Alfemie's POV
"Dyan ka!"-Sigaw ni William sabay tinapon n'ya ako sa isang silid atsaka lumabas at narinig kong ni-lock n'ya ang pinto.
Kinulong n'ya ako!!
Lumapit ako sa pintuan at pilit kong binubuksan. "Pakawalan mo ko dito William!!"-Sigaw ko pero walang nakarinig.
Sh*t that William!
Maya-maya lang ay narinig ko ang boses ni tita Marites at narinig ko ring may nagkalas ng baril.
Si tita kaya ang nagkalas ng baril?
"Hoy! William! Nasaan si Alfemie?! Sagot!"-Rinig kong sigaw ni tita sa labas.
"Haha, si Alfemie? Kinulong ko muna, I mean hindi ko na talaga s'ya papakawalan."
"Hayop ka! Sabing nasaan si Alfemie!kun'di ipuputok ko 'tong baril sa ulo mo!"
Tama nga ako na si tita Marites ang nagkalas ng baril.
"Sige, iputok mo lang! Hindi ako natatakot sa'yo Marites, dahil kapag pinatay mo ako hindi mo na makukuha ang tamang hustisya para sa asawa mo at 'di na rin makukuha ni Altira ang tamang hustisya para sa daddy n'ya, kaya kung ako sa'yo iputok mo na 'yang baril sa akin para lahat tayo magdusa!"
"Hayop kaaaaaaaaaa!!"-Rinig kong sigaw ni tita at kasabay din no'n ay ang pag alingaw-ngaw ng putok ng baril.
"A-anong nangyari?"-Kinakabahan kong sabi sa sarili ko. Hindi ako mapakali dito.
"Titaaaa!!"-Rinig kong sigaw nila CJ.
"Hanapin n'yo si Alfemie dali! Ako ng bahala kay tita."-Rinig kong sabi ni CJ.
Si tita? S'ya ba ang tinamaan ng baril? Akala ko s'ya ang nagpaputok ng baril? Kung ganoon, nasaan si William?!
"Guyz!! Nandito ako sa loob *sob!!"-Naiiyak na sigaw ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko, natatakot ako na kinakabahan.. Ewan, hindi ko ma-describe ang nararamdaman ko. Parang magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon..
"Guyzz!!"-Sigaw ko ulit.
"Alfemie?"-Rinig kong boses ni Altira.
"Altira, nandito ako sa loob!"-Sigaw ko sabay tinadyakan ko ang pintuan para malaman n'ya kung nasaan ako.
"T-teka lang Alfemie!"-Sabi ni Altira at rinig kong parang pilit n'yang binubuksan ang pintoan.
"Ayaw bumukas."
Altira's POV
"Ayaw bumukas."-Sabi ko na pilit ko pa ring binubuksan ang pintoan.
"H-hindi n'yo talaga 'yan ma-mabubuksan! Dahil k-kailangan n'yo munang kunin mula sa akin ang susi!"-Sigaw ni William at dahan-dahan s'yang tumayo at tinakpan ang sugat nito gamit ang kamay.
"Hayop ka William! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay tita!"-Sigaw ko.
"Dapat lang 'yon sa kan'ya! Binaril n'ya ako kaya binaril ko rin s'ya gamit ang dala ko ring baril."-Sabi nito sa akin.
"Dad! Pwede ba tama na?!"-Sigaw ni CJ.
"Tama na? Hindi! Kailangan kong mabawi mula sa kanila ang lahat ng kinuha ng tatay ni Altira! At para magawa ko 'yon, kailangan ko s'yang patayin! Kaso lang nangialam kayo kaya damay-damay na'to!"-Sigaw n'ya at may kinuha s'ya sa bulsa n'ya na kung ano.
At pipindutin n'ya na sana ito.....
Nang biglang sumigaw si CJ. "Dad!waaaaag!"
At bigla nalang kami nakarinig ng sunod-sunod na pagputok.....
Maygan's POV
Umiinom lang ako ng tubig ng biglang madulas ang basong hawak ko at nabiyak ito.
Kinabahan ako bigla at napahawak agad ako sa dibdib ko.
"Ano 'to? 'Di kaya may masamang nangyari?!"-Sabi ko sa sarili.
"Oh baka naman wala lang?"-Sabi ko ulit sa sarili.
Dahil sa hindi talaga ako mapakali ay tinawag ko ang asawa kong nanunood ng telebisyon.
"Hon, kinakabahan ako."-Sabi ko.
"Bakit naman?"
"Feeling ko may masamang nangyari pero hindi ko lang matanto kung ano. Hon? Pwedeng tawagan mo si Alfemie? At tatawagan ko naman si Altira."-Sabi ko at kinuha ko ang phone ko sa bulsa.
"Hon, nasa christmas party ang dalawa, walang masamang mangyayari sa kanila."-Sabi lang ng asawa ko.
"Pero hon please, gusto ko lang makasigurado na walang nangyari sa kanila."-Sabi ko at kinuha naman nito ang phone sa bulsa n'ya.
At ako naman ay dinial ko ang number ni Altira.
Kriing~ kriing~
Kaso walang sumagot. Dinial ko ng paulit-ulit ang number ni Altira kaso hindi talaga s'ya sumasagot.
"Hindi sumasagot sa tawag ko si Altira, si Alfemie ba?"-Tanong ko.
"Hindi din sumasagot hon. Nagsisimula na rin akong mag-alala."-Sabi ng asawa ko.
"Tara, puntahan natin sila sa school."-Sabi ko at tumayo na kami mula sa aming kina-uupoan at aalis na sana ng marinig namin ang balita sa T.V.
"May apat na sugatang tao ang natagpuan dito sa isang constraction building at isang nag-aagaw buhay. Kasalukuyan silang dinala sa kalapit na hospital."-Sabi ng isang reporter.
Nakita namin sa balita na may mga sugatan nga at 'yong building eh nadurog at may kunting apoy pang nakasindi.
Hanggang sa nakita namin si Alfemie na bitbit-bitbit ng mga nurse! At pinasok s'ya sa ambulance at ang iba eh hindi na namin nakikita dahil natatakpan ng ibang mga reporters.
"Hon! Si Alfemie 'yon!"-Sabay naming sigaw.
At dali-dali kaming lumabas at pinuntahan agad ang malapit na hospital doon
Alfemie anak...
"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa anak ko!!"-Galit na sigaw ng asawa ko habang nagmamadaling nagmaneho.
Hintay lang Alfemie, papunta na kami ng papa mo anak...
"Sana maging ok ka lang anak."-Sambit ko at tuloyan na ngang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.....

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Genç Kurgu"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!