Maygan's POV
Papauwi na ako ng bahay ngayon.. At ito, dala-dala ko pa rin ang papel na naglalaman ng resulta ng D.N.A test, sa bahay ko na 'to bubuksan.. Si Altira palang kasi ang may alam sa laman nitong papel at napaiyak s'ya hanggang sa paghatid ko sa bahay n'ya, at ayon, hindi ko na rin naiwasang mapaiyak din. Lalo akong na-curious sa D.N.A test. Umiyak kaya sa saya si Altira dahil nag-positive sa D.N.A? Or umiiyak s'ya dahil nag-negative at hindi pala ako ang totoong ina n'ya? Pero sana s'ya na ang anak ko..
Pumasok na ako ng bahay nang makarating ako. Agad akong sinalubong ng asawa kong si Alfredo sabay hinalikan n'ya ako sa pisnge. Umupo kami sa sofa at nag-usap. Alam kasi ng asawa ko na magpapa-D.N.A test kami ni Altira.
"So, what's the result?"-Tanong ni Alfredo sa akin.
"Hindi ko pa alam, pero bubuksan ko na."-Sabi ko sabay dahan-dahang binuksan ang papel na dala-dala ko.
Laking gulat ko sa resulta. Napayakap nalang ako sa asawa ko sabay hagulgol ng iyak.
"Shhh."-Sabi ng asawa ko sabay himas ng likod ko habang pinapatahan ako.
Its Positive!!
Altira's POV
"So CJ?"-Tawag ko kay CJ na may pagtataka.. Kanina pa kasi s'ya hindi mapakali eh kanina pa s'ya ganyan no'ng kakauwi ko palang.
"Ahh, kasi Altira..."-Hindi pa rin mapakaling sabi ni CJ.
"Iho, meron ka ba talagang sasabihin kay Altira o wala?"-Sabi ni tita Marites kay CJ.
"Meron po. Kung pwede po, gusto ko sanang kami lang dalawa ni Altira ang mag-usap?"-Sabi naman n'ya kay tita Marites.
"Tungkol saan ba ang pag-uusapan n'yo?"-Tanong ulit ni tita.
Nakita kong nagbuntong hininga muna si CJ bago magsalita ulit.
"Oh sige po, sasabihin ko na po talaga."-CJ. Nagbuntong hininga ulit s'ya.
Nagtataka na talaga ako. Ano bang sasabihin ng isang 'to?
"Si dad po kasi... Ano... 'Yong tinutokoy n'yong William noon si dad po 'yon, at si dad may masamang binabalak, gusto n'yang maghiganti sa magulang ni Altira noon, pero dahil napatay na n'ya ang daddy ni Altira, gusto naman n'yang kunin ang lahat ng pagmamay-ari ni Altira na which is nasa mother pa n'ya, at alam kong alam mo na Altira kung sino 'yong mother mo right?"Nagulat ako sa mga sinabi ni CJ.
So it means 'yong si 'W' is 'yong William na tinutukoy ni tita noon?! At dad 'yon ni CJ?! At s'ya din 'yong may ari ng kompanyang binili ni dad noon?! Sinasabi ko na nga ba eh na s'ya talaga 'yong suspect na nagpapatay kay papa sa park! Hindi ko lang kasi kita ang mukha nya noon. Pero ngayon alam ko na! Humanda ka!! Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang lahat ng pag mamay-ari ko at pagbabayarin kita William!!
"CJ! I-harap moko sa daddy mo ngayon din!"-Galit na sigaw ko kay CJ. Nanggigigil na ako ngayon, gustong-gusto ko na s'yang makitang magdusa sa loob ng kulongan!!
"Pero Altira, kung makikipag-kita ka ngayon sa kan'ya ay baka mapahamak ka lang. Knowing dad? He's willing to kill para lang hindi s'ya makulong. Baka patayin ka n'ya Altira. Sariling kuya ko nga kumalas na sa kanya eh gusto na nga nyang patayin ngunit nabigo lang s'ya dahil napigilan ko kahit papaano, at baka pati nga ako pagpa-planuhan na n'ya atang patayin kasi alam n'yang may alam na ako sa mga ginagawa n'ya."-Sabi ni CJ sa akin.
"So anong gusto mong gawin ko ha CJ?! Tutunganga?! Habang ang daddy mo eh malayang-malaya ng nagpa-plano kung paano ako o tayo patayin!! Gano'n ba CJ?!"-This time I burst-out na talaga.
"Hindi naman sa gano'n Altira. We should have to do a plan kung paano tayo makakakuha ng evidence, at 'pag nakakuha na tayo ng evidence then i-pahuli natin si daddy."-Sabi ni CJ sa akin.
"Huh! Hindi gano'n ka-simple 'yon CJ!napakalaking criminal 'yang daddy mo! At alam kong hindi s'ya gano'n-gano'n na lang mahuhuli."-Sabi ko.
"Edi tayo ang huhuli."-Sabat ni tita Marites na nagpalingon sa amin ni CJ sa kan'ya.
"What?! Paano?"-Tanong ko.
"Then we have to make a trap."-Sabi ni tita sa amin.
"Oo nga naman, at isa pa din po pala, si daddy din po ang pumatay sa asawa n'yo po tita Marites."-Sabi ni CJ na nagpagulat sa amin ni tita.
What the heck!!! William humanda ka na talaga!! Pati si tito dinamay mo!!
Magtuos tayo William!!
![](https://img.wattpad.com/cover/200337244-288-k271046.jpg)
BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!