Altira's POV
Nandito lang ako sa kwarto ko nakahiga habang iniisip ko pa rin 'yong nangyari kahapon, 'yong nag-away kami ni Alfemie.
Hindi ko akalain na magiging gano'n na s'ya ngayon, kasi I thought na matatanggap n'ya ako bilang kapatid n'ya pero hindi pala. Tapos ngayon she treated me like an enemy.. What am I gonna do?
Hindi ko gusto na mawasak ang pagkakaibigan namin. I don't want our friendship to be over..
Masaya naman kami dati ah? Nagtutulongan pa. Pero sa isang iglap, ang lahat ng aming masasayang alaala.. Mukhang hanggang alaala na lang at hindi na magpapatuloy pa.. I think it is really friendship over na talaga.....
Pero hindi ko gusto na magkagalit kami ni Alfemie.. Ok na sa akin na hindi na kami magkaibigan basta hindi lang kami magkagalit. Kaya kakausapin ko s'ya. Pipilitin kong makausap s'ya.
Bumangon ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa gilid lamang ng kama ko.
Doon ko napansin na umiiyak na pala ako..
Pinahid ko ang mga luha sa pisnge ko.
"Lagi na lang.. Lagi na lang akong malungkot at umiiyak.. Pero ok lang dahil sisiguraduhin ko na ito na 'yong huling iyak ko at hindi na ako iiyak sa mga problema dahil simula ngayon haharapin ko na lahat."-Sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko.
Nadatnan ko si tita sa sala na may kausap sa phone n'ya.
Nang matapos n'yang kausapin ang kausap n'ya sa phone ay napatingin s'ya sa akin.
"oh Altira? Bakit?"-Tanong n'ya sa akin.
"Tita.. May pupuntahan po ako."-Sabi ko kay tita atsaka umalis ng bahay.
CJ's POV
Hayss, grabeh hindi ko akalain na magiging gano'n si Alfemie kay Altira kahapon.. Siguro nga nakuha nga ni dad ang tiwala ni Alfemie.
Pero once na makahanap na si Angelie ng ebidensya, sigurado akong manunumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa..
"CJ, bukas na pala ang alis ko patungong states. Kaso ayokong umalis na magulo ang mga kaibigan ko dito sa Pinas."-Sabi ni Ivan sa akin na katabi ko lang sa sofa.
"Paano na? Eh magkaaway na ngayon si Altira at Alfemie ng dahil sa bw*s*t kong dad."-Sabi ko kay Ivan.
"Kausapin kaya natin si Alfemie?"-Ivan.
"Eh ayaw nga no'n ng kausap."-Sabi ko.
"Edi sapilitan natin s'yang kausapin."-Sabi n'ya.
Oo nga noh, kung hindi madadaan si Alfemie sa simpleng usap lang edi sapilitan.
"Alam mo Ivan, tama ka. At may idea na ako kung paano natin s'ya makakausap."-Sabi ko kay Ivan.
Napangiti lang s'ya.
Nanood nalang kami ng T.V. Maya-maya ay nagvibrate 'yong phone ko.
Kinuha ko 'yong cp ko sa bulsa ng pantalon na suot ko atsaka ko tiningnan kong sinong nag-text, si Angelie lang pala. Binasa ko 'yong tinext n'ya.
"Kuyz, May nakuha na akong ebidensya atsaka natawagan ko rin si kuyz Hanler at sabi n'ya na willing daw s'yang tumistigo laban kay dad once na mahuli na si dad! At sa school ko na ibibigay sa'yo ang nakuha kong ebidensya para hindi malaman ni dad."-Napangiti ako matapos kong mabasa ang text ni Angelie.
Sa wakas may ebidensya na rin laban kay dad.
"Oi CJ, napapangiti ka d'yan?"-Tanong ni Ivan sa akin.
Pero imbis na sagotin ko s'ya ay humingi ako ng favor.
"Ivan, ngayon kailangan ko ng tulong mo."-Sabi ko.
"Tulong? Oh sige. Eh ano namang maitutulong ko?"-Ivan.
"May mga private guards ka bang pwedeng ma-hire?"-Tanong ko kay Ivan.
"Private guards? Hmm..."-Sabi ni Ivan na napapa-isip pa. "Ah! Oo meron, pero si dad lang ang meron pero try kong sabihan si dad kung ok bang sa akin muna magtrabaho ang private guards n'ya."-Sabi ni Ivan sa akin.
"Ok good."-Sabi ko.
"Bakit? Para saan ba 'yong private guards?"-Tanong ni Ivan sa akin.
"To protect us from my dad, especially to protect Altira because I think dad is already making a move right now."-Sagot ko.

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Fiksi Remaja"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!