William's POV
"So dad, bakit n'yo ako tinawagan?"-Tanong ng anak kong si Hanler while we are eating coffee flavored cake here in Starbucks.
"Kaya kita tinawag is because meron akong ipapagawa sa'yo but this time it is not about the child again."-Sabi ko naman. Napakunot naman ang nuo n'ya.
"So who?"-Tanong n'ya.
"This."-Sabi ko sabay may pinakita akong picture.
"Who's this?"-Tanong na naman n'ya while looking at the picture.
"Malalaman mo pagnahanap mo na 'yang taong 'yan."-Ako.
"Hayss, fine."-Hanler.
Then bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Cyber at nakita kong dali-daling itinago ni Hanler 'yong picture sa bulsa n'ya.
"Hi dad & bro."-Pagbati ni Cyber sa amin.
"Oh? What are you doing here?"-Tanong ko.
"Hmmm, drinking coffee?"-Cyber atsaka naman umupo katabi ni Hanler.
"So kuya, nandito ka na pala sa Pinas, 'di mo man lang sinabi sa akin."-Sabi ni Cyber while talking to Hanler.
"Yeah, sorry bro, eh kasi pinatawag kasi ako agad-agad ni dad, so hindi ko nasabi agad sa'yo."-Hanler to Cyber.
"Hmm ok, hmm, may pasalubong ka ba sa amin ni Angelie?"-Cyber.
"Yeah meron, pinadala ko na sa bahay ^_^"-sabi ni Hanler kay Cyber.
"Ok."-Cyber.
"By the way, kamusta naman ang pag-uusap n'yo ng cliente sa Singapore?"-Tanong ko kay Hanler.
"Ayos naman po, and thankfully pumayag na nga s'yang makipag negotiate sa atin."-Hanler.
"That's good, maaasahan ka talaga lagi Hanler."-Ako.
"Ahh dad, 'di naman po sa nangingialam ako pero nakita ko kayo kanina na parang ang seryoso n'yong mag-usap ni kuya."-Cyber said to me.
"Ahh 'yon ba? Meron lang akong important thing na pinagawa sa kan'ya."-Ako sabay nginitian ko s'ya.
Nakita kong napakunot nuo si Cyber.
"Ahh, ok."-Cyber sabay tango pa n'ya.
"Alam mo bro? Kung ano man 'yon, amin-amin na lang 'yon ni dad at 'wag ka nang mangialam."-Hanler.
"'K. Sige dad at kuya, uuwi na ako."-Cyber at tumango lang kami at umalis naman na s'ya palabas ng Starbucks.
"Hanler, if ever na magtanong ulit 'yang si Cyber about sa pinagawa ko sa'yo, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kan'ya 'tong pinag-usapan natin naiintindihan mo?"-Sabi ko sa kan'ya.
"Yes dad."-Hanler.
"Good."-Ako.
Sa nakikita ko kasi mukhang nagdududa na si Cyber sa mga ginagawa ko kaya hanggat nagdududa pa lang s'ya hinding-hindi n'ya pwedeng malaman lahat ng ginagawa ko baka maging magkalaban pa kami at ayaw kong mangyari 'yon at kung mangyari man, pasensyahan na lang dahil hindi ako basta-basta magpapatalo kahit sarili ko ng anak ang kalaban ko.
After naming maubos ang pinagkainan namin ay nagbayad na ako at umuwi na kami ng bahay.
CJ's POV
Nandito ako sa banyo ng kuwarto ko at naligo. Habang naliligo ako naiisip ko kung bakit gano'n kasin-sinan ang pag-uusap nila dad at kuya eh dati hindi naman sila ganoon mag-usap.
Hindi kaya meron silang hindi sinasabi? Meron ba silang sekreto? O baka naman about lang sa company ang pinag-uusapan nila? Kung sa company man 'yon, bakit gano'n sila makapag-usap? Meron bang problema ang company? Kasi sa last check ko sa company eh ayos naman 'yon at ok lang din ang pamamalakad ng company o sadyang meron talaga silang hindi sinasabing sekreto??
Ahh bahala na kung ano man 'yon, 'di ko na problema 'yon.
Ayy, kailangan ko pa palang tawagan si Altira about sa tita n'ya.
Binilisan ko ng maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili at nag-toothbrush, after no'n, ay kinuha ko na 'yong phone ko na nasa drawer ng mini table ko na katabi lang naman ng kama ko then I dial the number of Altira and yes meron na akong number ni Altira ^_^
Marites' POV
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko..
Bakit ganito? Bakit ang alikabok ng paligid? Nasaan ako??
Maglalakad na sana ako ng maramdaman kong nakagapos ang mga kamay ko pataas.
Then I just remember na may kumidnap sa akin na isang lalaki.
I thought that it was just a dream pero hindi! Totoo palang kinidnap ako ng mokong lalaking 'yon! Humanda s'ya pag nakatakas ako dito!
Pero paano ako makakatakas kung ang dalawang kamay ko'y nakagapos?
Katapusan ko na ba? Hindi, hindi ako pwedeng sumuko lalo pa na hindi pa napapasakamay ni Altira ang yaman ng magulang n'ya at hindi pwede makuha 'yon ni William! Kailangang may gawin ako para maprotektahan ko si Altira, kailangang hindi ako sumuko.
Then nakita kong bumukas ang pinto at pumasok 'yong lalaking kumuha sa akin and sa likod n'ya ay may kasama s'yang lalaking hindi ko kilala at mukhang kasing edad lang ni Altira.
"Oii, gising ka na pala."-Sabi sa akin ng lalaking kumuha sa akin.
"Hayop ka!!"-Galit na sigaw ko do'n sa lalaking kumuha sa akin.
"So, ikaw pala 'yong tita ng batang matagal ng pinapahanap sa akin?"-Sabi naman no'ng isa.
"Sino ka ba?!"-Sigaw ko.
At nagkiller smile lang s'ya.
"Malalaman mo rin."-Siya.
Malalaman ko rin raw? Huh! As if naman gusto ko s'yang kilalanin!

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Novela Juvenil"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!