Alfemie's POV
"Woah, ang ganda talaga dito sa Boracay ano? At ang fresh ng air."-Sabi ko kina Altira at Maryjoy habang nakaupo kami sa sand.
Inimbitahan kasi kami ni tita Marites na sumama kami sa kanila.
"Oo nga, sinabi mo pa."-Ani Maryjoy.
"Ayy nga pala Altira, bakit 'di n'yo inimbitahan si CJ dito?"-Tanong ko kay Altira. Eh kasi sa aming magkakaibigan si CJ lang ang wala, nandito nga rin 'yong sina Ivan at 'yong si Christian na BF ni Maryjoy, si CJ lang talaga ang wala.
"Ewan ko kay tita, hindi naman kasi ako ang nang-imbita eh kun'di si tita."-Altira.
"E-chat mo na lang kaya si CJ at papuntahin mo dito?"-Sabi ko kay Altira.
"Kahit na e-chat ni Altira or e-text nya pa baka bukas pa 'yon makarating."-Ani Maryjoy.
Oo nga naman.
"Well, kung gano'n, maligo na lang tayo sa dagat."-Sabi ko.
"Oh sige, but before that, magbihis muna tayo ng swimsuit."-Ani Maryjoy atsaka tumayo naman kami.
"Kayo nalang. Ayaw kong mag-swimsuit eh nakakahiya."-Sabi naman ni Altira.
"Ano ka ba naman Altira, wala ka namang dapat ikahiya, ang sexy mo kaya atsaka maganda pa."-Sabi ko kay Altira.
"Kaya tara na."-Maryjoy sabay hinila namin si Altira kaya walang nagawa si Altira kun'di ang sumunod na lang sa amin.
Pagkatapos naming magbihis ng swimsuit ay ready to swim na kami kaya lang si Altira ayaw ipakita ang suot n'yang swimsuit, tinatakpan n'ya kasi ng tuwalya.
"Hey Altira, take that towel off and show your own sexyness atsaka maligo na tayo."-Sabi ni Maryjoy sa kan'ya.
"Oo nga naman Altira, tara na."-Sabi ko naman.
"Eh kasi nahihiya nga ako, magsasando at short nalang kaya ako maligo?"-Altira.
"Nope, nasuot mo na 'yan so show it off."-Ako.
"Pero---"-Altira
"No buts Altira."-Maryjoy.
"Tara na kasi, buti pa 'yong mga boys naliligo na."-Sabi ko kay Altira sabay tingin kina Christian at Ivan.
"Ok fine mapilit kayo eh."-Altira sabay inilapag 'yong towel na pinantakip niya sa suot n'yang pink na swimsuit.
Then hayon nag-swim-swim na kami.
Ivan's POV
Habang naliligo kami sa dagat ni Christian ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Altira na nakikipagtawanan kasama ang mga kaibigan namin.
Grabeh sobrang ganda n'ya at mas lalo s'yang gumanda sa suot n'yang swimsuit.
"Oii Ivan, punta na lang kaya tayo kina Maryjoy? Panay tingin ka kasi sa kanila."-Sabi sa akin ni Christian.
"A-ahm 'wag na."-Sabi ko.
"Sus, parang ngayon mo lang sila nakita, kaya tara."-Sabi ni Christian at lumapit s'ya sa mga girls kaya lumapit na rin ako.
"Hi girls, hi my loves."-Pagbati ni Christian sa kanila at sabay tingin kay Maryjoy.
"Oii Christian, nafo-fall ka na ba kay Maryjoy?"-Tanong ni Alfemie kay Christian.
Sa halip na sagutin ni Christian ang tanong na 'yon ay nginitian n'ya lang ito.
"Hmmp! May pa my loves my loves ka pa diyan! Hmmph!"-Sabi ni Maryjoy na mukhang nagalit sabay inirapan si Christian.
"Girls d'yan muna kayo. May masamang hangin ang napunta dito eh."-Sabi ni Maryjoy sabay tingin kay Christian na galit na galit at nag-walk out.
"Oii saan ka pupun---"sabi ni Altira kay Maryjoy kaya lang nakaalis na ito.
"Naku, ikaw kasi Christian. Suyoin mo talaga 'yon kun'di baka hindi ka na no'n pansinin."-Sabi ko kay Christian.
"Tss, bakit ba s'ya gano'n? May nasabi ba akong mali?"-Christian.
"Tanong mo sa sarili mo kung bakit nagkagano'n 'yon."-Alfemie.
"Hayss, ang love nga naman minsan nagpapasaya pero minsan din mapanakit."-Sabi ni Altira.
"Talaga ngang nagbalik ka na nga Altira, humuhugot ka na naman kasi eh."-Alfemie.
"Haha, 'di na kayo nasanay sa akin."-Altira.
"Pero bakit ka ba humuhugot?"-Tanong ni Alfemie.
"I don't know, siguro dahil sa napagdaanan ko noon kaya siguro ako ganito."-Altira.
"Alam mo Altira, you're such a strong girl kasi hindi lahat nalalagpasan ang mga pinagdadaanan ang iba ang laging option nila pag-satingin nilang wala na rawng pag-asa eh nagpapakamatay na lang."-Sabi ko.
"Thank you Ivan, 'di naman ako magiging matatag kung wala kayo sa tabi ko eh."-Altira.
"Ayan drama na naman, tama na nga itong dramang 'to mamaya mapapaiyak nanaman tayo."-Alfemie.
"Gano'n naman talaga ang buhay eh puro drama."-Altira.
"Alam n'yo? Umahon na tayo, kasi it's getting dark na kaya tara na."-Sabi ko sa dalawa at umahon na kami.
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Novela Juvenil"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!
