Chapter 55

2 2 0
                                        

Maryjoy's POV

Kanina ko pa tinitingnan si Alfemie na napaka-seryoso ang mukha at waring may iniisip ng kung ano habang kumakain ng sandwich.

"Alfemie, are you ok?"-Tanong ko kay Alfemie.

"Do I look depressed? Syempre I'm ok noh."-Medyo mataray na sagot n'ya sa akin at ini-snob-an ako.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? May problema ka ba?"-Tanong ko na naman.

"Mukha ba akong may problema ha?"-Medyo tumaas na 'yong boses n'ya kaya tumahimik na lang ako.

Yeah really, may mali na talaga sa kan'ya ngayon and it seems na hindi na s'ya 'yong Alfemie na nakilala namin ni Altira dati.

"Alfemie, kung ano man 'yang iniisip mo ngayon, pwede mong sabihin sa akin baka makatulong ako."-Sabi ko sa kan'ya.

Pagkasabi kong iyon ay bigla n'yang tinapon ang sandwich at tiningnan akong galit na galit.

"Pwede ba?! Shut your mouth up!"-Sigaw n'ya sa akin.

"Oii Alfemie, huminahon ka nga. May problema ka ba?"-Tanong ni Ivan sa kan'ya.

"Problema? Bakit ba you keep questioning me kung may problema ako eh obvious naman na wala."-Sabi ni Alfemie.

"Eh kung wala ka naman palang problema eh ba't ka nagagalit?"-Tanong ni Altira.

"Alam mo Altira? You're sooo annoying! Sana 'di nalang kita nakilala sa buhay ko! Simula no'ng dumating ka nagkagulo na ang lahat, pati ako nadamay na rin d'yan sa problema mo!"-Sigaw ni Alfemie kay Altira.

"So, may problema ka nga talaga. Sige nga, sabihin mo nga sa akin."-Sabi ni Altira.

"What for? Hindi mo 'ko matutulongan, HINDI N'YO KO MATUTULONGAN dahil kay Altira naman lahat nakatuon ang attensyon n'yo!"-Sigaw n'ya sa amin.

"Kung attensyon lang pala ang gusto mo, sana sinabi mo nalang sa amin hindi 'yong magagalit ka nalang d'yan."-Sabi ni CJ.

"Hindi ang attensyon ang gusto ko."-Sabi naman ni Alfemie.

"Eh ano?"-Tanong ni Christian.

Nakita namin na maiiyak na si Alfemie.

"Gusto ko na mawala si Altira sa buhay ko. Ayaw ko na s'yang maging kaibigan."-Naiiyak na sabi ni Alfemie sabay tiningnan n'ya si Altira.

"Ano? Bakit?"-Taka kong tanong.

"Sige, papayag ako na 'di mo 'ko maging kaibigan kung 'yon Ang ikasasaya mo Alfemie pero sana matanggap mo ko bilang kapatid mo."-Sabi ni Altira na nagpagulat sa akin.

"Magkapatid kayo?!"-Sabay naming tanong ni Christian.

"Oo, magkapatid kami. Nakita ko na kasi ang totoong mama ko 'yon ay ang mama ni Alfemie."-Sabi ni Altira sa amin ni Christian.

What?!

"Kaya nga eh, kaya ayaw na kitang maging kaibigan at lalong ayaw kitang maging kapatid! Dahil pagnangyari 'yon alam kong matutuon na ang attensyon ni mommy sa'yo at mawawala na s'ya sa buhay namin ni dad!"-Umiiyak na sigaw ni Alfemie.

"Iyan ba ang sinabi sa'yo ni dad? Na baka malayo na sa'yo ang mommy mo?"-Tanong ni CJ.

"Oo, at napag-isip-isip kong may point s'ya sa sinabi n'yang 'yon na what if lalayo na sa amin ni dad si mommy paano na kami? Paano na ako?mawawalan na ako ng nanay."-Sabi ni Alfemie.

"Hindi ba, sabi ko naman sa'yo na 'wag mong pagkatiwalaan si dad at lalong-lalo na 'wag mo s'yang paniwalaan! Dahil gagawin no'n ang lahat mapabagsak lang si Altira."-Sabi ni CJ.

"Iyan na naman, Altira na naman, puro na lang kay-------"-Sabi ni Alfemie ngunit hindi n'ya ito natapos ng sampalin s'ya ni Altira.

"How dare you, hindi mo pa ba ako lubosang kilala ha Alfemie?! Hindi ako 'yong klaseng tao na basta na lang mang-agaw! Lalong-lalo na na hindi ko aagawin sa'yo si mama! Masaya pa naman ako na ikaw 'yong magiging kapatid ko Alfemie, pero hindi ko akalain na ayaw mo pala akong maging kapatid... Kaya sige, iyong-iyo na si mama total sanay naman na akong walang nanay eh, excited pa naman akong maging kapatid ka."-Sabi ni Altira na ngayon ay tumulo na ang luha.

"Hahahaha, buti naman Altira. Dahil gagawin ko na sana ang next step na sinabi ng dad ni CJ sa akin. Alam n'yo kung anong 'yong next step na 'yon? 'Yon ang ipaglayo silang dalawa ni Altira."-Sabi ni Alfemie.

"Kaya kung magkalapit man kayo ni mommy Altira, gagawin ko na 'yong next step na 'yon, kaya kung ako sa'yo, 'wag kang lalapit kay mommy, baka ako ang makakalaban mo. Sige bye."-Sabi ni Alfemie kay Altira at saka s'ya umalis.

"Alfemie...."-Sambit ko na lang habang tinitingnan namin si Alfemie na papalayo na ng papalayo sa amin.

Hinag nalang namin si Altira na panay na ngayon ang iyak.

Is it Friendship over? Because for me, I think its Friendship over.....

Napa-iyak na lang din ako......

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon