Ang Facebook ay parang diary dahil may 'update status.'
Ang mga user ay nagpo-post ng kanilang saloobin, activities o kuro-kuro. May kalayaan ang bawat isa. Pero, tandaan na may limitasyon dapat. Huwag naman sanang pati pagmumura mo ay isama pa. Hindi lang ikaw ang nakakabasa ng post mo. Kung may galit ka sa kapwa mo, personalin mo siya. Huwag kang magtapang-tapangan sa account mo.
Kung hindi mo kayang gawin ito, mag-diary ka na lang para hindi mo masira ang sarili mong imahe.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!