Altira's POV
Heto na talaga, makikita ko na rin ulit si tita. Sana ok lang s'ya.
Nandito na kami ngayon sa isang lib-lib na lugar and we're heading into the forest, in tagalog, papunta kaming gubat kasi ayon sa investigator, doon daw may dinalang babae na walang malay, kaya papunta kami do'n ngayon.
And 'yong mga pulis na tinawagan namin re-responde na daw mamaya. The heck! Bakit ba 'di na lang agad pumunta ang mga pulis pag-tinawagan?! Well, 'di naman ako pwedeng magreklamo kasi marami din naman silang ginagawa, parang 'yong mga taong manloloko, akala mo ikaw lang 'yong priority hindi pala, may iba palang ginagawa at sa huli magiging option ka na lang..
Well, mabalik tayo. Nakapasok na kami ngayon sa gubat or mas maganda atang tawaging forest.
"Oh guyz, nandito na tayo.. Now, suotin natin 'yong maskara na sinuot natin sa party kanina para kung sakaling may kalaban atleast 'di nila tayo mamukhaan."-CJ.
At agad naman naming sinuot 'yong mga maskara namin.
"Guyzz, sigurado kayo na lulusob tayo? Well, hellow? Hindi tayo marunong makipaglaban."-Alfemie.
"Oo nga. Anong gagawin natin 'pag may makaharap tayong kalaban? Magpapadakip na lang?"-Ako.
"Hindi tayo magpapadakip. As much as possible na kaya nating iwasan ang kalaban iiwasan natin sila basta dapat hindi nila malalaman na nando'n tayo."-Ivan.
"So, parang mag-ni-ninja moves tayo gano'n?"-Maryjoy.
"Oo, parang gano'n na nga."-Ivan.
"Kayo talagang mga lalaki ang hilig n'yo talagang mag-ninja moves lalo na sa mga babae tapos pagnakuha n'yo na ang loob ng mga babae tsaka n'yo lang iiwan na parang wala lang.."-Ako.
"Korek ka dyan Altira! Kaya ikaw Christian kapag natuloy ang kasal natin, try mong iwan ako ng mag-isa gagawin ko talagang miserable 'yang buhay mo!"-Ani Maryjoy kay Christian which is kasama rin namin.
"As if naman matutuloy ang kasal natin, 'di ba nga mag uusap pa tayo bukas pamilya sa pamilya?"-Christian.
"Oo nga, 'yon nga lang kung makakalabas tayo dito ng buhay."-Maryjoy.
"Teka nga Altira, may problema ka ba sa mga lalaki?"-Ivan talking to me.
"Wala naman hehe."-Ako.
"Kasi 'yang hugot mong 'yan para kang iniwan ng lalaki. Well, siguro kaya ka laging nanghuhugot because 'di mo maalala na baka may nang-iwan sa'yo."-Ivan.
"Kung gano'n man, maaalala ko rin s'ya kasi kung may minahal man ako noon na hindi ko maalala ngayon, I'm sure na maaalala ko rin s'ya kasi memories can fade away memories but the heart cannot fade away what the heart desires."-Ako.
"Well, tama na nga 'yan at maghanap na tayo sa possibleng pagtaguan nila sa tita mo Altira."-CJ na nakakunot ang nuo habang lumilinga-linga.
"Ok."-Ako.
William's POV
Papunta ako sa bahay nila Marites ngayon habang nakasakay sa kotse ko. Mag-iiwan ako ng note do'n, ay hindi, mag-iiwan ako ng death threat, sigurado akong pagnabasa ni Altira 'tong death threat ko sa kan'ya, I'm sure hahanapin na n'ya ang mga nawawalang memories n'ya at pag-nangyari 'yon, paniguradong hahanapin n'ya ako at mag-hihiganti s'ya sa pagkawala ng magulang n'ya at 'yon ang gusto kong mangyari, ang mag-tuos kami hahaha.
Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila Marites at papasok na ako.
Sinigurado ko muna kung naka-lock ang pinto. Pinihit ko ang door knob and thankfully bukas ang pinto nila.
Teka.. Bakit bukas ang pinto kung wala namang tao? Bahala na. Pumasok na nga ako nang tuluyan.
Ilalagay ko na sana 'yong papel na may nakasulat na death threat ng may biglang lalaking lumabas sa isang kuwarto na mukhang kasing edad ko lang na may dalang baril na nakatutok sa akin, kaya napataas na lang ako ng dalawang kamay.
"Sino ka?!"-Pasigaw na tanong n'ya sa akin. Huh! Buti naman at 'di n'ya ako kilala. I smirk at him and answered "ako nga pala si William ang 'NAPAKA' matalik na kaibigan ni Marites at ikaw, sino ka?"-Sarkastiko kong sagot sa kan'ya.
Imbes na sagotin n'ya ako ay lumapit s'ya sa akin at dinikit n'ya ang hawak n'yang baril sa nuo ko at tiningnan ako ng masama kaya naman tiningnan ko rin s'ya ng masama.
"Ano 'yang papel na hawak mo?! Ha?!"-Sigaw n'ya sa akin.
"Ahh, ito bang hawak kong papel? Imbetasyon ko lang sana to kay Marites kaso mukhang wala s'ya."-Pag-sisinungaling ko.
Pero sa 'di inaasahan binunlot n'ya ang papel na hawak ko at binasa n'ya ito.
Sh*t! Wala pa naman akong dalang baril ngayon..
habang binabasa n'ya 'yon, kinuha ko sa kan'yang kamay ang baril at tinutok 'yon sa kan'ya. Now it's my turn, I smirk.
Matapos n'yang mabasa 'yon ay nakita kong tinago n'ya ang papel sa bulsa n'ya at tiningnan n'ya ako ng masama.
At parang may binubunot s'ya na kung ano sa likoran n'ya at tinutok n'ya rin sa akin ang isa pang baril na meron s'ya.
Ngayon ay nagtututokan na kami ng baril.
"Aaaaaahhhhhh!!!!!!!"-Sigaw n'ya na nagdulot sa akin ng kaba dahil mukhang mauunahan n'ya akong kumalabit ng gatilyo ng baril.
Kaya kinalabit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko at kasabay no'n ay ang pagkalabit rin n'ya ng gatilyo ng baril na hawak n'ya.
Oh Sh*t!!
At may nakita na lang akong dugo na umaagos sa sahig.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!