Ang mga batas at patakarang ginagawa ng mga mambabatas ay nakapagbibigay ng kabutihan, hindi lang para sa mga mamamayan kundi pati na rin sa mga hayop, halaman, at kalikasan, na siyang ating pinagkukunan ng ating mga pangangailangan.
May mga Pilipino na hindi isinasakilos o tinutupad ang mga batas o patakarang ito, kaya nagdudulot ito ng pinsala sa kanila at sa iba pang nilalang. Hindi nila naiisip na ang bawat batas ay nagdudulot ng kaluusagan, kapayapaan, kaayusan, katahimikan, at kaunlaran sa bansa.
Kung ang bawat isa ay kumikilos ayon sa mga batas at kung ang bawat isa ay tumutupad sa mga patakaran, hindi malabong ang Pilipinas ay maging isang bansa na maipagmamalaki natin sa buong daigdig.
Subalit, nakalulungkot isipin na ang simpleng batas sa kalsada lamang ay nilalabag pa ng karamihan. May mga mambabatas at mga pinuno rin ng gobyerno na sumasala sa batas kaya nawawalan ng kredibilidad ang mga pambansa at pandaigdigang batas.
Ang mga batas ay para sa kabutihan ng lahat. Ito ay dapat isakilos. Tuparin natin ang mga ito. Tandaan, ang bawat batas ay may karampatang parusa sa sinomang lalabag ng mga ito.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!