano'n 'yong nakita kong aakyatan ko kaya ngayon umakyat na ako do'n. Nang makarating na ako sa may bintana sa room ni Alfemie ay huminto muna ako saglit at tumingin sa ibaba baka kasi may nakakita sa akin mahirap na. Pagkatingin ko sa baba saktong may tao na may dalang hose! Gardener ata 'yon nila Alfemie.
Dali-dali akong nagpunta sa likod ng room ni alfemie upang hindi ako makita.
"Maam Alfemie! Ikaw po ba 'yan?!"-Rinig kong sigaw no'ng gardener, narinig ko rin ang pagbukas ng bintana
"Po?!"-Rinig ko ring sigaw ni Alfemie.
"Ahh wala iha, para kasing may nakita akong tao. Guni-guni ko lang siguro 'yon!"-Rinig kong sabi ni gardener.
"Manong naman! 'Wag po kayong manakot!"-Sigaw ulit ni Alfemie. Narinig ko nalang na tumawa lang 'yong gardener at narinig ko rin na mukhang sinarado na ni Alfemie ang bintana. Dahan-dahan na sana akong lumabas ng biglang may kumausap sa akin.
"Psst, oii."
"Ha!!"-Nagulat akong bigla sa pagsulpot ni CJ sa gilid.
"Huwag ka ngang sumigaw dyan baka marinig tayo."-Sabi nito sa akin.
"Huwag ka kasing manggulat."-Sabi ko.
Dahan-dahan na kaming pumunta sa bintana. Sinilip muna namin si Alfemie kung anong ginagawa n'ya. Nakita namin s'yang lumabas sa kwarto n'ya.
"Perfect timing."-Sabay naming sabi ni CJ.
Binuksan namin ang bintana. Buti nalang hindi naka-lock ang bintana kaya nakapasok kami. Pag-pasok namin ay sinarado ko ulit ang bintana
"Ngayon umupo muna tayo sa kama ni Alfemie at hintayin s'yang pumasok ulit rito."-Sabi ni CJ at ginawa naman namin iyon. Umupo kami sa kama ni Alfemie at hinintay s'ya.
Habang naghihintay kami ay nilibot ko muna ang paningin ko sa kwarto n'ya. Napakalinis ng kwarto n'ya at naka proper arrange lahat ng gamit n'ya.
Tiningnan ko rin ang gilid ng kama ni Alfemie na which is 'yong side table n'ya na may nakapatong na mga litrato pero may isang litrato doon na may takip na maliit na towel. Tinanggal ko iyon, kasabay sa pagtanggal ko niyon ay pumasok naman na ulit si Alfemie.
Nakita ko sa litrato ang pictures nila ni Altira na magkakasama.
Tumingin ako kay Alfemie na gulat na gulat na nandito kami at nabitawan n'ya pa ang dalang baso na may lamang tubig at nabasag iyon.
"Bakit kayo nandito?!"-Galit na sigaw nito sa amin.
"Simple lang, Gusto ka lang naming MAKAUSAP."-Sabi ni CJ.
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!