Alfemie's POV
"Ano ba! Pakawalan n'yo nga ako!"-Sigaw ko sa dalawa habang ginagapos nila ako sa study chair ko gamit ang dala nilang lubid.
"Ngayon, mag-usap na tayo."-Sabi ni CJ matapos nila akong igapos.
"Fine! Oo na! Oo na!mag-usap tayo!"-Sigaw ko.
"Ok, first ba't ka ba galit na galit ngayon kay Altira? Eh wala naman s'yang ginawang masama sa'yo?"-Tanong ni Ivan sa akin.
"Eh kasi.. Natatakot akong mawala si mom sa akin at mapunta lahat ng atensyon n'ya kay Altira."-Malungkot na sabi ko sa kanila.
"Bata ka ba Alfemie? Para 'yon lang nagalit ka na kay Altira? Ayaw mo no'n magkapatid pala kayo."-Sabi ni CJ.
"At hindi mo ba naisip na maaring tumira na kayong magkakasama ni Altira dahil isa na rin s'ya sa family ninyo."-Sabi naman ni Ivan na lalong nagpalungkot sa akin.
Yeah, tama si Ivan. Knowing my mom hindi 'yon s'ya basta mang-iiwan so probably baka nga patirahin n'ya dito si Altira at 'yong tita n'ya. Ba't ba hindi ko 'yon naisip? At si Altira, I know she will be a good sister to me. Siguro nga tama si CJ, baka nga I'm being childish.
"Tama kayo, siguro nga nagiging childish lang siguro ako at naging selfish pero natatakot pa rin ako na baka mapunta lahat ng atensyon ni mom kay Altira knowing na napakatagal nilang hindi nagkita."-Sabi ko na tumulo na talaga ang mga luha ko sa mata.
"Don't be afraid Alfemie, si Altira 'yon, napakamatalik mong kaibigan, at alam natin na si Altira eh hindi isang selfish na tao."-Sabi ni CJ.
"Alam mo, humingi ka ng tawad kay Altira at tulongan na rin natin s'ya i-solve lahat ng problems n'ya."-Sabi naman ni Ivan. Napangiti ako at pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko atsaka tumango sa kanila.
"Oo, hihingi ako ng tawad at simula ngayon I will never doubt to her na at pagakakatiwalaan ko na s'ya, after all, she's my bestfriend at ayokong magiba ang friendship namin dahil do'n."-Sabi ko ng nakangiti.
"Ok. Why don't you apologize to her right now?"-Sabi ni CJ sa akin.
"Huh? Bakit? Nandito ba si Altira?"-Tanong ko at tumango naman silang dalawa.
Kinalagan nila ako sa pagkakatali. Tumayo na ako at sila naman ay bumaba mula sa bintana
Haha, 'yong mga 'yon talaga sa bintana talaga bumaba. Well, kasi kung bababa sila sa hagdan eh baka mapagalitan sila ni dad, mahirap na.
Lumabas na rin ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan at lumabas ng bahay.
Paglabas ko eh saktong nando'n na si Ivan at CJ sa gate. Binuksan ko 'yong gate at lumabas kami.
Altira's POV
Ang tagal naman lumabas nila CJ. Naiinip na ako dito.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pag bukas ng gate at lumabas mula doon sila CJ, Ivan, at....
Alfemie!!
Hinag ko agad si Alfemie at napaiyak na rin ako sa tuwa. Sa wakas ay nayakap ko rin s'ya, ang bestfriend ko. Ang bestfriend kong napaka importante sa akin na ayokong mawala dahil 'yong mga bestfriend ko ay pamilya ko na rin at ayokong mawala 'yon at ayokong maging Friendship over kami.
"Altira, I'm so sorry sa lahat, 'yong nagalit ako, 'yong hindi kita kinausap, 'yong pagbabalewala ko sa inyo ni Maryjoy, I'm so sorry talaga haaaa....."-Umiiyak na sabi sa akin ni Alfemie.
"Ok lang, ok lang Alfemie, ang importante we're bestfriends again! At ang magbestfriends eh nagpapatawaran. At normal lang naman sa mag bestfriends na mag-away eh dahil kung walang away eh hindi malalaman kung gaano katatag ang mga magkakaibigan."-Sabi ko at hinag ko s'ya ulit.
"Yeah true, but really, I'm so sorry Altira."-Sabi n'ya.
"Ahm Altira, bukas gusto ko sana na sabay na tayo ulit ni Maryjoy pumuntang school bukas kasi total christmas party na natin."-Sabi ni Alfemie sa akin na nginitian at sumang-ayon naman ako sa kan'ya.
"At after sa inyong christmas party, eh magpaparty din ako kasi tomorrow evening na kasi ako aalis patungong state at bukas din sasabihin ko sa inyo kung sino ang babaeng nagugustohan ko."-Sabi ni Ivan.
"Eh?! May nagugustohan ka na palang girl?!"-Gulat naming sigaw ni Alfemie kay Ivan. Napakamot na lang sa ulo si Ivan.
"Hehe oo."-Sabi ni Ivan.
"Hmm, sino kaya 'yong girl na 'yon Ivan?"-Curious kong tanong kay Ivan.
"Malalaman n'yo rin bukas."-Sabi lang ni Ivan.
Tsk -_-

BINABASA MO ANG
Altira Hugotera
Teen Fiction"Altira" Ang babaeng bitter na hugotera pa pero bakit nga ba sya ganyan? meron kayang nangyari sa buhay nya Kung bakit sya ganyan?? well, let's find out!!