Chapter 48

4 3 1
                                    

Maygan's POV

Papunta na ako sa bahay ngayon nila Altira.. Talagang sasabihin ko na talaga sa kan'ya na ako 'yong totoo n'yang ina..

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa kanila. Kumatok na ako sa kanilang pinto at pinagbuksan naman ako ng pinto ni Marites.

"Oh Maygan? Naparito ka? 'Lika, pasok ka muna."-Sabi ni Marites at pinapasok naman n'ya ako at pina-upo sa sofa.

"Ahh Maygan, bakit ka nanadito?"-Tanong sa akin ni Marites.

"Kasi.. Teka nand'yan ba si Altira?"-Tanong ko.

"Wala. Nasa eskwelahan s'ya, bakit?"-Marites.

"May sasabihin sana ako kay Altira."-Sabi ko.

"Tungkol ba kay Altira? Or tungkol sa'yo ang sasabihin mo?"-Tanong ni Marites na nagpakunot ng noo ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"-Ako.

Pero hindi n'ya sinagot ang tanong ko sa halip ay tiningnan n'ya lang ako. 'Di kaya alam na ni Marites na ako 'yong biological mother ni Altira?

Nagbuntong hininga muna ako atsaka nagsalita ulit.

"I want a D.N.A test. Baka kasi si Altira na 'yong nawawala kong anak. Gusto kong siguraduhin kong s'ya ba 'yong anak ko o hindi."-Sabi ko kahit na siguradong-sigurado na akong s'ya nga ang anak ko.

"Sabi na nga ba eh 'yan ang sasabihin mo, pero tingnan natin kung papayag si Altira."-Marites.

So alam n'ya na anak ko si Altira?! Kasi na predict na n'ya kung anong sasabihin ko kay Altira eh.

"ok, sige, babalik na lang ako mamaya dito para personal na kausapin si Altira."-Sabi ko atsaka tumayo.

Lalabas na sana ako ng pinto ng tawagin ako ni Marites.

"Sandali lang Maygan.. Kung sakaling pumayag si Altira at nagpositive ang D.N.A please :wag mo s'yang ilayo sa akin.. Para kasing anak ko na s'ya eh."-Sabi ni Marites sa akin. Nginitian ko s'ya atsaka tumango.

Lumabas na ako ng pinto at sumakay na ako ng kotse. Pagsakay ko eh nakita ko si Altira na naglalakad sa 'di kalayuan patungo dito sa bahay nila.

Kaya agad akong bumaba ulit sa kotse at agad kong nilapitan si Altira.

"Altira.. Maari ba tayong mag-usap?"-Sabi ko.

"Po? S-sige po."-Sabi ni Altira sa akin

Pumasok kami sa bahay nila at umupo sa sofa.

"Altira 'wag kang mabibigla sa sasabihin ni Maygan ha?"-Sabi ni Marites kay Altira na nasa tabi n'ya lang.

"Bakit po? May nangyari po ba kay Alfemie? Eh kasi hindi po s'ya pumasok ngayong araw eh."-Sabi ni Altira.

Hindi pumasok si Alfemie?! Pero kaninang umaga umalis s'ya ng bahay suot-suot ang kan'yang uniporme at dala-dala ang bag n'ya. So bakit 'di s'ya pumasok? At saan kaya 'yon nagpunta?

Mamaya ko muna iisipin si Alfemie, ang importante muna eh masabi ko kay Altira 'yong kailangan kong sabihin.

"Ahh Altira, hindi ko alam kung nasaan si Alfemie, pero kanina bago s'ya umalis eh nakasuot 'yon ng uniporme at may dalang bag kaya panigurado akong pumasok 'yon."-Sabi ko kay Altira.

"Pero wala nga ho s'ya do'n. 'Wag n'yong sabihin na nawawala si Alfemie?!"-Altira.

"H-hindi ko alam. Ahh Altira, hindi ka ba nagtatanong kung sino 'yong totoo mong magulang?"-Sabi ko.

This is it, sasabihin ko na talaga.

"Nagtatanong din po pero hindi ko na ho maalala 'yong mukha nila eh pero namimiss ko po sila, lalo na si papa."-Mangiyak-ngiyak na sabi ni Altira sa akin.

Niyakap s'ya ni Marites at yumakap na din ako at tumulo na rin ang mga luha ko.

"Ako din namiss ko rin ang papa mo."-Sabi ko.

"Po?"-Takang tanong ni Altira.

"Altira.. Hindi mo na siguro maalala ang mukha ko pero ako 'to si Maygan, ang mama mo."-Sabi ko kay Altira.

Nakita kong nagulat s'ya sa sinabi ko.

"Haha, nagbibiro ho ba kayo?"-Sabi ni Altira na may pekeng tawa.

"Kung hindi ka man naniniwala magpa-D.N.A test tayo."-Sabi ko.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon