Altira's POV
Umalis na ako sa kama at lumabas ng kwarto pero bago ako makalabas, may narinig akong boses ng lalaki na may kausap din na lalaki.
"This is for your own good! Sana maintindihan mo!"
"Own good? Tama ba na bilhin n'yo ang kompanyang pinaghirapan ng magulang ko for several years?! Anong klase kang kaibigan!"-Sigaw pa no'ng isang lalaki.
"Kaya ko binili ang kompanya n'yo para hindi tuluyang bumagsak!"-Sigaw din no'ng isa.
"No! Hindi! Kaya kong ibangon ang companyang 'yon ng sarili ko lang! Eh kaso binili mo na! Ngayon, isang maliit na kompanya na lang meron ako! 'Yon 'yong food company! Damn you!"
Tapos no'n, narinig ko nalang ang hampas ng pintuan.
Kaya lumabas na ako.
Nakita ko 'yong papa ng bata or papa ko pala na naka-upo sa sofa at parang nag-iisip ng kung ano..
Nilapitan ko s'ya.
"Pa? Are you ok?"-Bulalas ng bibig ko. 'Yong batang ako ang nagsalita.
Tumango lang si papa.
Then dumating si mama na mukhang galing sa trabaho base sa kan'yang kasuotan.
"Hon? Is there any problem?"-Tanong ni mama kay papa.
Umiling lang si papa at ngumiti ng mapait.
"Ok lang 'yan hon, masusulosyunan din natin 'yan, but for now......" Tumingin muna si mama sa akin and then said: "Baby, you just have to take a bath and go to school ok?"-Sabi ni mama sa akin.
Tumango lang ako at pumunta ng banyo at naligo. After lahat ng preperations ko para pumunta ng school ay hinatid na ako ni papa sa school ko.
Nang makarating na kami ng school, pumasok na ako at pumunta na ng room. Nakita ko sa pintuan ng room na grade 4 student na pala ako. Pumasok na ako at umupo sa upuan ko katabi ng isang lalaking medyo familiar sa akin.
"Hi Cy!"-Bati ko, I mean, bati ng batang ako sa katabi ko.
"Hi Altira."-Bati rin n'ya sa akin.
Matapos ng mahabang oras ay sa wakas uwian na pero bago ako makalabas ng gate upang hintayin ang sundo ko ay tinawag ako ni Cy daw ang pangalan or baka nickname n'ya lang 'yon.
"Altira wait! Pwedeng mamaya ka na muna umuwi? Laro muna tayo sa ginawa nating tree house sa garden! Total wala pa naman ang sundo natin eh."-Ani Cy.
"Ok."-Sabi ko at pumunta na kaming garden.
"Nasaan na nga ulit 'yong tree house natin?"-Cy.
Luminga-linga ako hanggang sa nakita ko 'yong parang bahay na nasa puno.. 'Yon na yata ang tree house namin.
"Cy, dito tayo dali!"-Tawag ko kay Cy ng makita ko 'yong tree house daw namin.
Pumasok na kami do'n at nag-laro ng bahay-bahayan.
"Alam mo paglaki ko? Ikaw ang pakakasalan ko balang araw."-Sabi n'ya nalang bigla out of nowhere while we're playing.
"Hahaha impossible 'yon Cy! Hindi naman natin nalalaman ang future eh."-Natatawang sabi ko, I mean, ng batang ako.
"Ahh basta! Sigurado ako na ikaw ang pakakasalan ko at simula ngayon girlfriend na kita."-Sabi ni Cy na mukhang siguradong-sigurado talaga.
'Wow! Girlfriend agad?!' Sabi ko sa isipan ko. Haha, natatawa ako, ahaha. Akalain mo 'yon? May childhood boyfriend pala ako? Ahaha.
"Haha girlfriend agad? Eh ang bata pa natin atsaka grade 4 pa lang tayo."-Bulalas ko.
Natatawa talaga ako dito sa childhood memories ko ahaha. Siguro kung hindi lang ako nasa loob ng batang ako, tawang-tawa na talaga ako grabeh lang.
"Love doesn't matter the age as long as you love each other, kaya tatanungin kita.. Love mo rin ba ako? Kasi ako? Love kita ^_^"-ani Cy.
Abah galing ah!
Naramdaman kong namula ako, I mean, 'yong batang ako at napahinto na lang sa sinabi n'yang 'yon.
Kinikilig ako, itong batang ako ang kinikilig.
Tumango lang ako sa tanong n'ya kung love ko ba raw s'ya.
"Yeay! Sabi na eh, kaya simula ngayon girlfriend na kita."-Cy.
Pagkatapos naming maglaro ay dumating na 'yong mga sundo namin at umuwi na ako.
Damn, I have a boyfriend na pala?!
Pero nasaan na kaya s'ya sa panahon ngayon?
I hope na sana ma-meet ko s'ya gayong malaki na kami ngayon.
Pag na-meet ko ba s'ya uli, ako pa rin kaya ang papakasalan n'ya knowing na sobrang tagal na tong panahon na Ito, ako pa rin kaya papakasalan n'ya? Or baka naman nakahanap na s'ya ng iba?
Damn it! S'yempre baka may iba na 'yon!

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Fiksi Remaja"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!