Chapter 46

4 3 0
                                        

Hanler's POV

"Soo.. Kaya pala ganito lagi s'ya kay Altira para lamang makaganti at makuha lahat ng mana ni Altira."-Sabi ni CJ.

"Oo, kaya dapat pro---"-naputol ang sasabihin ko ng may kumatok.

Bigla akong kinabahan sa kung sinong kumakatok.

"C-CJ d'yan ka lang."-Sabi ko kay CJ atsaka tumayo at lumapit sa pinto.

"Kuyz, b-baka si dad 'yan."-Sabi ni CJ.

Pinihit ko na 'yong doorknob at binuksan ang pinto.

At laking gulat ko ng itutok ng taong ito ang baril sa noo ko.

"Idiot."-Sabi n'ya atsaka kakalabitin na n'ya sana ang baril ng bigla itong tinapik ni CJ ng malakas.

"Dad, tama na!!"-Sigaw ni CJ kay dad.. Ngunit ngumiti lang si dad.

"So alam mo na pala ang lahat CJ."-Sarkastikong sabi ni dad.

"Oo, alam ko na ang lahat. Kaya ipapakulong kita dad."-Galit na sabi ni CJ.

"Kung gano'n.. Papatayin ko nalang kayong dalawa."-Sabi ni dad at aakma na sanang kukunin ni dad ang baril sa sahig ngunit naunahan ko s'ya at tinutok ko iyon sa kan'ya.

"Sige.. Patayin mo kami, kung mapapatay mo kami, gayong nasa akin ang baril mo."-Sabi ko.

"Sige, iputok mo 'yang baril upang hindi na makakuha si Altira ng tamang hustisya dahil pinatay n'yo na ako."-Dad na may pangiti ngiti pa.

"Bw*s*t ka talaga dad."-Galit na sabi ko at ibinaba ko nalang ang baril.

"Sa susunod, mag-isip muna kayo bago n'yo 'ko kalabanin."-Dad at umalis naman na s'ya.

Sh*t!!


Altira's POV

Naglilinis ako ngayon sa labas ng bahay ng makita ko si Alfemie na papunta rito at umiiyak. Lumapit s'ya sa akin.

"Alltira, *sob anong gagawin ko? *Sob."-Alfemie na umiiyak.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?"-Tanong ko at pumasok muna kami sa loob ng bahay at pina-upo ko muna s'ya sa sofa.

"N-narinig ko kasi sina mom na nag-uusap *sob."-Alfemie.

"Oh tapos?"-Ako.

"Narinig ko sa kanila na ampon lang daw ako. Altira anong gagawin ko?"-Alfemie.

"Una, 'wag kang umiyak, pangalawa, kausapin mo ang mga mgaulang mo, at pangatlo kung ano man ang sasabihin nila ay kailangan mo 'yong tanggapin. Dahil ampon ka man nila o hindi alam kong alam mo sa sarili mo na mahal ka nila kahit sino ka pa."-Sabi ko kay Alfemie.

"Pero what if sabihin nilang oo ampon ako? Baka hindi ko kayanin."-Alfemie.

"Ano ka ba naman Alfemie, kaya mo 'yan, atsaka isa pa magulang mo 'yon. Sila ang nag alaga sa'yo simula bata ka pa, kaya umuwi ka na at kausapin mo sila. Mabuti ka pa nga may mga magulang samantalang ako wala na, si tita Marites nalang."-Sabi ko.

"Ok. Salamat Altira."-Sabi ni Alfemie sa akin sabay tayo n'ya at umalis.

Pag-alis n'ya eh pinagpatuloy ko na ulit ang pag-wawalis sa labas.


Alfemie's POV

"Ahh mom, 'di ba po may sasabihin kayo sa akin?"-Tanong ko agad kay mom ng nakauwi na ako kahit na nag-aalinlangan pa ako.

"Wala na 'yon anak, kalimotan mo na 'yon."-Sabi ni mom sa akin pero kitang-kita ko sa mga mata n'ya na talagang may gusto talaga s'yang sabihin sa akin.

"Mom, please sabihin n'yo na, gusto ko kasing marinig mula sa inyo mismo ngayon ang narinig kung pinag-uusapan ninyo ni dad na isa lamang akong ampon. Ano? Mom? Totoo ba na ampon lang ako?"-Naluluhang sabi ko kay mom na nag-pagulat sa kan'ya.

Nakita kong nagbuntong hininga muna s'ya 'tsaka s'ya nagsalita.

"Hindi kita totoong anak pero totoong anak ka ng dad mo pero sa una n'yang asawa.  Napaka bata mo palang no'n ng makilala ko ang daddy mo. Maaring hindi mo na 'yon maalala dahil sobrang bata mo pa no'n. Sinabi ng dad mo sa akin na anak ka n'ya sa una n'yang asawa pero kahit gano'n, pinakasalan ko pa rin ang daddy mo at tinuring kitang totoo kong anak Alfemie."-Pag-e-explain sa akin ni mom.

"So nasaan ang totoo kong mommy?"-Tanong ko.

"Hindi ko alam."-Sabi ni mom.

"kayo ho ba, may totoo ba kayong anak?"-Tanong ko.

"Oo, meron din akong anak, 'yon nga lang nagkahiwalay kami dahil sa matinding nangyari sa amin no'n ng aking anak at ama n'ya. Namatay ang una kong asawa dahil nabaril s'ya no'n at simula no'n, nagkahiwalay na kami ng anak ko pero ngayon nakita ko na s'ya ulit."-Sabi ni mom.

"So ngayon, nakilala n'yo na ba s'ya? Anong pangalan na po ngayon ng anak n'yo?"-Tanong ko.

"Actually, bestfriend mo nga s'ya eh."-Sabi ni mom na nagpakunot ng noo ko

Bestfriend ko s'ya? So its either Maryjoy or it maybe......

Altira?

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon