Mga Uri ng Manunulat

298 7 0
                                    

Anong uri ng manunulat ka?

Ikaw ba ay isang police asset? Nagtatago ka. Nagkukunwari. Naghahanap ng katotohanan, habang hindi mo ibinibigay ang iyong pagkakakilanlan. Gumagamit ka ng alyas upang magsiwalat. Malaya mong naipapahayag ang iyong saloobin dahil hindi ka natatakot na ikaw ay usigin ng taong kinakalaban mo. Ngunit, hindi mo maisulat ang iyong nakaraan at pinagdaraanan. Nakatago ka lagi sa kadiliman, kaya ang kalayaang alam mo ay isang pagkukunwari lang. 

Ikaw ba ay isang businessman? Nagsusulat ka para kumita ng halaga. Malayang-malaya ka nga, ngunit hindi mo naman makontra ang iba. Para sa iyo, lahat ng bagay ay maganda; lahat ng pangyayari ay kaaya-aya; at lahat ng tao ay mabuti. Naduduwag ka kasi baka ang mga akda mo ay hindi bumenta. Sa internet world ay sikat ka, kaya bawal sa 'yo ang salitang negatibo. Minsan naman, isinusulat mo ang akdang mabenta. Kung ano ang uso, siyang sinusulat mo. 

Ikaw ba ay consumer? Nagsusulat ka para ikaw ay may mabasa. Sarili mong buhay ay sinusulat mo. Kung mabasa man ng madla, hindi mahalaga. Para kasi sa 'yo, ang pagsusulat ay pagkain. Nagsusulat ka para manatiling malusog. Kung ayaw man nila sa iyong akda, wala kang pakialam dahil hindi naman sila ang pinaglalaanan mo ng kuwento mo. Wala ka namang negosyong nais palaguin. Wala ka rin naman kasing kinakalabang tao, kaya hindi mo ikinakahiya ang mga sulatin mo at ang pangalan mo. 

Ikaw ba ay ang kombinasyon ng tatlong ito o kahit ng dalawa lang sa kanila?

Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat. Wala namang masama kung isa ka man sa kanila. Estilo mo 'yan, kaya iyong pahalagahan. 

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon