Maryjoy's POV
Sa wakas ay buo na ulit kaming magkakaibigan and I hope that we will never be apart again..
Masakit kayang mag-hiwalay kayo ng taong mahal mo lalo na at matagal din kayong nagsama.
Haytss, ano ba naman 'tong iniisip ko! Mukhang nahahawa na ata ako kay Altira sa pagiging hugotera!!
Ayy nga pala, matapos kaming mag chitchattan nila Alfemie at Altira kanina eh heto ako, tinawagan ba naman ako ni Christian. Sabi n'ya eh magkita daw kami sa cafeteria ililibre daw n'ya ako haha. Akalain mo 'yon? Marunong palang manglibre ang mokong?
Actually.. I'm starting to fall inlove with him na.. Unti-unti ko na s'yang nagugustohan, siguro dahil he is always being nice to me and not to mention he is starting to be a gentleman person..
Siya kaya? Is he feeling the same way as I do? Well, I hope so, kasi sigurado na ako ngayon na may pag-asa kaming dalawa, na siguro ay we're really destined to each other.
Nang makarating na ako sa cafeteria ay agad s'yang nahagip ng mata ko at agad na rin akong lumapit at umupo kaharap n'ya
At sa table eh may pagkain na s'yang in-order for us.
He ordered me a coffee flavored cake at cappuccino.
"Woah, thank you Christian, talaga ngang tinotoo mo na ilibre ako ngayon."-Sabi ko ng nakangiti at sinimulan ko na ring kainin ang cake.
"Syempre, I like you na eh."-Sabi nito na nagpatigil sa akin.
"Ha?"-Tanong ko kasi I'm not really sure sa narinig ko mula sa kan'ya.
"Ahm.. Hehe kumain na lang tayo."-Sabi lang nito sabay salampak din n'ya ng cake sa bibig n'ya.
-_-
"Christian.. Ano ang sinabi mo?"-Tanong ko in a serious tone.
Napatingin naman s'ya sa akin.
"Hehe.. Ah.. Eh.. W-wala, I only said na thank you at naniwala kang ililibre kita ngayon."-Sabi nito na may pagkahilaw ang ngiti.
-_- <- Ganyan lang 'yong mukha ko oh habang kumakain at nakatingin sa kan'ya.
"R-really nga."-Sabi lang nito na 'di mapakali. Stay put parin 'yong mukha ko sa ganoon.
"Kung ayaw mong sabihin sa akin...."-Sabi ko sabay tumayo ako at lumabas ng cafeteria.
I feel na sumunod s'ya sa akin.
"Sandali lang Maryjoy!"-Sigaw n'ya ngunit 'di ko iyon pinansin.
Hanggang sa he grab my wrist!
"Sandali lang kasi ha..ha..ha."-Hingal na sabi nito sa akin.
"Ano?!"-Naiiritang sabi ko sa kan'ya.
"Ano kasi..."-Sabi lang n'ya na may pag-aalangan pa.
Wala naman pala s'yang sasabihin!
Sapilitan kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya atsaka ko s'ya tinalikoran at nagpatuloy ng lumakad papuntang classroom.
Then out of a sudden.....
"I.... I.... I'm starting to love you Maryjoy!!"-Sigaw nito na nagpalingon sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang pagtitinginan ng mga estudyante sa amin.
Kaya naman nilapitan ko s'ya.
"Ano ba?! Christian?! Hindi ko naman sinabing isigaw mo! Loko ka ba?! Ang sabi ko lang eh sabihin mo lang sa akin hindi 'yong isigaw mo!"-Sigaw ko sa kan'ya.
Pero ang totoo n'yan? I'm really blushing. Kinikilig ako sa ginawa n'ya.
Sino ba naman daw hindi kiligin na isigaw sa harap ng maraming tao na mahal ka ng mahal mo?!
"Hehe, I'm sorry."-Sabi n'ya na napakamot na lang sa ulo
Kaya niyakap ko nalang s'ya
At kasabay ng pagyakap ko sa kanya ay ang pagsigaw naman ng mga students ng..
"Kiss!"
"Kiss!"
"Kiss na 'yan!"
Itong mga tao talaga oo.
"Tara na nga lang Christian, punta na tayo sa room."-Sabi ko na lang.
I'm really blushing talaga kasi. Feeling ko kamatis na ata ang mukha ko ngayon.
Pagpasok namin sa room ay kumakain na pala sila.
"Ok, after you eat class eh magparty games tayo."-Announce ng guro namin.
"Yohoo! Ayos!"-Sigaw naming mga students.
"Ang games na gagawin natin eh by partners at bahala na kayo kung sino ang gusto n'yong pares."-sabi ng guro namin.
"So, sinong partners natin?"-Tanong ko kay Altira.
"Kayo nalang ni Alfemie, Maryjoy na magpartners at kami naman ni Altira ang magkapares."-Sabi ni CJ.
Hmmm, I smell something fishy, I really feel na may gusto 'tong si CJ kay Altira hmm..
"Teka.. Speaking of Alfemie, nasaan ba s'ya?"-Tanong ko.
"Nakita ko na may tumawag sa phone n'ya at saka s'ya lumabas ng room kanina. I don't know kung saan s'ya papunta, ang sabi lang n'ya sa akin eh may aasikasuhin lang daw s'ya."-Sabi ni Altira
"No way.. 'Di kaya..."-Sabi ni CJ na hindi mabasa ang mukha.
"Bakit CJ?!"-Tanong namin ni Altira at Christian.
"We should have to find Alfemie right now!"-Sigaw ni CJ sa amin na may pag-aalala ang mukha.
Ano ba'ng nangyayari?!

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Fiksyen Remaja"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!