Isa ka rin ba sa nagtatanong kung introvert ka lang o may social anxiety disorder (SAD) ka na? O isa ka sa mga taong nagsasabing ang pagiging introvert at pagkakaroon ng SAD ay iisa?
Well, marami talaga ang nagkakamali sa bagay na ito. Kaya, dapat mong malaman ang katangian ng isang taong introvert, gayundin ng taong nakararanas ng social anxiety disorder. Simulan natin sa introvert.
Ang pagiging introvert ay isang ugali ng tao, kung saan ayaw niya lang makisalamuha sa kapwa. Bukod dito, narito pa ang ilan sa mga katangian niya.
Mas gusto niya ang kaunting kaibigan at one-on-one na pakikipag-usap. Ayaw niya ng tropa. Siya ang taong mahilig sa malalim at makabuluhang usapan sa limitado o maliit na grupo ng tao. Hangga't maaari siya at isang kausap lamang ang nais niya, lalo na kapag kasundo, kaibigan, o may malalim siyang relasyon dito.
Hindi siya nababagot o nalulungkot kahit mag-isa lamang siya. Ang totoo, mas masaya siya kapag mag-isa sa bahay o sa mga gawain. Mas nararamdaman niya ang pag-iisa kapag siya ay nasa pagtitipon at salusalo. Mas epektibo siya kapag mag-isa, kaya marami siyang nagagawang kapaki-pakinabang na bagay at gawain.
Kailangan niyang magpahinga bago at pagkatapos makihalubilo sa (mga) kapwa. Iritado siya kapag matagal ang ginugol niyang oras sa pakikipag-usap. Pakiramdam niya napagod ang kaniyang isip, kaya ang tanging solusyon ay manatili siya sa bahay o magkulong sa kuwarto nang matagal upang manumbalik ang sigla niya.
Malalim siyang mag-isip. Masining ang kaniyang mga ideya at kaisipan. Mahilig siyang mag-isip ng magaganda at makabuluhang bagay, kaya tuwing may mga katanungang mahirap sagutin, siya ang nakasasagot.
Matagal siya bago magsalita o hindi siya basta-basta nagbabahagi ng ideya. Prinoproseso niya nang mabuti ang mga sasabihin, bago bigkasin kaya natatagalan siyang magbitiw ng mga salita. At mas gusto niya ang pakikipag-usap nang hindi personal o hindi face-to-face.
Ayaw niyang nagiging center of attention siya. Nakapagdudulot ito sa kaniya ng iritasyon. Mas gusto niyang kumilos o gumawa nang tahimik at hindi pinapansin. Mas epektibo niyang nagagawa ang mga gawain kapag walang nakatingin. Ayaw rin niyang pinupuri o makatanggap ng mga recognition. Siya ang taong masaya nang magtrabaho behind the scenes.
Mas gusto niya ang pasulat na komunikasyon kaysa sa pasalita. Mas naipapahayag niya ang kaniyang ideya, kaisipan, at saloobin kapag isinusulat niya ang mga ito. Mas gusto niya ang pagsusulat kaysa sa pagsasalita.
Mas gusto niyang magtrabahong mag-isa kaysa gumawa nang kasama ang grupo. Hindi naman sa hindi siya epektibo kapag nasa grupo. Mas nakapopokus kasi siya kapag walang kausap at mga naririnig. Sa palagay niya, mas kapaki-pakinabang siya kapag solo siya sa isang gawain.
Mahusay siyang magbasa ng isip ng tao. Dahil tahimik siya kapag kasama ang karamihan at mahilig siyang magmasid, nabibigyan niya ng kahulugan ang mga kilos at gawi ng mga taong nasa paligid niya. Mas gusto rin niyang making kaysa magsalita.
Nahihirapan siyang mag-adjust kapag may bagong gawain. Mas gusto niya ang mga nakasanayang bagay, kaya naman tumataas ang presyon ng kaniyang dugo kapag nahaharap siya sa isang di-pamilyar o bagong lugar, sitwasyon o gawain.
Ayaw niya sa networking. Naiirita siya kapag kailangang manghikayat ng tao. Siya ay hindi mahusay sa marketing o sales talk. Napapagod agad siya kapag hindi niya mapasunod o mahikayat ang isang tao. Para sa kaniya, hindi siya nababagay sa mga samahan o organisasyon.
Bago natin kilalanin ang mga katangian ng taong may social anxiety disorder (SAD), linawin ko lang na ang SAD ay isang mental na karamdaman at nagdudulot ito ng negatibong epekto sa iba't ibang aspekto ng buhay ng tao.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
عشوائيMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!