Altira's POV
Habang nagbabarilan sila may narinig akong tunog ng ambulansya at police car, siguro may humingi ng tulong. Sa pagdating ng mga 'yon ay natigil ang pagbabarilan nila na
ipinagpapasalamat ko."Itigil n'yo 'yan! Lahat ng armas na hawak n'yo ay bitawan!"-Sigaw ng isang pulis na agad din naman nilang sinunod maski si tita binaba n'ya na rin ang hawak na baril at 'yong mga pulis ay hinuli na sila maliban na lang do'n sa mga namatay, pinasok lang 'yong mga namatay sa ambulansya, nakita kong huhulihin na sana nila si tita ng pigilan ko ito.
"Huwag po mamang pulis! 'Wag n'yo po s'yang hulihin, eala ho s'yang kasalanan, she saved me from those guys na hinuli n'yo po."-Sabi ko kay mamang pulis.
"Oh sige, pasensya na, pumunta na lang kayo do'n sa ambulansya at gamutin n'yo ang mga sugat nyo do'n."-Sabi sa amin ni mamang pulis.
Pumunta naman kami sa isang nurse na nagpre-prepare ng first aid kit at nag-pagamot na kami.
"A-ahm... I-is it already over?"-Tanong ng batang ako kay tita habang ginagamot kami.
"Siguro?"-Ani tita at napakibit-balikat lang s'ya.
Ito na yata 'yong pangyayaring may sasabog ng kung ano...
Bigla akong kinabahan...
"I- I don't think it's really over... Kinakabahan pa rin po kasi ako eh."-Sabi ng batang ako na takot na takot pa rin.
Then bigla na lang kaming may narinig na isang tunog, parang tunog ng bomba.
Sinasabi ko na nga ba!!- Sabi ko sa loob-loob ko.
Then may lumabas na isang lalaki na nakatakip ang mukha at 'yong tunog ay nangagaling sa kan'ya.
Agad namang tinutok ng mga pulis ang mga baril nila sa lalaki.
"Pasensyahan na lang!!"-Sigaw ng lalaki at agad na may pinindot.
Kasabay ng pagpindot n'ya sa bomba ay agad akong hinawakan ni tita at tumalon kami upang hindi kami mabombahan.
Pero sa 'di inaasahan sa pagtalon namin... Naramdaman kong may tumama sa ulo ko. Isang batong malaki... At do'n nawalan na ako ng malay.....
Ibig-sabihin hindi trauma ang dahilan kung bakit nawalan ako ng memorya?
At do'n nakalabas na ako sa katawan ng batang ako.
Pero bakit ganito? Nandito pa rin ako? Bakit hindi pa ako bumabalik sa kasalukuyan?
Wait.. Hindi pa yata tapos.
Nakita kong may isang taong nakakita sa batang ako at kay tita.
Siguro s'ya yata din ang tumawag ng pulis kanina.
"Mga kasamahan tulungan natin sila!!"-Sabi ng lalaking nakakita kina tita na tinatawag ang mga kaibigan yata n'ya.
Samantalang ako dito nakatayo lamang habang pinapanood sila.
Tinulungan nila sina tita at ang batang ako, at iyong iba pa.
Sinundan ko sila kung saan nila dadalhin sina tita.
Dinala nila sina tita sa isang maliit na hospital.
At do'n ginamot na sila ng isang doktor.
pumasok ako kung saan nakaconfine ang batang ako.
Pinagmasdan ko ang mukha ng sarili ko.
Napaka-inosente.. Pero marami ng nangyari sa kan'ya sa murang edad pa lamang.
Napaiyak na lang ako habang pinagmamasdan ko ang batang bersyon ko.
Lumabas ako at tiningnan naman si tita sa katabing room ng batang ako.
Gising s'ya at nagmamakaawa sa isang nurse na tingnan daw ako.
"Please lang naman nurse, titingnan ko lang naman 'yong bata."-Sabi ni tita sa isang nurse.
"Oh sige po, pero saglit lang."-Sabi naman ng nurse at pinasakay si tita sa isang wheel chair.
Pumasok na sila sa hospital room ng batang ako na saktong kagigising lang din ng batang ako.
"Buti naman at gising ka na."-Sabi ni tita sa batang bersyon ko.
"S-sino ho kayo?"-Sabi ng batang ako.
T-teka.. Dito na ako nawalan ng memorya?
Nakita kong napakunot nuo si tita.
"H-hindi mo ba ako nakikilala?"-Tanong ni tita.
Umiling lang 'yong batang ako.
Napansin kong ngumiti si tita ng bahagya.
"Hindi mo na kailangan maalala pa at wala kang dapat na maalala pa."-Sabi ni tita.
"Po?"-Takang tanong ng batang ako.
"Wala.. Ako to ang tita mo Altira, at ikaw na ngayon si Altira Zamora simula ngayon. Ako na ang mag-aalaga sa'yo simula ngayon."-Ngiting sabi ni tita sa batang bersyon ko.
So 'yon pala, kaya pala all this time ang buong akala ko ay isa talaga akong Zamora pero hindi pala.
Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ni tita na maalala ko 'tong mga pangyayaring 'to para hindi na ako magsuffer, para hindi ko na mabalikan ang pait at sakit ng aking nakaraan na dulot lamang ng isang taong nagngangalang William!
After that scene eh unti-unting nanlalabo ang paningin ko at nararamdaman ko ring parang pwersahang hinihila ako....
Naramdaman kong naka-higa ako sa isang malambot na sahig.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.
Mukhang nagising na ako.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!