Chapter 30

3 3 0
                                        

Altira's POV

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay lumilindol?

"Hey.. Wake up, are you alright?"-Boses ng babae ang narinig ko. Mukhang ginigising n'ya ata ako, kaya pala parang lumilindol kasi niyu-yogyog n'ya pala ako para magising.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko 'yong babae na mukhang si tita Marites o baka naman siya talaga si tita Marites.

Gustong-gustong sumigaw itong batang ako dahil sa sobrang takot pero hindi ako makasigaw dahil may nakatakip pala sa bibig ko at naramdaman ko ring nakagapos pala ako habang naka-upo sa kahoy na upuan at nakita ko rin ang katawan ko na may mga pasa at mga sugat.

"Bata.. 'Wag kang mag-alala, itatakas kita dito, basta ipangako mo sa akin na hindi ka mag-iingay ok?"-Sabi ni tita Marites.

Sigurado na ako ngayon na s'ya si tita Marites ngunit sa panahon na ito isa lang s'yang dalaga at mukha ring dalaga. Ibigsabihin si tita pala ang nagligtas sa akin? Kaya pala nasa puder n'ya ako hanggang ngayon? pero paanong nasangkot s'ya sa mga gulong 'to?

Ito siguro ang tinatago ni tita, Ito sigurong pangyayaring 'to ang tinatago ni tita sa akin para hindi ko na mabalikan pa, pero bakit gano'n? Bakit hindi n'ya sinabi sa akin itong pangyayari noon?

Sino ba talaga ang nasa likod ng mga pangyayaring 'to? 'Di kaya 'yong William ang may dahilan ng lahat ng 'to?

Sa oras na magising na ako sa totoong buhay, aalamin ko na ang lahat.

Nagdadalawang-isip man ang batang ako sa tanong n'yang 'yon ay tumango na lang ako bilang sagot, wala naman kasing makakatulong sa akin dito kun'di s'ya lang.

Kinalagan n'ya ako mula sa pagkakatali at kinuha ang nakatakip sa bibig ko.

Pilit kong hindi umiyak kahit gustong umiyak ng batang ako para ng sa gano'n ay makatakas kami, baka kasi marinig kaming tumatakas at mahuli ulit kami.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at dahan-dahan n'yang binuksan ang pintuan. Nang mabuksan ay lininga-linga muna n'ya ang paligid kung meron bang tao.

Nang mapagtanto n'yang walang tao ay lumakad na kami ng mabilis at diretso, walang kumikibo ni isa sa amin.

Hanggang sa may sumigaw na lalaki na mukhang nakita yata kami.

Kumakabog ang dibdib ko, kinakabahan ako.

Huminto kami saglit at lumingon.

"Hoy! Saan kayo pupunta?!"-Sigaw ng lalaki na tinuturo-turo pa kami.

Agad kaming tumakbo palabas.

"Mga kasama nakatakas sila!"-Sigaw n'ya ulit sa kan'yang kasamahan.

Ramdam ko na hinahabol nila kami.

Buti na lang at medyo malayo na kami sa kanila.

Ivan's POV

Habang hinihintay namin si tita Marites na bumalik dito sa room ni Altira dito sa hospital at ay bigla na lang inatake si Altira, basta bigla na lang s'yang nag-shiver.

Napatayo kami agad ni Alfemie at hindi alam ang gagawin.

"Alfemie! Tumawag ka ng doctor dali!"-Pasigaw kong sabi kay Alfemie. Natataranta na ako.

Lumabas naman si Alfemie at kasabay no'n ang pagpasok ni tita na may dalang pagkain.

Nabitawan ni tita ang dala n'ya at agad na napalapit kay Altira.

"Anong nangyayari kay Altira?"-Nag-aalala n'yang tanong sa akin.

"I don't know tita, bigla na lang s'yang nagkaganyan."-Sabi ko.

Dumating naman na si Alfemie at ang doctor kasama ang mga nurse.

Chineck ng doctor si Altira at sinakay nila si Altira sa isang hospital bed na may gulong, I don't know what's that thing called.

"Kailangan ho namin s'yang dalhin sa emergency room."-Ani ng doctor sa amin.

"Mag-hintay na lang ho kayo sa labas ng emergency room."-Sabi naman ng isang babaeng nurse sa amin.

"I hope Altira would be fine."-Nag-aalalang sambit ko nalang.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko gamit ang dalawang palad ko.

"Besty magpagaling ka."-Rinig kong sabi ni Alfemie.


Hanler's POV

Nasa loob ako ng kotse ko ngayon habang tinitingnan ko ang isang bahay.

Sigurado akong ito na 'yong bahay ng babaeng nasa picture na pinapahanap sa akin ni dad.

Kinunan ko 'yon ng picture sa phone at sinend ko 'yon kay dad.

At mas lalo ko pang nakompirma na bahay 'yon ng taong pinapahanap sa akin ni dad dahil pumasok lang naman 'yong babaeng nasa picture sa loob ng bahay na ito.

Kinunan ko rin s'ya ng litrato sa phone habang papasok s'ya ng bahay na 'yon and syempre sinend ko rin 'yon kay dad.

"Great job Hanler."-Nasabi ko sa sarili ko at napa-smirk nalang ako.

Altira HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon