Chapter 26

6 4 0
                                    

William's POV

Nanonood ako ng T.V ngayon habang kumakain ng chichirya.. Medyo hindi pa kasi gumagaling ang sugat ko. Bw*s*t kasi na lalaking 'yon, tsk tsk!!

Habang nanonood ako ng T.V ay may biglang tumulak sa pintuan ng pagkalakas-lakas at iniluwa doon si CJ na parang galit na galit.

"Oh anak? Is there any problem?"-Tanong ko sa anak ko pero 'di n'ya ako sinagot. Nakatingin lang s'ya ng masama sa akin.

Hmm..

Tumayo ako at nilapitan s'ya kahit masakit pa ang sugat ko.. Tinitigan ko s'ya at gano'n pa rin ang hitsura n'ya.

"May problema ba?"-Walang emosyon kong tanong ulit sa kan'ya.

"Sabihin n'yo sa akin, 'yang sugat ninyo saan nyo nakuha 'yan?"-Tanong n'ya sa akin.

Imbes na sagutin ko s'ya, tinitigan ko na rin s'ya ng masama.

"Bakit? Diretsahin mo na ako. Alam kong may gusto kang sabihin sa akin kaya sabihin mo na."-Ako.

"Si tita Marites, kilala mo ba sya?"-Pagtatanong n'ya ulit.

"Oo, tinulongan ko s'ya no'ng nasusunog ang bahay na tinutuloyan n'ya noon."-Sagot ko.

"So ikaw nga."-Ani CJ.

Kumunot ang nuo ko sa sinabi n'yang 'yon.

"Anong ako?"-Tanong ko.

Pero nilagpasan n'ya lang ako at umakyat lang s'ya papunta sa kuwarto n'ya.

Tama nga ako, naghihinala na nga talaga s'ya sa akin.

Pero once na kalabanin nya ako ng dahil kina Marites at Altira, pasensyahan na lang, idadamay ko na s'ya kahit anak ko pa s'ya.


Ivan's POV

Nandito pa rin kami sa hospital ngayon binabantayan si Altira na ngayon ay tulog pa.. Kailan kaya s'ya magigising?

Bakit ba palagi akong ganito pagdating sa kan'ya? Aish! >_<

"Huwag kang mag-alala Ivan sigurado akong magiging ok si Altira ^_^"-ani Alfemie.

"Sana nga."-Ako.

"Hayss, sayang 'di man lang natin s'ya natulongan para bumalik ang alaala n'ya."-Alfemie.

"Oo nga eh.. Pero ok lang naman kasi 'di naman tayo ang makapagbabalik ng alaala n'ya kun'di s'ya mismo pero atleast sinubukan natin noon diba?"-Ako.

"Oo."-Alfemie.

"Salamat sa inyo, sa lahat ng tulong n'yo ha? Mga tunay talaga kayong kaibigan ni Altira."-Sabi sa amin ni tita Marites. Nginitian lang namin s'ya.

"Oh sha, puwedeng dito muna kayo? Bibili lang ako ng pagkain natin."-Ani tita.

"Ok po."-Sabay na sabi namin ni Alfemie.

At lumabas na si tita para bumili ng pagkain.


Marites' POV

Naglalakad lang ako at nagbabakasakaling may makita akong tindahan kaso wala talaga eh, puro restaurant lang ang nakikita ko.

Sa kakatingin-tingin ko, may nakita akong isang babaeng familiar sa akin na papasok sa isang restaurant. Pumasok din ako sa restaurant na pinasukan n'ya.

Pagpasok ko nakita ko s'yang umupo sa isang gilid. Tiningnan kong mabuti kong sino s'ya kaso lagi na lang s'yang nahaharangan ng dumadaang mga waiter kaya 'di ko s'ya masyadong maaninag.

"Ahh ma'am? Is there anything you need?"-Tanong sa akin ng waiter.

"Nothing."-Sabi ko sa waiter.

"Ok."-Waiter at umalis na sya sa harap ko.

Nang tingnan ko ulit 'yong babae, wala na s'ya do'n sa mesa n'ya. Nilinga-linga ko ang paligid hanggang sa nakita ko s'yang papasok sa isang C.R.

Sinundan ko s'ya.

Nang makapasok na ako sa girls comfort room..

Nakita ko s'yang nagreretouch habang tinitingnan n'ya ang kan'yang sarili sa salamin at do'n ay namukhaan ko na s'ya..

"M-Maygan??"-Tanong ko.

Tiningnan n'ya ako.

"M-Marites?"-Siya.


Altira's POV

Nagising ako sa isang kuwarto. Hindi ko alam kung nasaang kuwarto ako.

Bumangon ako. May nakita akong salamin sa gilid ng kama, laking gulat ko ng tingnan ko ang sarili ko sa salamin.

Bakit? A-ano 'to?

Takang-taka ako sa nakikita ko.

Iyong batang babae ang nakita ko sa salamin parang nasa loob ako ng batang 'yon.

O baka naman.....

Siya ay ako? Baka nga, hindi, ako talaga ay siya.

Hindi na ako magtataka kung bakit palagi kong napapanaginipan itong batang babae, 'yon ay marahil ako talaga ang batang babaeng ito.

At itong mga panaginip kong 'to, siguro ito 'yong mga nawawala kong alaala.....

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon