Altira's POV
"Bye Maryjoy, bye Alfemie, thanks sa pa movie marathon. Una na kami ^_^"-ako.
"Sige kita-kits nalang sa monday ^_^"-Maryjoy.
At umuna na kaming umalis ni CJ.
"Oi, hatid na kita sa inyo?"-CJ.
"Huwag na, atsaka malapit lang 'yong bahay namin dito. Kaya ikaw, umuwi ka na baka malayo pa 'yong inyo."-Sabi ko.
"Sige, ikaw bahala. Oh sha, dito na lang ako, may hihintayin pa ako eh."-CJ.
"Ehh sabi na eh may GF ka hehe."-p
Panunukso ko."Wala nga haha."-CJ.
"Wala daw tss.."-Ako sabay inirapan ko s'ya
"Basta wala, atsaka umuwi ka na sa inyo."-CJ
"Ok. Kita-kits na lang sa susunod at remind ko lang 'yong utang mo ah ^_^"-ako.
"Oo na, babawi ako promise."-CJ at tinaas pa talaga ang kanang kamay n'ya haha.
Tumango na Lang ako at umuna nang maglakad.
Grabehh ang cute talaga n'ya ^_^
Habang naglalakad ako eh may biglang dumaan na kotse at muntik pa akong masagasaan!
"Hoy! Loko ka ba?!"-Sigaw ko doon sa kotse.
Pagsigaw kong 'yon, lumabas 'yong isang lalaki. Driver ata ng kotse at nilapitan ako.
"I'm sorry miss."
The heck?! Sorry?! Matapos n'ya akong muntik masagasaan sorry lang?!
"What?! Just sorry?!"-Ako.
"Then what?! Pasalamat ka pa nga at nagsorry pa ako kahit na dapat hindi."
Kapal ng mukz!!
"Oh really? Why should I thank you huh?"-Ako.
"Because wala namang nangyari sayo."
"Bakit? Pagnakita na talagang nasaktan doon lang magsosorry? Eh gago ka pala eh."-Ako.
*Slap* sinampal ko s'ya, ang kapal ng mukha eh.
"Aray! The heck?!"
At s'ya pa talagang 'tong may ganang magalit ha.
"The heck mo mukha mo!!"-Ako at nilagpasan ko na lang s'ya.
Bwsesit. Sana hindi ko na s'ya makita.
Someone's POV
"Sir, someone is looking for you."-Sabi ng secretary ko.
"Ok, papasukin mo s'ya dito sa office."-Utos ko.
Pinapasok naman n'ya, and haha akalain mo nga naman, s'ya pa mismo ang pumunta sa akin.
"Oh, long time no see Marites ^_^"-pagbati ko sa kan'ya.
"Dederetsahin na kita, pag may mangyayaring masama sa pamilya ko, lahat ng baho mo ilalabas ko at ipapakita ko sa mga autoridad!"-Sigaw n'ya sabay hampas sa mesa ko.
How dare she!
"How dare you!! Matapos kitang tulungan at ibangon sa kahirapan mo dati! Ito igaganti mo sa akin?! Subukan mo lang at wala ng matitira sayo!"-Galit kong sigaw sa kan'ya.
"Im always paying you for what you did to me. Nagpa-alila na ako at lahat lahat sayo pero kulang parin 'yon para sayo!! Binuhos ko na 'yong buong buhay ko sayo!! Kaya bayad na ako!! Kaya pasensyahan na lang tayo William! At subukan mong galawin ang pamilya ko, gaya ng sinabi ko kanina, ilalabas ko ang baho mo!"-Marites.
"Bakit kasi hindi mo na lang ipakita sa'kin 'yong batang matagal mo ng tinago!!"-Sigaw ko.
"Para ano?! Para patayin mo para makaganti ka na?? Wala kang mapapala sa paghihiganti William!! Maawa ka naman sa batang 'yon!! Wala s'yang ginawang masama!!"-Marites.
"Pero 'yong mga magulang n'ya ang daming ginawang masama sa akin!! Kaya s'ya ang pagbabayarin ko!!"-Ako.
"Subukan mo lang na galawin kami, papatayin kita gaya ng turo mo sa akin dati."-Marites at lumabas na s'ya ng opisina ko.
Bwesit!! Talaga!!
Kailangan ko na talagang maisagawa ang Plano ko......
Altira's POV
"Hayssss! Bwesit na lalaking 'yon hayss!"-Pagmamaktol ko dito sa kwarto ko sabay hampas ng unan ko sa kama.
"Aaaarghhh kapal talaga ng mukha!!"-Sigaw ko.
"Iha, ayus ka lang?"-Biglang pasok naman ni tita.
"Ah o-oo hehe, n-naglilinis lang ho ako."-Palusot ko sabay kunwaring arrange ng unan.
"Eh bakit sumisigaw ka??"-Tita.
"Ako? Sumisigaw? Hahaha kumakanta Lang ho ako."-Sabi ko sabay turo sa sarili.
"Ganun? Ok."-Tita, tapos lumabas na rin s'ya.
Hayss naman oh.
Nakakagigil kasi 'yong bwesit na lalaking 'yon!!
-Kinabukasan sa school-
Boooooriiiiinng~
Tumitingin lang ako dito sa bintana ng room habang hinihintay 'yong first subject na papasok.
Maya-maya pumasok na rin 'yong first subject.
"Good morning class, ah class meron akong ipapakilala sa inyo, he will be your classmate."-Teacher at pinapasok n'ya 'yong bago naming kaklase.
Pumasok Naman 'yong bago naming kaklase and guess what? Umalburoto 'yong dugo ko! Eh kasi sya lang naman 'yong lalaking muntik akong sagasaan!!
"Ok please introduce yourself."-Teacher.
"OMG Ang gwapo."
"Mas gwapo ako d'yan."
Bulungan ng mga classmates ko.
Tss gwapo daw, eh Ang pangit naman duhh! Napa-snob nalang ako.
"Hi everyone, I'm James Ivan but just call me Ivan na lang. ^_^"
"Ok, thank you for introducing yourself, you can now take your seat."-Teacher.
And umupo naman s'ya sa bakanteng upuan sa harap ko.
"Hi ^_^"-pagbati n'ya sa akin.
"Wag mokong kausaping bwesit ka!!"-ako.
"Ha?? Bakit??"-Siya.
"Don't you remember? Ako Lang naman 'yong muntik mong masagasaan kahapon."-Pagtataray ko.
"Ahh hahaha ikaw pala 'yon? Sorry nakalimutan ko na agad."-Siya.
"Yan naman kayo eh mabilis lang makalimot."-Ako.
"Oh haha Hugotera ka pala."-Siya na tumatawa pa.
"Tss."-Inisnaban ko na lang s'ya.
"Ang taray mo Naman haha. BTW, anong pangalan mo? Gusto ko lang makipag-friend."-Ivan.
"As if naman gusto kitang maging friend."-Ako.
"Edi wag, I have many friends noh."-Siya.
"Pake ko?"-Ako.
"Sabagay wala ka namang pakialam"-Ivan tapos tinalikuran ako.
"Hindi naman kasi lahat dapat pikialaman."-Sabi ko.
"Fine, edi walang pakialamanan."-Siya
"Naman, because I don't even need an attention from you. Ok na ako sa mga kaibigan ko."-Ako.
"Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin 'yan, wala din naman akong pakialam sayo."-Ivan.
Siguro kung si CJ nagsabi niyon? masasaktan siguro ako, kaso siya ang nagsabi eh kaya wa pakels ako haha.
Tumahimik na lang ako at nakinig sa lesson na tinuturo ngayon ng guro namin, ayoko ng makipagtalo sa lalaking 'yon, sumasakit lang 'yong ulo ko sa kan'ya haysss.
Pagkatapos ng mahabang oras ay sa wakas uwian na kaya umuwi na ako ng bahay.

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Roman pour Adolescents"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!