CJ's POV
Tinitingnan namin ngayon si Altira na ngayo'y nakalapit na sa nakita naming pigura ng tao..
Mayamaya lang ay tumakbo papalapit sa amin si Altira.
"G-guyzzz..... S-si tita i-iyong taong nakita natin.. W-wala na s'yang malay ngayon."-Umiiyak na sabi sa amin ni Altira ng makalapit s'ya sa amin.
"Ano?! Tara, tulungan natin s'ya."-Ako at agad naman na kaming pumunta sa tita ni Altira.
Binuhat ko 'yong tita ni Altira na walang malay.
"Sandali lang guyz, tatawag muna ako ng ambulansya."-Maryjoy sabay kuha ng phone n'ya sa dala nyang mini shoulder bag at tinawagan ang ambulansya.
Mayamaya lang ay may narinig kaming tunog ng siren.
I don't know kung pulis 'yon or ambulance.
Then nakita na lang namin na papunta sa amin ang mga pulis.
"S'ya ba 'yong biktima?"-Tanong ng isang pulis sa amin.
"Opo."-Sagot ko.
"Teka, alam n'yo ba kung saang parte s'ya dito ikinulong?"-Tanong ulit ng pulis.
"Actually, hindi po namin alam, nakita na lang ho namin s'ya dito."-Ako.
"Buti naman po at dumating na kayo. Panatag na ho ang kalooban namin."-sabi ni Altira sa pulis.
"Walang ano man iha, sige umalis na kayo dito para 'di kayo mapahamak. Lilibutin na lang namin ang buong lugar baka nandito lang ang mga criminal na pinahanap n'yo sa amin."-sabi no'ng pulis sa amin atsaka s'ya umalis.
Kaya naman, kami ay tumakbo na pabalik sa aming dinaanan kanina hanggang sa nakalabas na kami.
At saktong paglabas namin sa gubat ay dumating naman ang ambulansya.
At agad pinahiga ng mga nurse si tita Marites sa stroler ata 'yon, ah basta, 'yong higaan na may apat na maliliit na gulong atsaka s'ya pinasok sa ambulansya.
Pumasok na rin kami sa ambulansya pero bago pa ako tuloyang sumakay sa ambulansya ay nakita ko 'yong isang tropa kong si Junrey na hinuli ng pulis na akala ko ay nasa ibang bansa.
So ibig sabihin kasabwat s'ya??
Well, pupuntahan na lang namin s'ya sa presinto.
Altira's POV
Nandito na kami ngayon sa hospital tinitingnan si tita na hanggang ngayon wala pang malay.
"Doc., kailan ho s'ya magigising? Ok na ho ba s'ya? Wala bang any complications?"-Tanong ko sa doctor na katabi ko lang.
"Magigising s'ya siguro bukas or sa isang araw at oo ok na s'ya, actually pwede n'yo na s'yang iuwi pag-gising na s'ya at 'yang mga natamo n'yang pasa at mga sugat sa katawan ay madali na lang 'yang gamotin and aside from her wounds, wala ng ibang complications sa kan'ya ^_^"-nakangiting sagot ng doctor.
"Hayss, buti naman."-Nasabi ko nalang at napabuntong hininga.
Parang nabunotan ako ng malaking tinik sa dibdib sa sinabi ng doctor.
"Sige, maiwan ko muna kayo at may aasikasuhin pa akong ibang pasyente."-Doctor atsaka umalis naman s'ya.
"Atsaka Altira, uwi na muna kami, gabi na kasi baka hinahanap na kami ng magulang namin."-Pagpapaalam sa akin ni Ivan na tinangoan ko lang naman.
Tumayo na sila at umalis na, ngayon ako na lang mag-isa ang nagbabantay kay tita.
"Tita, lalabas lang muna ako sandali para bumili ng pagkain ko."-Sabi ko K
Kay titang tulog pa.Tumayo na ako at lumakad.
Habang naglalakad ako ay luminga-linga rin ako sa mga rooms ng hospital.
Ang daming pasyente.. Malamang Altira eh hospital 'to.
Then bigla na lang nag-ring ang phone ko.
Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag basta sinagot ko na lang ito.
"Hellow?"-Walang gana kong sagot.
"Ahh.. Is this Altira Zamora?"-Tanong ng nasa kabilang linya na boses babae.
"Yes."-Ako.
"Ahm, ako nga pala ang doctor ni Mr. Mario Zamora."
Huh? Doctor ni Tito? Teka may nangyari ba kay Tito?!
"T-teka, d-doctor?"-Ako.
"Yes ma'am and may ibabalita lang po ako tungkol sa kan'ya, kung maaari po puntahan n'yo s'ya sa hospital na ***** sa room no.: ***"-Sabi n'ya.
Ibinaba ko na agad ang phone ko. Buti at dito lang na hospital ang sinabi n'ya at agad ko naman pinuntahan ang sinabi n'yang room no..
Nandito na ako sa harap ng room na sinabi ng tumawag na doctor sa akin.
Pinihit ko na 'yong pinto at pumasok.
Nakita ko ang doctor na nakayuko sa tabi ng isang taong nakahiga sa hospital bed na may nakatakip na kumot sa buong katawan nito.
"B-bakit po ninyo ako pina p-punta?"-kinakabahan kong tanong sa doctor.
"Kasi itong lalaking 'to ay natamaan ng baril sa balikat, pwede pa sana s'yang mabuhay no'ng pilit naming tinatanggal ng nurse ang bala sa balikat n'ya, pagkatapos namin s'yang operahan ay naging successful naman ang operation pero sa ilang oras lang ay inatake s'ya sa puso. Ne-revive ko s'ya kaso huminto 'yong heartbeat n'ya at do'n nawalan na s'ya ng buhay."-Sabi no'ng doctor sa akin.
"B-bakit n'yo s-sinasabi sa akin 'yan?"-Kinakabahan at medyo mangiyak-ngiyak na tanong ko.
"Para malaman mo, ikaw na mismo ang magtanggal nang kumot na nakatakip sa kan'ya."-Sabi sa akin ng doctor sabay turo sa taong nasa kama.
Dahan-dahan akong lumapit do'n, nagdadalawang isip ako, baka kasi.... Hindi.. Hindi.
Nasa tabi na ako ng kamang may nakahigang patay na tao.
At dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatakip do'n.
Nang maibaba ko na..... Bumuhos na lahat ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napaluhod na lang ako habang humahagolgol ng iyak.
Sinong gumawa nito sa kan'ya?!
P-parang hindi ako makahinga, nanghihina ako, parang 'di ako makatayo, then unti-unting pumipikit ang mga mata ko.
Basta naramdaman ko na lang, nakahiga na ako sa sahig and do'n everything wents black.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Roman pour Adolescents"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!