Chapter 47

4 3 0
                                    

Altira's POV

Nasa school canteen kami ngayon ni Maryjoy at kumakain, hindi namin ngayon kasama si Alfemie dahil absent s'ya ngayon siguro dahil sa nalaman n'yang ampon daw s'ya.

"Bakit kaya wala si Alfemie ngayon? At hindi rin n'ya ako sinasagot sa chat at even sa text."-Ani Maryjoy, nagkibit-balikat lang ako.

"Siguro hindi pa s'ya nakaka-get-over sa nalaman n'ya about herself."-Sabi ko na nagpakunot ng noo ni Maryjoy.

"Huh? I dont understand. Mukhang may na-miss ata akong update about sa atin ha?Ano ba 'yon?"-Maryjoy.

"Ganito kasi 'yon. Kahapon kasi pumunta s'ya sa bahay ng umiiyak."-Sabi ko.

"Oh? Bakit naman daw s'ya umiiyak?"-Tanong ni Maryjoy.

"It's because nalaman n'yang ampon daw s'ya."-Sabi ko at nagulat naman s'ya do'n.

"What?!"-Gulat na sigaw ni Maryjoy kaya napatingin sa amin ang mga estudyante.

"Pwede ba 'wag ka ngang sumigaw?"-Ako.

"So, kaya pala s'ya absent ngayon dahil sa nalaman n'ya?"-Sabi ni Maryjoy na tinanguan ko lang.

"Naku! Panigurado, matatagalan 'yon bago maka-move on."-Dugtong ni Maryjoy.

"Iyon na nga ang sinasabi ko, baka nga 'di pa s'ya nakaget-over. Gano'n naman talaga kapag ang mahal mo na ang nanakit sa'yo hindi ka talaga agad maka move-on."-Sabi ko.

Kumain na lang kami.

Habang kumakain kami, nakita ko si Angelie na nakatingin sa akin sa 'di kalayoan sa amin.

Anong problema n'ya?

At maya-maya lumapit si CJ sa kan'ya na may dalang pagkain.

CJ...  Matagal din kaming hindi nakapag-usap. I wonder kung bakit.


CJ's POV

Kakatapos ko lang mag-order ng pagkain at nakita ko si Angelie na kumakain din kaya nilapitan ko s'ya at nakisabay na ring kumain sa kan'ya.

"Angelie, buti naman at hindi mo na kasama 'yong ex mo ditong kumain."-Sabi ko kay Angelie.

"Kuyz, pwede ba 'wag mo nang ibalik 'yon? Past is past atsaka isa pa he's not worth to be with."-Sabi ni Angelie atsaka nag-snob sa akin. Haha ang cute lang ng kapatid ko.

Well good, mukhang nakamove-on na 'tong kapatid ko.

"Well, any update about dad?"-Pag-iiba ko ng topic.

"Sa ngayon kuyz wala pa naman akong nakukuha sa kan'ya na info. Siguro nagiging mas maingat na ngayon si dad. B.T.W kuyz, paano natin sasabihin kay Altira lahat? Ngayon na lang kaya? Total nandiyan lang naman s'ya oh."-Sabi ni Angelie sabay nguso kay altira. Tiningnan ko si Altira na nakatingin din dito at kasama n'ya pala si Maryjoy.

Teka.. Bakit wala si Alfemie?

"Kuyz, namiss mo ba s'ya? Para kasing lately 'di na kayo nag-uusap."-Angelie.

"You know naman angelie 'di ba?"-Ako.

"Ganito kuyz, ikaw na lang ang magsabi sa kan'ya lahat at ako naman, ako ng bahala sa lahat ng gagawin ni dad and ipapaalam ko sayo agad-agad."-Angelie, 'tsaka tumayo na s'ya at umalis na sa harap ko. Tapos na pala s'yang kumain.

Ok, tomorrow, I will gonna tell to Altira all the information that I know including sa kung sino ang pumatay sa asawa ni tita Marites.

Bahala na, total my life is at risk na din naman eh, kasi mukhang sa tingin ko papatayin na rin ako ni dad.


Maygan's POV

Ngayon na alam na ni Alfemie na hindi ko s'ya totoong anak. Now is the time para malaman ni Altira that here I am, her true mother. Kaya mamaya pupuntahan ko s'ya at sasabihin ko na lahat sa kan'ya.

Kahit na saktan n'ya ako or ipagtabuyan man n'ya ako, basta ang importante ay masabi ko sa kan'ya na nandito pa ako ang kanyang ina at mahal ko s'ya.. At kailan ma'y hindi ko s'ya iniwan.

Altira sana mapatawad mo 'ko anak.

At sana din matanggap ni Alfemie si Altira hindi bilang bestfriend lang kung 'di bilang kapatid din. That's all I want.....

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon