Pagkarating nila sa Urdan agad binalikan ni Braile si Macoy habang ang ang iba ay nasa kanya kanyang tulogan.
"Bro asan na si Cheska? Kumain na ba siya.....ang ibig kong sabihin ang mga medical team?palusot ni Braile sa mga kasamahan upang hindi siya mabisto kung anong ang tunay niyang pagtingin kay Cheska.
"Bro palusot pa more. Bro alam namin na may gusto ka na kay Cheska. At sa tanong mo kumain na silang lahat at si Cheska at si Dianne andon nagtritraining."paliwanag ni Jeff.
"Tara bro punta tayo don. Gusto kong malaman hanggang saan lakas at galing nila."sambit ni Macoy.Pagkarating nila doon napanganga sila sa galing ni Dianne at Cheska sa pakikipaglaban gamit ang kamao, arnis, espada, baril, patalim, at marami pang iba. Hindi nila inaasahan na ganon kagaling sa pakikipaglaban ang dalawa.
"Ang galing nila Bro."manghang manghang sabi ni Macoy na halatang hindi makapaniwala sa galing nila.
"Hindi lang magaling maganda pa. Walang kaduda duda kung marami na silang na tapos na misyon ngayon na iintindihan ko na sila General kung bakit sila ang isinama sa grupo natin."sambit ni Braile na titig natitig kay Cheska.
"Oo nga bro. Magaling at maganda sila. Di mo nga matangal ang tingin mo kay Cheska e."panunukso ni Macoy kay Braile. Sinabayan naman ito ng nakakalokong ngiti ni Jeff kaya agad umiwas ng tingin si Braile kay Cheska.
"Tigilan niyo yan may girlfriend ako siya ang mahal ko."depensang sagot ni Braile.
"Bro alam namin na crush mo si Cheska walang masama sa pagkakaroon ng crush sa kanya. Crush is just paghanga."sambit ni Macoy pero ang mukha ni Braile ay gulong gulo na dahil mahal niya ang girlfriend niya pero hindi niya din alam kung pagkagusto lang ba talaga ang tingin niya kay Cheska o higit na ito dahil sa halos araw araw na pagsasama nila ay hindi niya ipagkakaila pa na nagkakagusto na siya sa dalaga.
"Ikaw na mismo nagpapakita saamin ng kahulugan na sinambit mo kanina na nahuhulog na yang puso mo kay Cheska. Bro tayo tayo lang ang naguusap. Umamin ka na. Mahal mo na ba si Cheska? Siya na ba ang nasa puso mo?"panguusisang tanong ni Jeff dahil alam ng grupo nila liban kay Janine na nagkakagusto na si Braile sa kanya.
"Bro sa totoo lang gulong gulo nako. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko bro. Ayokong saktan si Janine pero iba na ang pagtingin ko kay Cheska. Ayokong magaway yung magkapatid ng dahil sakin."naguguluhang sagot ni Braile.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Don Ramon may ibabalita po ko sa inyo na siguradong ikakatuwa nyo."masayang sambit ni Tommy.
"Siguraduhin mong maganda ang sasabihing mong yan dahil pagod nakong marinig yang katangahan niyong lahat!!"sigaw na galit ni Ramon.
"Bakit papa anong mayroon? Bakit galit ka pa?takang tanong ni Amy.
"At talagang di mo alam! Masasaktan na sana ng isa sa mga tauhan natin ang bunsong anak ng mga Imperial pero hindi mo na natuloy dahil mayrong na ka palibot na militar. Akala ko ba na espiya ka sa loob ng bahay ng mga Imperial bakit di mo alam na may iniwan ang task force nila na dalawang asungot. Di mo alam o nagtatanga tanghan ka. Huwag kang babalik doon dahil kumanta na ang tauhan natin ng dahil sa takot yung tauhang na huli nila!!!"galit na sigaw nito
"Papa may good news ako sayo."sambit ni Lilybeth na paparating.
"Siguraduhin niyong good news yan kung hindi!"babala ni Ramon.
"Ako papa sa pagmamatyag ko sa Task Force na pag alaman kung mahal ni Braile si Cheska ang anak ni Richard at Esmeralda at sigurado ko na pagnakaabot ito kay Janine. Alam kung magkakagulo ang dalawang pamilya."masayang sambit ni Tommy.
"Alam ko yan. Ipagpatuloy mo ang pagmatyag sa kanila lalong lalo na si Braile at Cheska videohan o kuhanan mong litrato kapag magkasama ang silang dalawa. Tutulungan si Richard at Valencia sa pagisip ng paraan para mapaghiwalay natin si Braile at Janine."tumatawang sambit ni Ramon.
"Akala ko ba hindi mo na mahal si Esmeralda bakit kailangan mong tulungan sila?takang tanong ni Amy.
"Bobo ka ba ate o nagtatanga-tanghan ka lang o tangang bobo. Siyempre kung mas lalong magkakahulugan yung loob ng dalawang yun at malaman ni Richard at Esmeralda hindi silang magdadalawang isip na ipakasal silang dalawa kahit pa masasaktan si Janine at kapag nabuntis si Cheska at nalaman ni Janine at malalaman din nila ang totoong pagkatao ni Janine sigurado akong magkakagulo at doon tayo papasok para patayin sila habang watak watak sila."nakamgiting paliwanag ni Lilybeth.
"Tama ka. Kaya ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Siya nga pala Lilybeth anong balita mo samin?"tanong ni Ramon kay Lilybeth.
"Kung nagalit kayo dahil hindi nasaktan si Xiammara Imperial maaring si Conchita Aguas ang saktan natin dahil uuwi si Conchita Aguas at private airplane ang gagamitin niya pwede natin ipasabog ang sinasakyan niya o ipakidnap para iparadam sa kanila na mali ang binabangga nila. Sa susunod na linggo ang dating niya. "sambit ni Lilybeth
"Magaling ipakidnap yang matandang yan."sambit ni Ramon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nauna ng magpahinga si Dianne at Cheska pagkatapos nilang magtraining."Bes may tinatago ba kayo ni Braile samin na dapat kong malama?"tanong ni Dianne kay Cheska.
"Wala. Magkaibigan lang kami non no. Wag mong lagyan ng malisya ang pagiging close namin sa isa't isa."sagot ni Cheska"Bes okay lang kung magkagusto ka akala niyo ba di namin na papansin ang titigan niyo. Alam ng boung grupo kung anong meron sa inyong dalawa."sambit ni Dianne kay Cheska.
"Hindi pwede bes boyfriend ng kapatid ko siya kaya di pwede ang iniisip mo. At kung ano man ang meron samin hanggang don na lang yun habang hindi pa mas lalong lumalalim kung anong meron kami."sambit ni Cheska.
"Anong gagawin mo? Iiwasan mo, maiiwas mo man yang sarili mo sa kanya pero yung puso mo hindi mo ma ideny dahil ideny mo man yan mahal mo na siya. Dzaii kung ako umamin ka na dahil alam namin na ganyan din ang nararamdaman ni Braile. Magconfess ka na."paliwanag ni Dianne kay Cheska.
"Hindi ko alam Diaane. Gulong gulo na ko."sambit ni Cheska sabay alis.
"Tama nga si Nics. Nahulog ka na sa kanya."sambit ni Dianne sa hangin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mommy hindi sumasagot si Daddy at Tita Valencia."sambit ni Dianne.
"Tita hindi rin po sumasagot si Cheska at Braile."sambit naman ni Drake.
"Ayos lang. Itetext ko ma lang mamaya si Dianne. Maiwan ka na namin dito Xiammara para makapagpahinga ka ng maayos."sambit ni Esmeralda at umalis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
P.S
Sorry for late update maraming ginagawa.
BINABASA MO ANG
A World Full of Secrets
Genel KurguPano kung ang isang sikretong matagal ng ibinaon sa limot ay muling mauungkat.Anong gagawin mo kung ang sikretong ito ay sisira sa pagkakaibigan,samahan,relasyon at pamilya ang sisira sainyo?Pano kung ang akala mong tama ay siyang mas lalong sisira...