Hindi lahat ng bagay ay alam natin. Hindi natin alam sagutin ang mga tanong na ipinupukol sa atin, kahit na may katiting tayong nalalaman tungkol dito, lalo na kapag bata ang nagtanong. Ang hirap sagutin lalo na't kailangan mo agad masagot ang itinatanong nila! Mabibigla ka talaga at mame-mental block. Mabobobo kang bigla.
Ang limang taong gulang kong anak ay napaka-inquisitive at napaka-observant. Andami niyang tanong. Andami niyang napapansing bagay-bagay na para sa atin at normal lang, pero para sa kanya ay bago at pambihira. Well, it's part of growing up ng isang bata. Oras niya talagang magtaka at mag-explore sa mundo.
Saan galing ang ipis?
Iyan ang tanong niya sa akin, minsang naglalakad kami, isang gabi mula sa tindahan. Siguro ay may nakita siyang 'kalpis'.
Kalpis?
Kalyeng ipis...
Ang sagot ko ay... sa dumi!
"Ah, sa dumi pala galing ang ipis..." Kumbinsido na siya sa sagot ko samantalang ako parang hindi. Pinaniwala ko lang siya. Para sa kanya, ang tali-talino ko. Pero, ang katotohanan, naboploks akong bigla.
Heto pa:
"Bakit may leeg tayo?"
"Bakit pag tinatanong kita, ang sagot mo ay di mo alam? Anong ibig sabihin ng di ko alam?"
"Anong ibig sabihin ng kapitbahay?"
Etc.. etc.. etc.
Ikaw, kaya mo bang sagutin lahat ng tanong niya, on-the-spot?
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!