Ang Tubig ay Buhay

9 1 0
                                    

Malayo ang nilakad ni Sheila dahil wala siyang masakyan. Tumatagaktak ang pawis niya sa katawan. Sumasakit na rin ang ulo niya at nakararamdam ng panunuyot ng lalamunan. Naghanap siya ng mabibilhan ng mineral water. Sa di-kalayuan, nadaanan niya ang Tubig S Lyf Mineral Water Station. Bumili siya ng 250 ml. na bote ng tubig at agad na uminom.

Aalis na sana siya dahil guminhawa na ang kanyang pakiramdam at nakapagpunas na rin siya ng pawis, nang mapukaw ang atensiyon niya ng nakasabit na malaking tarpaulin sa tabi ng station.

Binasa niya iyon dahil sa tingin niya ay marami siyang matututuhan.

Keep Rehydrated, Kaibigan. Tubig S Lyf!

Alam mo bang 60% ng katawan mo ay binubuo ng tubig at mga 71% ng ibabaw ng mundo ay tubig? Kaya, ang tubig ay buhay.

Isa ka ba sa mga taong hindi priority ang pag-inom ng tubig? Well, dapat mong malaman ang mga ito. May labing-apat na dahilan kung bakit kailangan mong uminom ng maraming tubig araw-araw.

Pinadudulas nito ang iyong kasukasuan upang hindi ka makaramdam ng arthritis. Kailangan din ng iyong gulugod ang tubig sapagkat ang 80% nito ay tubig.

Nakabubuo ito ng laway, na kailangan sa paglunok ng pagkain at upang manatiling basa ang iyong bibig, mata, at ilong. Nalilinis din nito at napapabango ang iyong hininga.

Nagbibigay ito ng oxygen sa iba't ibang bahagi ng iyong katawan, lalo na sa iyong dugo. Ninety percent ng iyong katawan ay binubuo ng dugo.

Pinagaganda nito ang iyong balat. Kapag kulang ka sa tubig katulad ka ng bitak-bitak na palayan.

Pinoprotektahan nito ang utak, gulugod, at iba mo pang bahagi ng katawan. Kapag kulang ka sa tubig madaling rumupok at mabasag ang mga ito.Pinapanatili nito ang normal na temperatura ng iyong katawan. Ang pagpapawis ay nakababawas ng tubig sa katawan, kaya kailangan mong palitan.

Nakadepende dito ang iyong panunaw. Ang pagdumi mo ay apektado kapag kulang ka sa tubig.

Tinatanggal nito ang mga dumi sa iyong katawan sa pamamagitan ng ihi at pawis.

Pinapanatili nito ang normal na daloy ng dugo sa iyong katawan. Kapag kulang ka sa tubig, lalapot ang iyong dugo.

Kailangan ito ng mga daluyan ng hangin, gaya ng bibig at ilong. Kapag kulang ka sa tubig, maaari kang makaranas ng asthma at allergy.

Tumutulong ito upang ipamahagi ang mga natunaw na nutrisyon at mineral mula sa mga pagkain patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan mo.

Iniiwas ka nito sa sakit sa bato. Ang bato (kidney) ang nagpapanatili ng normal na tubig sa iyong katawan. Ang kakulangan sa tubig sa katawan ay magdudulot ng kidney problems.

Pinalalakas nito ang katawan mo habang kumikilos ka at nagpapawis. Kaya mainam ito para sa mga nagtratrabahong pisikal o nag-eehersisyo.

At nakapagpapababa ito ng timbang. Ang pag-inom ng tubig bago kumain ay nakababawas sa dami ng kakainin mo.

Maniwala ka... Tubig S Lyf!

"Totoo ito!" sabi ni Sheila pagkatapos niyang magbasa.

"Opo, Ate... Kanina po parang mahihimatay na po kayo, pero ngayon.... ang ganda-ganda niyo na," sabi ng tindero.

"Salamat, Kuya! Lagi na akong magbabaon ng tubig kasi..."

"Tubig S LYF!" sabay na wika ng dalawa, saka nagtawanan.

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon