Chapter 54

4 2 0
                                    

Altira's POV

Papunta akong park ngayon dahil sa park raw kami magkikita nila Ivan. 'Yon kasi ang tenext n'yang address sa akin at tenext ko rin 'yon kay Alfemie. Sana pumunta din si Alfemie para makamusta na rin namin s'ya. Ilang araw din kasi s'yang hindi pumapasok ng school at lagi rin s'yang wala sa bahay nila everytime I visit her.

Nakarating na rin ako sa tinutukoy na park ni Ivan. Bumaba na ako sa taxi atsaka nagbayad kay manong driver.

Pumasok na akong park. Pag-pasok ko, nakita ko agad sina Ivan at CJ na nag-a-arrange ng mat, 'yong pang picnic ba, magpipicnic daw kasi kami. I don't know kung bakit kaming lahat pinapunta ni Ivan dito.

Lumapit ako sa kanila upang tulongan din silang ayosin 'yong mat.

"Tulongan ko na kayo guyzz."-Sabi ko ng makalapit ako sa kanila atsaka agad na akong tumulong sa kanila.

"Nandito ka na pala Altira. Kamusta ka na?"- pangungumusta sa akin ni Ivan habang ina-arrange na n'ya ngayon ang mga pagkaing dala n'ya.

"I'm doing all good, despite of all the problems that I recently encountered."-Sabi ko kay Ivan.

"I'm sure na kayang-kaya mo 'yan Altira, atsaka kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Tawagan mo lang ako at tutulongan kita right away."-Sabi sa akin ni Ivan.

"How sweet of you Ivan. Alam mo ikaw na yata ang lalaking napaka-sweet sa mga babae. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend mo Ivan dahil magkakaroon s'ya ng sweet na boyfriend someday."-Sabi ko kay Ivan.

"A-ahahahhaha.. Ewan, kung papayagan n'ya akong manligaw sa kanya?"-Ivan.

"So, may nagugustohan ka na palang babae?!"-Tanong ko.

"Y-yeah, meron na akong nagugustohan na babae."-Sabi ni Ivan na medyo namumula pa at nahihiya. Hahaha ang cute lang ni Ivan.

"Ang swerte ng babaeng 'yon. Sana 'di ka e-reject."-Sabi ko na lang.

"I don't think so. Pero sana nga.."-Sabi ni Ivan habang nakatingin sa akin kaya napatingin na lang din ako sa kan'ya.

"Ahh, guyzz? Umupo na tayo. Total it's already arrange naman na eh."-Sabat ni CJ kaya umupo na rin kami ni Ivan.

"Teka.. 'Di ba sabi mo Altira na si Ivan is a sweet guy para sa'yo? So, what kind of guy am I to you?"-Tanong ni CJ sa akin.

Napaisip naman ako do'n sa sinabi n'ya. What kind of a guy is CJ to me?

Napahawak na lang ako sa noo ko at waring nag-iisip ako.

I think CJ is..

"For me CJ, you're the most protective guy for me. Kasi lagi mo kasi akong pino-protektahan whenever I'm in danger. Ginagawa mo ang lahat para lang bumuti ang kalagayan ko at maging safe lang ako lagi. So, thank you for always protecting me CJ kahit na hindi mo naman dapat gawin 'yon."-Sabi ko kay CJ.

"Ahh.. You're welcome Altira, atsaka dapat lang kitang protektahan noh."-Sabi sa akin ni CJ ng may malapad na ngiti.

"Pero thank you talaga to the both of you ni Ivan, and to my other friends also syempre."-Sabi ko ng nakangiti rin.

"Eeeek!! Ang sweet naman ng scene na 'to!"-Rinig kong sigaw ng boses ni Maryjoy kaya napalingon naman kami sa kan'ya. Kasama n'ya pala si Christian.

Umupo na rin silang dalawa katabi namin. Actually pabilog kasi kaming naka-upo.

"Pwede na ba tayong kumain?"-Tanong ni Christian sabay hawak sa tiyan n'ya. Gutom na ata s'ya ahaha.

"Hoy! Ano ka ba Christian! Patay gutom ka ba? :Di ba pwedeng mag-wait-wait ka muna?"-Sabi ni Maryjoy kay Christian sabay pinalo n'ya ito sa balikat.

"Aray! Ano ba! Kaya nga ako nagtatanong kung pwede na bang kumain, 'di 'yong papaloin mo 'ko."-Sabi naman ni Christian kay Maryjoy habang hawak-hawak nito ang balikat.

Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ang cute kasi nilang dalawa.

"You defenitely destined for each other. Bagay talaga kayong maging together sa isa't-isa. Kaya Maryjoy, sagotin mo na 'yang si Christian."-Sabi ko sa dalawa.

"No. Not yet. Not until he is capable to be my boyfriend."-Maryjoy.

"So, hindi pa pala kayo mag-jowa sa lagay na 'yan? Akala ko mag-jowa na kayo?"-Ani CJ.

"Akala ko nga rin eh."-Ani Ivan.

"Mukhang nagkakasiyahan na kayo ah? Mukhang 'di na ata ako kailangan dito."-Rinig naming seryosong boses ni Alfemie kaya agad kaming napalingon sa kan'ya.

Napaka-seryoso n'ya at walang ka-ekspresyon ang mukha n'ya.

"Alfemie. Halika, tumabi ka sa amin."-Sabi ko kay Alfemie sabay tumayo ako at hinila s'ya para umupo katabi namin.

Kaso.....

Tinaboy n'ya ang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

What's wrong with her?!

"Kaya kong umupo mag-isa ok?"-Sabi n'ya sa akin na parang may pagtataray na tono sa pananalita n'ya. Pero hindi ko nalang pinansin 'yon atsaka um-upo na lang rin ako ulit.

What's really wrong with her?!

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon