Si Mechora Aquino ay isinilang noong ika-6 ng Enero, 1812. Hindi man siya nakapag-aral, subalit taglay niya ang mga katangiang itinuturo ng isang guro sa mga estudyante. Kampeon siya sa pakikipagkapwa-tao.
Siya ay maybahay ni Fulgencio Ramos, isang cabeza de barangay ay biniyayaan sila ng anim na anak. Nang pumanaw ang kaniyang kabiyak, pitong taong gulang pa lamang ang bunso nilang anak. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang buong pamilya at hindi na muling nagpakasal pa.
Binansagan siyang Tandang Sora sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikan, na binuo ni Gat Andres Bonifacio noong 1896. Kasalukuyang may munting tindahan siya noon sa Balintawak.
Nang natuklasan ng mga Kastila ang lihim na Katipunan, marami ang pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa rebolusyon. May mga tumakas at nakapagtago sa kagubatan. May nakatuklas sa kabutihan ni Tandang Sora.
Pinapabaunan pa niya ng kaunting salapi ang mga ito at pinapupunta sa mga ligtas na lugar, kung saan hindi sila uusigin ng mga Espanyol.
Walang tinatanggihan si Tandang Sora.
Nakabalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ang bansa ay nasa ilalim na ng pamahalaang Amerikano. Matandang-matanda na siya noon. Wala na siyang nalalabing ari-arian.
Namatay siya sa karalitaan noong ika-2 ng Marso 1919. Ang kanyang mga labi ay hinimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak, na ngayon ay kinatitirikan ng Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Lungsod ng Quezon.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!