Marites' POV
Papunta na ako sa shop ng kaibigan ko. S'ya kasi 'yong tinawagan ko kanina.
Nang makarating na ako sa shop n'ya ay agad na akong pumasok do'n.
"Oii Marites, ba't ba bigla-bigla ka na lang naghahanap ng armas ngayon?"-Tanong n'ya sa akin habang namimili ako ng armas na pwede kong gamitin laban kay William.
"Alam mo naman 'di ba Denise, na kapag namili ako sa'yo ng armas ibigsa----"-Sagot ko sa kan'ya ngunit hindi ko natuloy dahil sumingit na s'ya.
"Oo na, oo na, dahil may tatapusin ka na namang tao. Pero himala ah, matapos ng mga ilang taon eh ngayon ka lang ulit bumili sa akin ng armas."-Sabi n'ya.
"Oo. Ito, parang gusto ko 'to."-Sabi ko sabay turo ko sa napili kong armas.
"Sigurado ka? Mahal 'tong isang tong napili mo."-Sabi n'ya sabay kinuha n'ya 'yong napili kong armas.
"Basta, 'yan na 'yong napili ko. Kailan ko ba makukuha 'yan?"-Tanong ko.
"Hmm, depende, kasi matagal-tagal din maaasikaso ang mga papeles nitong armas na napili mo para maging lisensyado at 'di ka mahuli. Tatawagan na lang kita 'pag ok na."-Sabi n'ya sa akin. Tumango na lang ako atsaka nag-down ng kalahating bayad.
"Iyong isa pang kalahating bayad sa susunod ko na babayaran 'pag pwede ng kunin."-Sabi ko.
"Tsk, ba't 'di mo na lang kasi buohin ngayon ang bayad."-Sabi n'ya.
"Wala pa akong pera eh, ah basta! Sige, alis na ako."-Sabi ko at umalis na ako do'n sa shop n'ya.
Altira's POV
Ilang ulit na akong nagdo-doorbell sa bahay ni Alfemie pero wala talagang sumasagot.
Nag-doorbell ulit ako.
~Ding dong~ ding dong~
At sa wakas ay may nag-open na ng gate nila. 'Yon nga lang 'yong yaya nila ang nag-open at hindi si Alfemie.
"Bakit po?"
"Ahm, nandyan ho ba si Alfemie?"-Tanong ko.
"Ah eh, kabilin-bilinan n'ya po kasi sa akin na 'wag daw akong mag-papasok ng kahit na sino kahit daw mga kaibigan n'ya."
Sabi na nga ba eh, ayaw n'ya nga talaga ng makausap. Ano bang gagawin ko? Gusto ko s'yang makausap.
Hindi bale na nga. Someday makakausap ko rin s'ya.
"Ok, sige po."-Sabi ko na lang at sinarado na no'ng yaya ang gate.
Aalis na sana ako do'n ng may mag-park ng sasakyan sa harap ko.
Lumabas mula doon sa sasakyan sina CJ at Ivan na kapwa naka black shades pa. Ang cool ng dating nila parang may ide-date.
Iyon nga lang may dala silang....
Lubid?!
Aanhin nila ang lubid?!
"Altira, nandito ka rin pala?"-Sabi ni Ivan sa akin.
"Oo. Kakausapin ko sana si Alfemie kaso ayaw akong papasukin eh."-Sabi ko.
Napa-smirk naman sila
"As expected. Hindi nga s'ya madadaan sa simpleng usapan kaya idadaan namin sa pwersahan."-Sabi ni CJ.
"Hoy hoy hoy! Anong gagawin n'yo kay Alfemie?! Anong pwersahan?!"-Sabi ko na agad kong hinawakan ang mga kamay nilang may bitbit-bitbit na lubid.
"Altira, wala kaming gagawing masama, kakausapin lang naman namin si Alfemie eh."-Sabi ni CJ.
Tsk, ang mga 'to talaga!!
"Saan ba tayo dadaan CJ?"-Sabi ni Ivan kay CJ.
"Sa sala nila tayo dadaan. Wasakin natin ang bintana doon at doon tayo lulusot para makapasok sa sala ng bahay nila at para makausap na si Alfemie."-Sabi naman ni CJ.
Ano 'tong mga 'to?! Para silang magnanakaw sa gagawin nila haytsss!! Sakit sa ulo 'tong mga 'to!
"Altira, mag-bantay ka lang dyan at siguradohin mong walang taong makakakita sa aming pumasok."-Utos ni CJ sa akin.
At talagang dinamay pa ako sa kalokohan nila!!
Napahawak na lang ako sa noo ko. Damn them!!

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!