Altira's POV
Nasabi na sa akin kahapon ni CJ lahat ng napag-usapan nila ng investigator.. Kung gano'n, sana ligtas si tita... Hahanapin ko si tita sa lib-lib na lugar na 'yon and hihingi ako ng tawad sa kan'ya.
Sa ngayon, pupunta muna akong bahay ni Maryjoy dahil ngayon na gaganapin 'yong pa-masquerade party ng mama n'ya, yes masquerade party daw eh and si Maryjoy na daw bahala sa maskara namin ni Alfemie.
I wear a black cocktail dress with glimmering design, basta kumikinang and then I partner it with a 4 inches high heels black pointed sandal, then nagdala na rin ako ng black Gucci shoulder bag.
Pero ang kulang na lang talaga is a car para bongga na talaga tingnan kaso I don't have a car so baklay na lang ako. Total, medyo malapit lang naman bahay nila Maryjoy eh.
At nagsimula na nga akong maglakad patungong bahay nila Maryjoy.
Hindi pa ako nakakalayo ng may bumosenang kotse sa gilid ng aking nilalakaran kaya napahinto ako. Binuksan n'ya 'yong window ng car.
"Hop in."-Sabi no'ng driver ng magarang kotse which is si James Ivan.. So in-invite din pala s'ya ni Maryjoy.
Si CJ kaya? Invited din sana.
"Ok."-Ako. Pumasok naman ako sa backseat ng kotse, nakakahiya naman kung sa front seat ako uupo. Then nag-drive na s'ya ulit.
"Ahm.. Ang ganda mo ngayon."-Sabi ni Ivan out of nowhere.
"Thanks :) Ang gwapo mo sa suot mong tuxido Ivan."-Pagbati ko rin sa kan'ya.
"Thanks."-Ivan.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay nila Maryjoy.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng backseat ng sasakyan nang buksan ito ni Ivan sabay inilahad n'ya sa akin ang kamay n'ya.
"Let's go?"-Ivan.
"Yeah."-Ako then hinawakan ko naman ang kamay n'ya then lumabas na ako. What a gentleman person Ivan is.
Pagkalabas ko eh nakita ko na may dumating din na isang kotse at lumabas mula do'n si CJ at napakagwapo din n'ya sa suot n'yang black suit, and dumeretso na s'yang pumasok.
"Pumasok na tayo?"-Ivan at tumango lang ako.
Pagpasok namin ay namangha ako sa desenyo ng bahay nila Maryjoy, talagang pinaghandaan itong partyng 'to.
Lumapit sa amin si Alfemie na naka-suot ng evening gown with sparkling mask at may dala din s'yang dalawang black mask. Nauna na pala si Alfemie dito.
"Hey guys, oh eto mask n'yo."-Alfemie.
"Ikaw ba 'yan Alfemie?"-Ako sabay kuha ko sa dalawang mask na dala n'ya at ibinigay ko naman agad ang isa kay Ivan.
"Yeah, ako to Altira."-Alfemie.
"Ang ganda mo."-Ako.
"You too."-Alfemie.
"Ahh girls, iwan ko muna kayo at kukuha lang ako ng maiinom."-Ivan then umalis naman s'ya.
"So ahm.. Puntahan natin si Naryjoy?"-Alfemie.
"Ok, nasaan ba s'ya??"-Ako.
"Nandoon yata sa garden nila."-Ani Alfemie at pumunta naman kaming garden.
And nadatnan namin do'n si Maryjoy na nag-pa-swing-swing lang sa duyan at mukhang ang lalim ng iniisip kaya nilapitan namin s'ya. Nakasuot nga pala s'ya ng simple white plain gown at naka curl pa ang hair.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?"-Tanong ko kay Maryjoy ng makalapit kami sa kan'ya.
Nagbuntong hininga muna s'ya atsaka sumagot..
"Kasi, my mom said ba after ng school year eh do'n na daw n'ya ako papaaralin sa States and I'm not sure kung papabalikin pa ako ng mommy ko dito sa Pilipinas.
"Ano?!"-Gulat na sigaw ni Alfemie maski ako nagulat rin sa revelation n'yang 'yon.
"Teka.. Do'n ka na mag-aaral then may possibility na hindi ka na babalik dito?"-Alfemie.
"Yeah."-Malungkot na sabi sa amin ni Maryjoy.
"So paano 'yan? 'Di na tayo magkikita?"-Alfemie na medyo naiiyak na.
"Iyon na nga ang iniisip ko na hindi na tayo magkikita at mamimiss ko kayo."-Maryjoy na tumulo na ang luha.. niyakap ko silang dalawa.
"You know what? May mga tao talagang umaalis kahit hindi na sila bumabalik pero 'yong alaalang nabuo nila kailan ma'y hindi malilimutan, kaya kung aalis ka man at hindi man na tayo magkikita kita atleast may mga magagandang alaala tayong nabuo nang magkakasama at higit sa lahat hindi tayo nagkakalimutan at magkakalimutan because that is the true symbol of friendship."-Sabi ko sa dalawa.
"Waaaaah!! Bw*s*t ka talaga Altira!! Dahil sa mga sinabi mong 'yon, lalo akong nalungkot!!"-Maryjoy na humagolgol na ng iyak.
Natawa na lang kami ni Alfemie kasi para s'yang bata kung umiyak eh.
"Huwag ka ng malungkot Maryjoy, kasi kahit magkalayo man tayo nakakasiguro ako na our friendship will go on :)"-ako.
"Sus, 'Altira Hugotera' ka talaga kahit kailan Altira."-Ani Alfemie, nginitian ko lang sila.
"Tama na nga 'tong drama natin at tara ng magparty sa loob."-Alfemie at tumayo naman na si Maryjoy mula sa duyan.
"Hindi naman talaga maiwasan ang pagdra-drama eh lalo na kung may malungkot."-Altira.
"Tss, tara na."-Alfemie.
Pumasok na nga ulit kami sa loob.
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Novela Juvenil"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!